Chapter 9

441 15 0
                                    

Killua's POV



"Killua, wake up! You'll be late." Rinig kong sigaw ni Trax mula sa labas ng aking silid.



"Five more minutes." I groaned.





"Get up, bago pa si Mom ang kumatok sa pinto mo." pananakot nito.




Tila binuhusan ako ng malamig na tibig dahil sa sinabi nito. Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga dahil siguradong hindi ko nanaisin pang si Mom ang kumatok sa aking pinto para gisingin ako.




It will be a disaster, for sure.



Mabilis akong naligo at nag-ayos pagkatapos ay bumaba na mula sa silid ko kung saan naabutan ko si Mom at Dad na nasa hapagkainan.



"Where's Trax?" Tanong ko nang makaupo ako sa harap nila.




"Sinusundo si Chance." Mom answered.




Napailing ako habang naupo sa harapan nila. "Minsan nagtataka ako kung ako ba talaga ang kakambal ni Trax o si Chance." Saad ko.


Mom and Dad chuckled, "Understand him,Killua. Alam mo namang malapit sa pinsan mo ang kapatid mo. No need to be jealous." Dad teased.



"I'm not jealous,Dad!" Agad kong sagot na ikinatawa ng mga ito.



"Namimiss lang ni Trax ang kapatid ninyo kaya halos lahat ng pagmamahal niya sa kanya ay kay Chance niya ibinibigay." Manag Adel said.



Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito. She's right, close si Trax kay Chance at sa bunso namin kahit noon pa man. Tila ba may dalawang prinsesa ito but after my little sister died gumuho rin ang mundo namin but thanks to Chance, kahit paano ay napunan nito ang kalungkutan mg pamilya namin. We're really lucky to have her at hindi siya ipinagdadamot nila Mama Eireisone at Tito Chaos sa amin.



"Nagkausap ba kayo ni Misha kahapon?" pag-iiba ni Mom sa usapan.



"Yes. And she keep on saying sorry dahil sa nangyari sainyo." sagot ko bago sinimsim ang kapeng nasa harap ko.



"Wala siyang dapat ihingi ng tawad. It's my fault after all."




"I already told her that. Sinabi ko rin na sinapian ka na naman ng masamang elemento kaya naging gano'n ka kahapon." I said nonchalantly.



Napako ang atensyon ko ng humalakhak si Dad dahil sa sinabi ko ngunit agad naman itong natigil ng tignan siya ni Mom ng masama.



" Mukhang mali ang nasabi ko." alanganing ngiti ko kasabay ng pagtayo ko mula sa pagkakaupo at nagmamadaling umalis bago pa ako tamaan kay Mom.




"Bye Mom! Bye Dad!" Hiyaw ko na halos liparin na ang kinaroroonan ng sasakyan ko habang si Mom naman ay pinipigilan ni Dad na habulin ako.



Shit! Isa siguro si Mom sa mga nawawalang anak ni Lucifer.


Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko patungo sa eskwelahan at agad na pumasok sa silid namin kung saan naabutan ko si Misha na nakaupo sa dulong bahagi ng silid habang nakasuot ng headphone at nakapikit ang mga mata.




"You're early,Kill." bati ng kapatid ko.




"Yeah. Mom almost crashed me." Ani ko na ikinatawa nito.


"Good morning,little witch." Bati ko kay Chance na nasa tabi nito bago hinalikan ang kanyang noo na inismiran lang ako.



"What's uppeople of the universe!" Bati ko sa iba pa na tango lang ang isinagot sa akin.



THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon