Chapter 24

380 8 0
                                    

Misha Maxine's POV

"It's still early,Misha. Papasok ka na ba agad?"tanong  ni Dad sa akin matapos kong makalabas sa aking silid.

"Good morning,Dad."sabi ko at humalik sa pisngi nito.

"Why are you up so early,darling?" tanong ulit nito.

"I need to fix something,Dad. Someone's trying to steal what's mine kaya kailangan kong gumawa ng hakbang." Nakita ang pagtataka sa mukha ni Dad dahil sa sinabi ko. Gumising ako ng maaga para makausap si Chase, base sa sinabi kahapon nila Chance ay maaga itong pumapasok kaya may posibilidad na naroon na ito ngayon. I need to talk to him and clear everything between us.



"So,what did that person steal from you?" puno ng pagtatakang tanong nito.



Matamis na ngiti lamang ang isinukli ko rito,"I'll tell you soon,Dad. I'm leaving,bye." saad ko at nilagpasan ito.

"Take care,Princess. Call me if you need some resbak alright?"napangiti naman ako sa sinabi nito,the always supportive father to his daughter.


"Manong Ben,sa University po." sabi ko sa driver namin na agad namang sumunod.


Hindi pa gaanong karami ang estudyante sa university ng dumating ako,agad akong pumunta sa room namin kung saan naabutan ko si Chase na nakaupo sa kanyang upuan habang may suot na headphone. Marahan akong lumapit dito at tumigil sa kanyang harapan, mukhang naramdaman nito ang presensya ko dahil iniaangat nito ang kanyang tingin at inalis ang suot na earphone.


"What do you want?"tila isang yelo ang mga salitang binitawan nito sa sobrang lamig.



"C-Chase,l-lets talk."Kinakabahan kong saad ngunit nanatili lang itong blangkong nakatingin sa akin.



"I just—"


"Danger,pinapatawag ka ni Coach."naputol ang iba ko pang sasabihin nang pumasok sa silid ang mga miyembro ng varsity nito. Agad na tumayo si Chase at niligpasan ako, ni hindi man lang ako nito nilingon. Marahan kong ikinuyom ang mga kamao ko,"Patience Maxine,Patience."pagpapakalma ko sa sarili ko.


Sa mga sumunod na araw ay naging ganito na ang routine ko,pumapasok ako ng maaga para makausap ito ngunit tila ba ay iniiwasan ako nito dahil tuwing lalapit ako sa kanya ay mabilis itong lumalayo sa akin o kaga ay sasabihin niya na busy siya bagay na ikinaiinis ko ngunit pinaalala ko sa sarili ko na kasalanan ko naman kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.



Friday na at hindi katulad noong mga nakaraang araw ay tanghali na ako nakapasok dahil late na ako nagising. Mabilis akong naligo at nagtungo sa university at hinanap kaagad si Chase. Nakita ko ito malapit sa aming silid-aralan habang kausap si Trixy na akala mo ay linta kung makadikit at makakapit sa braso ni Chase. Halata na nilalandi nito si Chase. Mabilis akong lumapit sa mga ito at diretsong tumingin kay Chase.



"Let's talk. Whether you like it or not."walang emosyon kong sabi.


"Excuse me? Why would he talk to you?" Sabat ni Trixy.


"Do not meddle on our business,Trixy. Baka sampalin ko 'yang pagmumukha mong punong puno mg harina."at binigyan ito ng matalim na tingin. Maging ang atensyon ng mga taong nasa loob ng silid-aralan ay napunta sa amin. Mabilis na lumabas sina Wrozen at Chance at ang iba pa ngunit nanatili itong nanunuod lamang at hindi nakikialam.



Tila napahiya ito sa sinabi ko at bumakas ang galit sa mukha nito,"You bitch—."



Akma na sana ako nitong sasampalin nang hilahin ni Chase ang kamay niya na lihim kong ikinangiti," That's enough,Trixy." saad ni Chase.



THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon