Misha Maxine's POV
"I told not to involved your self in fight, didn't i?" panimula ko kay Mira habang ginagamot ito ng school nurse.
"Aww. That's hurt." Reklamo niya.
"Pangatlong beses ka ng napunta dito sa clinic sa loob lang ng isang linggo. Mabuti at hindi ka napupuruhan sa pakikipag-away mo." sermon ng nurse.
Wait.. Did i heard it right? Tatlong beses?!
"Tatlong beses? What the heck on earth have you done sa loob ng isang linggong wala ako?!" inis na tanong.
Mauubusan na ako ng pasensya sa mga pasaway na ito!
"Kasi naman. I can't stay still watching how they bully those weaks at kung paano nila bastusin ang mga walang kalaban laban sa kanila. Alam kung ayaw na ayaw ko sa bagay na 'yon,Mish. Inubos nila ang pasensya ko dapat lang sa kanila yun." depensa nito.
"Yeah right,so now look at yourself. Daig mo pa ang lalaki sa pagiging basagulera." Sermon ko at pinitik ang noo nito.
"Aww. What was that for?" Pagmamaktol nito.
"Sa katigasan ng ulo mo!" I hissed.
"And where's Killua? Ang akala ko ba binabantayan ka niya?" tanong ko.
"Nilamon na ata ng lupa ang kurimaw na 'yon! At huwag lang talaga siyang makalapit-lapit sa akin!" inis na saad nito.
What happened? Bakit parang mas tumindi ang galit ng isang to kay Killua.
"Speaking of Killua, may dinala siyang seniors noong nakaraang araw dito,mukhang napaaway din siya sa mga 'yon pero wala naman siyang natamong sugat." sabat ng nurse. Natigilan naman si Mira samantalang inis na isinabunot ko ang kamay ko sa aking buhok. Ilang araw lang kaming nawala parang naging rambulan na ang eskwelahang ito.
Hindi na namin nagawang pumasok pa sa klase dahil sa pag gamot nito sa sugat ni Mira kaya mas pinili na lang naming dumiretso sa cafeteria.
"Eat. Baka sabihin ng kaluluwa ni Mrs. Rhias ginugutom ko ang anak niya. "Sabi ko at inilapag ang pagkain sa harap ni Mira.
"You're so mean,Mish." nakangusong saad nito.
"You look like a duck." i added na mas lalo niyamg ikinangiwi.
"How's your mission, anyway?" Kapagkuwan ay tanong nito.
"It's fine." walang gana kong sagot.
"Really? So why are you like that? Mukha kang hindi nagtagumpay sa misyon mo." Aniya.
"Natamaan ng baril si Chase dahil sa akin." i answered.
"Ah. Kaya pala ganyan ang mukha mo. It's not your fault, he chose to be shot. Hindi mo desisyon ang bagay na 'yon."Sabi nito na patuloy sa pagkain.
"Alam mo kung gaano ko kaayaw na may nagbubuwis ng buhay nila para sa akin diba?" i said blankly.
"You can't do something about that,Misha Maxine. It's his decision. Hindi mo mapipigilan 'yong mga taong gusto kang iligtas." seryosong sagot nito na tumigil sa kanyang kinakain.
"Mahalaga ka sa kanila kaya nila ginagawa ang bagay na 'yon at ayaw ka nilang mawala. Kailan mo kaya maiintindihan ang bagay na 'yan? Paulit-ulit lang tayo ah?! Naiinis na ako, Misha." pikong saad nito.
I still don't understand them, and i think i will never be.
"Mish!" Natigil ang pag-uusap naming dalawa dahil sa sigaw na mula pinto ng cafeteria kapagkuwan ay iniluwa nito ang tumatakbong si Killua. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mira at ang inis na sumilay sa mukha nito. Mukhang hindi ito natutuwa na makita si Killua.
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.