Misha Maxine's POV
Nanatili ang tingin ko sa malawak na karagatan,hindi ko alam kung nasaang lugar kami ngayon ni Zeke basta ang sinabi ko lang sa kaniya ay dalhin ako sa lugar na malayo sa lahat. Malayo sa kanila,malayo sa mga taong dahilan kung bakit labis ang nasasaktan ngayon.
"Isha?" Nilingon ko ang taong nagsalita sa tabi ko. Kitang kita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata at ang mga tanong na kung ayos lang ba ako ngunit hindi niya magawang itanong.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kawalan na nasa harap ko and i felt my body is trembling again and at the same time the tears are freely falling from my eyes,"I am not okay,Zeke. It's painful. Para bang pinipiga ang dibdib ko sa sobrang sakit. Na para bang kaunti na lang mawawasak na ang mundong ginagalawan ko."
Naramdaman ko ang kamay ni Zeke mula sa aking likuran,"Everything is going to be okay,Isha." he said.
"It's not the end of the world,Isha. Nasasaktan ka lang sa mga oras na ito pero hindi pa katapusan ng lahat."
I smiled bitterly. It's not the end of the world.But why do i feel like my world is shattering slowly?
"Lilipas din ang lahat. No matter how tough the situation in life,they are meant to just pass you by. So hang on a little while,Isha. Tough time never last but tough people do." He added.
I smiled at bit, kahit papaano ay may taong nakapagpapagaan ng loob ko. "Thank you,Zeke." I said.
"For what?" He asked.
"For staying by my side. I don't know if i can face everything alone. I'm glad na kahit papaano ay may tao akong nahahawakan sa mga panahong sobrang nahihirapan at nasasaktan na ako.
Zeke smiled at me,"What are friends for right? And remember, ikaw lang din ang taong nagtiwala sa akin no'ng panahong tinalikuran na ako ng lahat at no'ng mga panahong kailangan na kailangan ko ng tulong ay hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako. So we're quits."
I tapped his back,"Your girlfriend will be lucky to have you." Saad ko na ikinatawa nito.
"Yeah. But can you please pray harder? Hanggang ngayong kasi wala pa 'yong babaeng sinasabi mo na para sa akin? Traffic ba? Grabe naman huh?"
Natawa ako dahil sa sinabi nito. Ganitong ganito rin ang naging usapan namin two years ago.
"I'm glad that you're laughing now. Unlike earlier,hindi ako sanay na makita kang mahina." Saad nito habang nakangiti sa akin.
"I know i shouldn't be asking this but we have no choice. Hindi matatakbuhan ang bagay na ito." Pag-iiba nito sa usapan.
The smile in my face dissapeard. He's right,hindi ko matatakbuhan ang bagay na ito.
"What's your plan now?" He asked.
"Give me some time. I need some time para harapin sila lalo na si Mama. Hindi ko pa kayang humarap sa kanila sa pagkakataong ito dahil alam kong kamumuhian ko lang sila. I just need to calm down a bit after that I'll talk to them. Gusto kong malaman ang lahat at kung nasaan ang mga taong 'yon. Marami na ang nadadamay, ako lang at ang ina ko ang habol nila kaya wala na dapat pang ibang madamay." Saad ko.
"That's good to hear. Hindi natin kailagan patagalin pa ang lahat ng ito dahil siguradong gagawa ng hakbang ang Pentagon to get you." Zeke said. Tumango ako sa sinabi nito dahil hindi ito imposibleng mangyari siguradong sa mga oras na ito ay pinagpaplanuhan na nila ang lahat para mapatay ako o si Mama.
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.