Chapter 17

409 12 0
                                    

Misha Maxine's Pov



"Are you still not done,Maxine?" Rinig kong tanong ni Chase mula sa labas ng silid ko.


Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili. Hindi ko ito sinagot at pinag-patuloy ang aking ginagawa. I put a small amount of make up,gumamit din ako ng pulang lipstick na kinahiligan ni Ms. Trevise na bumagay naman sa suot kong damit. I am wearing a black elegant dress na hindi umabot sa tuhod ngunit nahapit naman nito ang kurba ng katawan ko. Pinili ko ang ganitong damit dahil bukod sa pagiging sopistikada ni  Ms. Trevise at ay mas madali akong makakakilos kapag nagkauron na ng engkwentro. Kinulayan ko din ng ash gray ang dulong bahagi ng aking buhok at hinayaang nakalugay ang hanggang balikat ko. Pagkatapos ng pag-aayos ko ay kinuha ko ang briefcase na nasa tabi ko kung saan naroroon ang perang gagamitin namin sa auction at maging ang mga baril pagkatapos ay lumabas ako ng silid. We only have a minute from now,kailangan na naming magmadali.


"Hey what took—"Chase didn't even finished his words as amusement drawn in his face. A minute passed it suddenly changed into glare.


"I told not to wear that kind of dress! " He snorted.

"It's too revealing! Baka pagpyestahan ka sa venue mamaya!" He added angrily. Agad kong kinuha ang librong nakita ko at agad na ibinato rito na tumama sa ulo niya.


"You pest! It is not too revealing at isa pa ganito manamit si Ms. Trevise. Just shut your mouth and do your job!" I snapped back.


"Let's go. At huwag mong subukang magsalita ulit dahil kapag nagkataon ay hindi ka makakasama sa misyong ito." I warned. Kahit madami pa sana itong sasabihin ay nanatili na lang itong tahimik dahil alam niyang hindi ako nagbibiro.

"Mag-ingat ka." Paalala niya na agad na nahawakan ang braso nang muntik na akong matumba. Hindi nito inalis ang braso niya sa kamay ko hanggang sa makalabas kami ng unit kung saan naririnig ko ang mga reklamo nito ng pabulong.



"Mukha kinakailangan kong magdasal ng isang daang beses sa mga santo para bantayan ka mula sa mga demonyong mata mamaya." Mahinang sambit nito na inalalayan akong makasakay ng sasakyan.



"Putangina kasi! Sino bang nag imbento ng ganyang damit at papatayin ko!" Napailing na lang ako sa mga pinag-sasabi nito ngunit hindi na ako kumibo pa dahil siguradong hindi lang naman kami magkakasundo.


Anim na minuto na lang ang natitira ng dumating kami sa venue kung saan mangyayari ang auction. Katulad ng inaasahan namin ay hindi lang kami ang gumamit ng entrance sa taas ng building kung hindi ang karamihan na nasa listahan ng imbitasyon. Mapapansin din na karamirahan sa mga ito ay malalaking tao sa bansa at mga kalalakihan.


Devils!

Humigpit ang pagkakahawak ko sa briefcase. At ang kaliwang kamay ko naman ay inihawak sa braso ni Chase.

"I need a support. I might kill these scumbags right now." Mahinang bulong ko. Chase was stunned for a minute but eventually smiled sweetly.  Marahang inalis ang kamay ko sa braso niya bagkus ay pinagsiklop nito ang aming mga palad.

Nakaramdam ako ng kakaibang init sa mukha at tila may mga paru-parong nag-uunahan sa tiyan ko. Tila ba may isang boltaheng kuryente ang dumaan sa kamay ko dahil sa ginawa nito.


What the heck is this feeling?


"What do you think you're doing?" mahinang saad ko.


"Giving you support." He simply answered.


"And we need to act as a couple. Baka nakakalimutan mong fiance ka ni Mr.Dela Garsia." He added. Sinamaan ko lang ito ng tingin at hindi na nakipagtalo pa.


THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon