Chapter 35

196 8 2
                                        

Balimbing

I had to make everything go according to plan. 

Napatingin ako sa paligid habang yakap-yakap ang brown folder. Nothing really matters right now but this. Just this...

"Sera, nandito na 'yung pinapakuha mo sa akin," ani Ma'am Areno.

"Salamat, Ma'am." I smiled weakly at her. Masyado akong naging malapit sa guro kong ito. Siguro dahil alam kong hindi siya mapanghusga... alam kong totoo siya sa akin. 

Hindi niya sinuklian ang aking ngiti ng parehong ekspresyon. May pag-aalala niya akong tiningnan. I'm just not sure if she's worried or she's just bothered with my request.

Napahalukipkip siya at nagtiim-baga. "Sera, saan ka nagtatago ngayon? Ligtas ka ba roon?"

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Ma'am. Nagtatago? Paano niya nalaman?

"Naging kontrobersyal ang pamilya mo. Kahit saan ka magpunta, mainit na usapang isa kriminal ang ama, tiyuhin at kapatid mo, may sakit sa pag-iisip ang ina mo at..." Napatigil si Ma'am Areno sa pagsasalita at napahilot na lamang ng sentido.

Wala akong magawa kung hindi ang mapayuko na lang. Nobody knows how shameful I am with my family. It's beyond the measurable. 

Above all, I am shameful of myself.

I am aware of the people's accusation towards my family and they were proven guilty with it. Much more than that, I am well-aware of what people think of me.

Manggagamit. Hipokrita. Sinungaling. Balimbing.

Bigla akong yinakap ni Ma'am Areno na siyang nagpakirot ang puso ko. I am very conscious of the burdens I carry but I felt the world crash on me just now. Hindi ko na kaya. Gusto ko na bumagsak ang buong mundo sa akin. 

"I know you weren't playing safe, Sera. Hindi mo kasalanang malapit ka sa mga Vernan. Hindi mo kasalanang naging ganoon ang pamilya mo. You don't know anything..."

Napahikbi ako. I'm shivering in my teachers arms. 

"Sige lang, Sera," aniya at yinakap ako ng mahigpit. "Iiyak mo lang. Hopefully, everything will be okay."

It will take a lot for things to be okay. There's no way I could correct the situation. There's no way I can bring back the time.

"I only pretended to know nothing..." I said in between sobs. "Alam ko ang lahat. Alam kong ang pamilya ko ang dahilan kung bakit namatay si Simeon Vernan. Alam kong wala naman talagang kasalanan si Fajardo Salvani. Ang sama-sama ko. I was scared that I played safe..."

"No, Sera. Ang bata-bata mo pa nang nangyari iyon natural lang na matakot ka," ani Ma'am Areno. Hindi ko alam kung totoong iyon talaga ang tingin niya sa akin o gusto niya lang pagaanin ang loob ko.

Pero, nagpapasalamat akong nandito siya para sa akin. Nagpapasalamat akong may nakakaintindi sa akin. Nagpapasalamat akong may handang makinig sa akin ng buong-puso.

Aaminin ko, inakala kong wala na talagang makikinig o maniniwala sa akin. I only hoped for Miguel to believe me. Kahit siya na lang, iyon ang ipinalangin ko. Ngunit, nawala lahat ng kumpyansa ko sa sarili ko nang hindi man lang ako pinakinggan ni Miguel noong araw na iyon. He even left his own house because he can't stand being with me.

"Sera?" 

My heart made a sudden jump. Dahan-dahan kong nilingon upang tingnan kung sino ang tumawag sa akin. Napalunok na lamang ako nang makita si Manang Maricris. 

Paano niya nalaman? Huli na ba ang lahat? I studied her expression. Her gazes are fixed only on me while she slowly walked towards me. Nagsi-salpukan ang kilay niya. Hindi ko alam kung dahil ba kinamumuhian niya rin ako dahil alam niya na ang totoo kong pagkatao o dahil ba sa sikat at init ng araw dahil tanghaling tapat.

I quite think a lot of the people's behavior today. They were giving me ambiguous messages and it only makes me overthink!

"Sorry po, Manang..." Kusang lumabas iyon sa labi ko. Wala na akong ibang masasabi kundi ang humingi ng kapatawaran. Wala man akong intensyong gawan sila ng masama, alam kong nagkamali pa rin ako dahil nagsinungaling ako. With or without malicious end, I know I was wrong.

"Jusko! Ikaw nga!" Aniya at napasinghap. "Akala ko na-missing ka nga talaga."

Missing? Ire-report niya na ba ako sa pulis?

"Manang..." Napalunok muli ako at huminga ng malalim. "Sorry po kung hindi ko agad pinakilala ang sarili ko..."

"Jusko, Maria! Halika muna at pumasok ka," aniya, hindi man lang nakinig sa sinabi ko. Napatingin siya sa paligid. "Hindi mo alam kung gaano ka ngayon ka-delikado."

Delikado? Bago ko pa lubos na ma-iproseso ang mga pangyayari ay tinulak niya na ako papasok sa boarding house. Tinulak niya ako sa isang kwarto. She looks very cautious. Napatingin pa siya muli sa labas bago sinarhan ng tuluyan ang pinto.

"Mag-usap nga tayo, Lysa ah! --este-- Sera," panimula niya.

"Pasensya po kung kailangan niyong madawit sa gulong ito," sabi ko.

"Ikaw nga si Serafina Dilaurentis," sabi niya. "Naglayas ka ba sa inyo?"

Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalamang naglayas ako? I stood still. I can't even give her an answer.

Pinagkrus niya ang kanyang braso. "Bakit ko nga ba tinatanong iyan? Kahit ako... kung nalaman kong criminal pala ang pamilya ko, lalayas ako. Ikakahiya ko sila!"

I felt a pang of guilt pierce through my heart. I feel shameful... That's true enough. Nahihiya ako sa mga ginawa ng pamilya ko. Although, I don't abhor them. I can't disown them. Sa huli, pamilya ko pa rin sila.

"Hindi naman po sa ganoon, hindi ko po kayang hayaan lang sila. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali nila," sabi ko.

"Noong nakaraang araw, may naghahanap sa'yo rito," sabi niya. 

"Ho?" Nalaman na ba ni Kuya Leander kung nasaan ako?

"Oo! Susmaryosep! Kaya nga nang nakita kita sa labas ng boarding house ay kinabahan ako sa'yo! Baka biglang i-hit and run ka sa kalsada. Hindi ka nag-iingat, bata ka!" Napakonsimisyon ng wala sa oras si Manang Maricris. "Bakit ka pa bumalik dito? Hinanapan ka ni Patpat ng trabaho. Sana doon ka na lang. Mas ligtas ka roon."

"Aling Maricris, may kailangan pa po akong gawin eh," sabi ko. 

I have been thinking this through for the passed days while awaiting for the DNA results to come out.

If I have to tell Fajline Salvani about this, I have to be careful not to stain Miguel's name. She can't know Miguel was actually hiding me. Kahit hindi ko man itanong, alam ko namang wala siyang pinagsabihan tungkol sa akin. Kung sinabi niya na ito kay Ate Fajline, noong isang araw pa ako sinugod 'nun. Besides, I know Miguel. He does not tell everything he knows. 

Kung malalaman nilang lahat na tinatago pala ako ni Miguel, paniguradong magagalit ang dalawa niyang kapatid. His actions will be questionable in their eyes. Ayaw kong mag-away silang magkakapatid dahil sa akin. Their real enemy is still on the run.

"Ano iyon, Sera. Tutulungan na kita. Natatakot ako para sa'yo," ani Manang Maricris.

Despite everything I did, why am I lucky to still be surrounded by genuine people?

"Pwede po bang maki-tawag sa inyo? O kahit maki-text lang po. Napakaimportante po nito sa akin..."


Hello! New chapter na po. It took me a while to finally retrieve this account. Noong January pa actually, hindi ko siya biglang ma-access. Anyway, I'm very grateful for the 3.5 K reads nitong libro. Sana mag-enjoy kayo.

READ. VOTE. COMMENT! 

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon