The Discovery
Another day pass with nothing happening. Dahil nga napapalibutan ang bahay ng ekta-ektariang kakahuyan at halamanan, hindi mo lubos mamamalayan ang oras.
Napasinghap ako. Marahil ay hindi ko mapapansin ang isang taong lumipas nang kay bilis dito.
The life is slow. It has always been slow when you live in the countryside. Far too opposite from the rushed life in the city. Ngunit mabagal man o mabilis ang uri ng pamumuhay ay hindi mapipigilan ang bawat pagpatak ng segundo.
"Sera, kanina ka pa ba gising?" Tanong ni Kuya Leander.
Tumango lang ako. I hugged my knees to my chest. I sat like a fetus in the sofa of the study room.
"Nayayamot ka na ba rito?" Tanong niya at tumabi sa akin. Naramdaman ko ang pag-uga ng foam nang umupo siya sa tabi ko.
Liningon ko siya. "Kuya Leander, alam mo bang hindi tayo pwedeng magtago na lang dito habambuhay?"
Ayaw kong matigil lang lahat ng ito dahil lang dito. May sarili rin naman akong buhay. It feels like I'm already sacrificing half of my lifetime for them...
... eversince...
"Magpapalamig lang tayo rito, Sera," paliwanag ni Kuya Leander. "Kung hindi na mainit ang isyu, pwede na tayong umalis. Ayaw ko ring makumprimiso ang mga Divinagracia."
Mariin ko siyang tinitigan at napataas ng kilay. "Alam mong hindi titigil si Ate Fajline o ang mga Vernan, hindi ba?"
"Just trust me on this, Sera." He said as if he just want me to speak no more.
Napaiwas ako ng tingin. "Kuya, I noticed I never saw your doctor since you came back from abroad." Kuryoso kong tanong.
"Please, Sera. Pinagdududahan mo pa rin ba ako?" Tanong niya. "Ano sa tingin mo ang ginawa ko sa Iloilo bukod sa business?"
Napakibit-balikat ako. "Mydeva?" Puna ko.
Umismid lamang sa akin si Kuya Leander. Matama niya akong tiningnan. "Pinag-usapan na natin ito, Sera."
Napabuntong-hininga ako. Kung aawayin ko si Kuya Leander para mapasalita siya sa kung ano sa kanya si Mydeva, hindi ako magtatagumpay.
Kailangang ibahin din ang pakikitungo sa kanya. I can't juice the answers I want by force. It needs time.
"Okay. I just want to know who's your doctor here in Iloilo," I said. "Can you imagine if you'll have an attack and I don't even know who doctor to call?"
He just laughed heartily. He patted my head. "Sera, magaling na ako. It's almost two years since I have overcome it. Hindi ako babalik kung hindi pa ako tuluyang gumaling."
Kahit pala dalhin ko sa mabuting usapan, wala pa rin pala akong makukuha sa kanya.
Tsk!
Dr. Aranjuez... Naalala ko iyong sabi ni Mommy.
Matapos ang agahan kasama si Kuya Leander at Mydeva ay bumalik ako sa aking kwarto.
Surely, maraming Dr. Aranjuez. Ngunit alam ko naman kung anong klaseng ispesyalista ang kailangan ni Kuya. I've done my research online and even going to some hospitals myself noong nasa Iloilo pa ako. I kept it in secret though. Ngunit, walang ispesyalistang Dr. Aranjuez tulad ng kailangan ni Kuya.
Why not call each of those doctors with Aranjuez as a last name? I thought. Siguro may posibilidad na kahit isa sa kanila, kilala si Kuya Leander.
Kinuha ko ang laptop kong nakapatong lamang sa study table. Agad ko iyong kinuha. Napaupo ako sa kama kinakandung ang laptop.
Umilaw ang screen at nagsimula akong magtipa ng pangalan.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...