Misha Maxine's POV
"When did you arrived? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na darating ka?" Sunod-sunod tanong ni Wrozen.
"Saang panig ba ng mundo ka pumunta, Mish? Hindi ka man lang sumulat sa amin." Pagdadrama pa ni Killua.
"Kumusta ka? Maayos ka na ba?" Chance added.
"Hep! Hep! Ang dami namang tanong." Pagrereklamo ko ngunit nakatanggao lamang ako ng batok mula kay Wranz.
"Gusto lang naman naming malaman kung kumusta ka sa nakalipas na dalawang taon." Aniya. Pinagmasdan ko ang mga ito at nakita ko ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Even in his eyes.
"Okay! Okay! Kararating ko lang kanina. Tito Max knew that i'll be coming home. Nasa Greece rin ako sa nakalipas na dalawang taon and i am fully okay now. Happy na?" Nakabusangot na sabi ko sa mga ito.
"We're happy to hear that, Mishmish!" Harper and hugged me.
"Nakita mo na ba sila Mom?" Wrozen asked.
"Hindi pa. Balak ko sana silang puntahan muna pero narinig ko ang inggay ni'yo kaya gano'n." Sabi ko.
"Huy! Danger ano? Tulala pre?" Pang-aasar ni Trax sa pinsan nito. Mula kanina ay hindi pa ito nagsasalita at nanatiling nakatitig lang sa akin.
"Totoong tao 'yan, Danger. Hindi iyan aparisyon. Gago!" Dagdag pa ni Zeke.
"Hayaan ninyo na. Ganiyan talaga kapag inlove." Sabat naman ni Duke.
Danger glared at them. Pagkatapos ay ngumiti ito sa akin.
"Hi." He said.
"Let's leave them for while." Wrozen said.
"Sunod na lang kayo sa function hall." He added bago kami iniwan ng mga ito.
"H-How are you, Chase? Are you—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko pa nang maramdaman ko ang malambot na labi nito sa aking labi.
God! How i miss this man!
Hinihingal na pinakawalan nito ang mga labi ko at pinagdikit ang tungki ng aming mga ilong.
"Damn it! I missed you badly, baby." Mahinang sambit nito.
"I waited for two years and i am glad that you came back to me again." He added and hugged ne tightly.
It feels so warm to be in his embrace. I am really lucky to have this man.
"Thank you for waiting, Chase. Thank you."
"No, baby. Thank you... Thank you for coming back." Aniya and gave me a peck on my lips.
"Bwesit! Bakit nas gumawapo ka?" Sabi ko dahilan upang matawa ito at muli akong yakapin.
"Sa'yo pa rin naman ang gwapong ito." Sagot nito.
Gaga! Kinikilig ako!
Bumitaw ito sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.
"They must be waiting. Let's go?" He said. Lumabas kami sa silid at nagtungo sa function hall kung saan naabutab namin ang lahat na nagkakasiyahan.
Ngunit agad naman itong natigil nang makilala nila ako.
"Oh my God! Misha Maxine!" Halos takbuhin na ni Mama Elly ang kinaroroonan ko nang makita ako nito.
Mahigpit ako nitong yinakap at maging si Papa Knight ay yumakap din. Tanging ang mga hikbi ng kasiyahan lamang ang maririnig sa buong silid. And i know that Mom and Dad would be very happy seeing how happy i am right know.
Lahat ng sakit ay may hangganan at lahat ng kwento ay may katapusan. At ang kwento ng buhay ko ay natatapos na rin dito.
A/N: MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA SIMULA SA SIMULA HANGGANG SA WAKAS. GOD KNOWS HOW THANKFUL I AM SAINYO. I HOPE YOU ENJOYED THE JOURNEY ON MAXINE'S LIFE. MARAMING SALAMAT A SUPORTA! AT DITO NA NGA NATATAPOS ANG KWENTO NILA!
PS: ONE SPECIAL CHAPTER WILL BE POSTED NEXT WEEK. LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.