Chapter 37

361 10 1
                                    

Danger Chase' POV

"Chase? What happen to her?" Mabilis na tanong ni Tita Autumn matapos kami nitong pagbugskan ng pintuan habang karga ko ang walang malay na si Maxine.

"She passed out,Tita." Ani ko at inalalayan ako nitong makapasok sa kanilang mansyon.

"Anong nangyari sa anak ko,Chase?" Tito Lucas asked at kinuha nito mula sa aking pagkakahawak si Maxine.

Marahan ipinasok sa kaniyang silid si Maxine at maingat na inihiga. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mag-asawa.

"We're buying some materials for our project when Maxine bumped into someone," i paused.

"He saw someone who really looks like Wrozen,Tita." I added.

Gumuhit ang gulat sa mukha ng dalawa na kahit ako man ay hindi makapaniwala sa nakita ko kanina. That man really resemble Wrozen. Kahit saang angulo mo tignan ay malaki ang pagkakahawig nila at maging ang pagkakahawig nito kay Wranz.

"That's impossible,Chase. Wrozen is dead. Matagal ng patay si Wrozen at si Maxine mismo ang makakapagpatunay ng bagay na iyon because she saw how he died." Tita Autumn said in disbelief.

"Nalaman ninyo ba kung anong pangalan niya? or even where he live?" Tito Lucas asked.

Binalingan ito ni Tita Autumn na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang asawa,"Don't tell me na naniniwala ka na si Wrozen ang taong iyon,Lucas? Come on,Lucas. Wrozen is dead!"

"We didn't found his body,Autumn." kalmado ngunit may diing sabi ni Tito Lucas na ikinatahimik ni Tita Autumn.

Tito Lucas is right. They didn't found Wrozen's body. Dahil sa lakas ng pagsabog ay halos maging abo na ang sasakyan kung saan ito nakasakay no'ng mga oras na 'yon.

"Alam mo kung paano gumalaw ng Pentagon,Autumn. They will use everything to ruin the Legrand Legacy and your life," Tito Lucas added.

"Posible po bang si Wrozen nga ang lalaking nakita namin kanina?" Tanong ko.

"Maaaring oo pero maaaring hindi,"Tito Lucas said.

"What do you mean,Tito?"

"Pentagon knows how to play game,Chase. Kayang kaya nilang buhayin ang isang taong patay at kayang kaya rin nilang gayahin ang buong pagkatao ng taong namatay na. They will use everything they have para lang mag tagumpay sila." Sagot ni Tita Autumn habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao.

"There's a possibility that Wrozen didn't really died in that incident but there's also a huge possibility na peke ang taong iyon at ginagamit lamang ng Pentagon para guluhin ang buong sistema ni Maxine." Tito Lucas added.

Ngunit kung si Wrozen nga ang taong 'yon why can't he even recognize us or Maxine?

"May CCTV ba sa lugar na pinuntahan ninyo? Kailangan kong makita ang footage ng nangyari kanina,"Tito Lucas said.

"It was a public place kaya siguradong may CCTV sa lugar na iyon,Tito." Sagot ko.

"I'll go with you," i added.

"Nakita rin ba ni Wranz ang taong 'yon?" Tita Autumn asked.

"He wasn't there,Tita." I said.

"Don't tell anyone about this,Chase. Huwag na huwag ninyo itong ipapaalam lalo na kay Ate Elley at Kuya Yuan." Saad nito.

"They have the right to know,Autumn." Ani ni Tito Lucas

"And what? Paasahin silang buhay ang anak nila? Paano kung hindi nga si Wrozen ang lalaking iyon? Masasaktan na naman ba sila?" Tita Autumn burst out in anger kasabay nito ang pagpatak ng mumunting luha sa kaniyang mga mata.

THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon