Misha Maxine's POV
"Feli, where's your comfort room?" Tanong ko habang abala parin ito sa kaniyang ginagawa. Malapit na kaming matapos, we're just painting the last piece pagkatapos nito ay tapos na. Crest helped us earlier kaya naman ay napabilis ang trabaho namin.
"Nasa right side malapit sa kitchen,Mish." Sagot niya na hindi man lang ako nilingon. Lumabas ako sa art room at hinanap ang sinabi nito. Hindi kalakihan ang bahay kaya naman ay nahanap ko agad ito.
Nang makalabas ako sa sa comfort room ay naagaw ang atensyon ko ng mga larawang nasa sala nila. It was a pictures of Crest and Felicity sa iba't-ibang bansa. They seems really close, did Wrozen really completely forgot us at masaya na sa buhay na mayro'n siya ngayon?
"That was our trip few months ago." Mabilis kong inilapag ang picture frame sa dating kinalalagyan nito at nilingon ang nagsalita.
"Mr. Dasovich,"
He grinned and spoke,"Crest will do,Misha."
I stared at his eyes, he's smiling but why is like there's a hint of sadness in his eyes?
"Crest," saad ko na ikinangiti nito.
"I am really sorry about the incident a few days ago. I don't really mean it and i hope you understand,Crest." I said calmly.
He chuckled a bit,"It's okay. Pasensya na rin sa naging reaksyon ko. I was really surprised that time." Aniya.
"Anyway, let us forget that. Nasaan pala sina Felicity?" Pag-iiba nito sa usapan.
"They're finishing the last piece?" I answered still controlling my emotions kahit na gustong gusto ko na siyang yakapin.
Kapag nakita siya ni Mama Elly ay siguradong magiging ganito rin ang reaksyon niya knowing how close he is with her.
"Can you call them once they're done? I cooked some snacks for everyone." Nakangiting sabi nito.
Marahan akong tumango bago ito iniwan at bumalik sa art room.
"We're done!" Malakas na sigaw ni Zeke.
"Pakiramdam ko namanhid ang buong kamay ko." Dagdag pa nito.
Chase tsked,"Hindi lang kamay maging buong pagkatao mo."
Felicity laughed habang ako ay napailing na lamang sa sinabi nito. Siguradong magsisimula na naman itong magbangayan.
"Parang hindi naging manhid minsan ah? Grabe ka naman,Master Danger Chase!" Zeke teased. Mabilis na nakuha ni Chase ay ang paint brush na nasa tabi nito at agad na ibinato kay Zeke na kung hindi ito nakailag ay siguradong tatama sa mukha nito ang paint brush.
And here we are again. Hindi man lang sumagi sa isip ko na darating sa puntong ito na makikita ko silang nag-aasaran lalo na at laging galit si Chase kay Zeke because he's jealous over him way back then.
"What the fuck,Man! Paano kung tumama iyon sa gwapong mukha ko? Edi nagalusan ang mala anghel kong mukha! Godness!" Daig pa ang babae sa lakas ng tili nito.
"Gwapo? Saan? Bakit hindi ko makita?" Nakangising sagot ni Chase.
These two won't stop unless someone told them to.
"Bulag ka kaya hindi mo makita. Pero si Misha nakikita niya ang kagwapuhan ko. Hindi ba,Misha?" Sabay na tumingin ang dalawa sa akin. Zeke was smiling widely at me habang si Chase ay walang emosyong nakatingin sa akin na para bang sinasabing kapag sumagot ako ng oo ay hindi magiging maganda ang kalalabasan nito.
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.