Chapter 14

177 8 0
                                    

Who is she?

Paglabas ko ng banyo upang habulin si Ate Fajline ay hindi ko na siya makita kung nasaan siya.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong restawran, ngunit wala akong nakita ni anino niya.

Bumalik na ba siya sa private room o nakaalis na ba siya?

Biglang bumukas ang pinto ng restaurant. Halos tumakbo ang puso ko palayo nang bumungad sa akin ang pamilyar na pigura. Ang parehong mga tinging may kapilyuhan.

He is like a god in his perfect silhouette with the light following behind him.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. May bahid ng pagkaalarma ang boses ko.

He looked at me. His gazes... tantalizing. Parang binabalatan niya ako ng buhay. He looked at me suspiciously as if he was trying to get the answers he wants.

"You should be in class," he said. "At, bakit naliligo ka ng pawis?"

Marahan niya akong hinawakan sa braso. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Binawi ko ang braso mula sa kanya.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko ulit. Bakit nga ba nagkrus naman ang landas namin ngayon.

"Miguel? Sera?" Pareho kaming napalingon at napatingin kay Raphael Vernan.

He's here?!

Parang sinakluban ako ng langit at lupa o hindi kaya ay binuhusan ng isang timbang yelo.

Ibig sabihin, hindi naman talaga nagkita si Fajline at Kuya Leander? Kung ganoon...

Ano'ng ginagawa ni Kuya Leander?

O baka, magkakasama nga sila!

Hindi ko na alam kung ano ang dapat isipin.

"You brought Sera with you?" Raphael furrowed his brows. May pagtataka sa kanyang mga mata.

Pareho kaming natahimik ni Miguel. Ni hindi nga kami nagkatinginan ni Miguel. Hindi maalis ang tingin ko kay Raphael.

Miguel and I has nothing to do with each other!

"Si Kuya Leander..." Natigilan ako. Parang may kung ano'ng bumara sa lalamunan ko.

Si Kuya Leander lang ang pinunta ko rito. Si Kuya Leander lang ang concern ko.

Pwede bang umalis na rito? Kahit ano kalaki ang restaurant ay naninikip pa rin ang dibdib ko. Parang kinakapos ako ng hangin. Sapat na ang presensya ng dalawang Vernan upang makaramdam ako ng pagkasakal. Parang lumaki ang bumabara sa lalamunan kong hindi lang makakaapekto sa aking pagsasalita kung hindi pati na rin sa aking paghinga.

It's like truth. It's like truth that blocks my throat making it difficult to breath. It's a lump in my throat wanting to come out but I kept on gulping it down. I may want to spit it out so bad but I just can't.

Isang bagay na gusto ko rin sanang sabihin ngunit nilulunok ko lang pabalik.

Biglang bumukas ang isang private room. Sa matingkad at morenong kutis ni Kuya ay agad ko siyang nakilala. Nakangiti siya kaya naningkit ang kanyang mata habang nakatingin sa babaeng nakahawak sa kanyang braso.

The woman does not look sophisticated enough even if she wore a fancy dress, shoes and jewelries. She's not any younger at late 40's.

Ano ang ibig sabihin nito?

Abala sa pagkwekwentuhan si Kuya at ang babaeng iyon habang naglalakad papunta sa aming direksyon.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. I'm lost in words. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para hindi nang mga Vernan makita ang kuya ko.

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon