Chapter 28

172 8 0
                                    

Pangbitaw at Pangamba

"Sigurado ka, Ma'am? Isasangla mo ito?" Tanong ng babae sa pawnshop.

Napalunok ako at tumango. Labag sa loob kong basta-basta na lang isuko ang mga bagay na lubos kong pinahahalagahan. Bukod sa katumbas nitong pera, may sentimental na halaga iyon sa akin. Malungkot at may panghihinayang ko itong tinitingnan. 

"Alam mo, Sera? Masayang-masaya ako dahil may apo akong babae." Ngiting-ngiti ang lola ko habang sinusuklay ang aking buhok. "I never had a daughter though I really want one. I only had a son."

"Si Mommy po? Technically, she's your daughter, Mamita," I told her and smiled.

"But not from the blood of my own, Sera." Mamita would often tell me that. Lalo na kapag pinapaalala ko sa kanyang anak niya rin naman si Mommy. "She's just my daughter-in-law."

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko namang hindi talaga gusto ng lola ko ang nanay ko. Alam kong tinanggap niya si Mommy sa pamilya dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang anak. Pinagbigyan niya lang si Daddy.

"But, you..." Tiningnan ako ni Mamita at napangiti. "You are my granddaughter and the best thing God gave to me."

Hinaplos ng aking lola ang aking pisngi at inayos ang aking medyo magulong buhok. "Hindi man ako binigyan ng anak na babae, binigyan naman ako ng maganda at mabait na apo."

"Mamita, ikaw po ang pinakamagandang binigay po sa akin ng Panginoon," sabi ko sa kanya at yinakap siya. Sa mura kong edad, hindi ako nakaramdam ng pangungulila o hinanakit. Bukod sa pinapaintindi sa akin ang mga pangyayari, ang lola ko ang mismong pumuno ng pagkukulang noon ng aking magulang. Noong mga panahong ang buong atensyon nina Mommy at Daddy ay kay Kuya Leander lang, naibsan ang inggit ko sa kapatid ko dahil nandoon naman si Mamita.

"I'm sorry if your parents could not see your worth," bulong ni Mamita. "You're not just one of the accessories for an image of superficial and happy family. Matalino ka at mabait kaya alam kong may magagawa ka sa pamilya mo. Be the authentic fine lady as you are raised to be," sabi ni Mamita. Ibinaling niya ang tingin niya sa direksyon ni Mommy, ilang metro lang ang layo sa amin at nakikipag-usap sa mga mangingisda sa dalampasigan. "Not a superficial and hypocritical one living in her own illusions that she is the best of all."

Mahal ko si Mamita, ngunit minsan nasasaktan din ako sa sinasabi niya para kay Mommy. Hinawakan ko siya sa braso.

"Mamita..."

"I don't hate your mother, Sera." My grandmother stiffened and looked at me sternly. "She needs someone to give constructive comments against her or she will keep holding and clinging into false illusions and things that will lead her to her worst."

Ayaw ko man, wala pa rin akong magagawa. I can't do anything if I keep on holding things... if I keep on holding things together. Tulad na lang ng pananahimik ko para lang mapanatiling buo ang pamilya ko. I deprived some people of the truth and justice because I'm holding unto things... I held onto my family for so long.

I don't know if it's too much of filial love for my brother that led us to our worst!

"Ma'am, since 24k po ito. May kamahalan po ang gramo nito," sabi ng babae sa pawnshop habang bumubulong. 

"Magkano halaga niyan?" Tanong ko. I'm not fond of jewelries. I attend auctions but I'm not really attentive to it.

Nakakatungtong lang ako sa jewelry store kung sasamahan ko si Mommy o si Mamita. At hindi naman ako kuryoso o interesado sa gramo o karat ng mga alahas na iyon. Ni hindi ko nga matingnan kung magkano ang katumbas nito.

Umaasa lang ako sa bigay at pamana.

Ni hindi ko nga naisip na may silbi pala itong mga alahas na ito. Akala ko para lang ito sa mga luho. Something that can define your status in society. Just for showing off your power or wealth or nobility if there is any.

Pwede rin naman pala itong maisangla kung walang pera.

"Ma'am, ito po ang kontrata sa prenda mong alahas. Paki-pirmahan na lang po," sabi ng babae.

Mariin muna akong napapapikit at huminga ng malalim. Agad kong kinuha ang ballpen at mabilis na pinirmahan ang papel bago pa umiba ang isip ko.

Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang kwintas na binigay ng aking Lola. 

Mababawi ko rin ito, sabi ko sa sarili. 

It was not a goal I aim to achieve. It was only a statement to comfort myself... to alleviate how bad I felt right now.

Nang makuha ko ang pera ay agad akong umalis sa pawnshop. Mabibigat man ang aking pagyapak paalis doon, pinilit ko pa ring iwaksi sa isipan ko ang ginagawa ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit masyadong mabilis at nakakagulat ang pagbaliktad ng aking mundo para sa akin. 

Natigil ako sa gilid ng kalsada at napabuntong-hininga. Sa isang araw, hindi ko na mabilang ang beses na napapabuntong-hininga na lamang ako sa kalagitnaan ng aking pag-iisip. 

"Lysa! Lysa! Lysa!"

Napalingon ako sa paligid nang may narinig akong pamilyar na boses. 

Ngunit, wala naman akong napansin. Napailing na lamang ako sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

"Lysa!" 

Napalingon muli ako at doon ko napansin si Fatima na tumatakbo at hinahabol na pala ako.

"Lysa, kanina pa kita tinatawag!" Aniya, hingal na hingal. Napapunas siya ng pawis habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Ang bilis mo maglakad, hindi ka man lang naawa sa mga binti ko?"

I looked down at her. Tama nga. Tantsa kong hindi umabot sa five feet ang kanyang height. She is pettite and she small. Her limbs were way shorter than mine.

"Akala ko nga sa trabaho ka ngayon," sabi ko kay Fatima.

"Pupunta pa lang," aniya. "Tinawagan ko amo ko tapos tinanong ko siyang tungkol sa'yo."

Kumunot ang noo ko. "Ano sabi?"

"Dalhin daw kita," sagot ni Fatima.

Napalunok ako. Sa hindi malamang dahilan, biglang kumalabog ang aking dibdib ng husto. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang aking pangamba.

"Uh... Patpat?" Panimula ko. "Hindi ba sabi mo isa sa mga mayamang pamilya sa syudad ang amo mo?"

Napatango-tango si Patpat. "Oo. Bakit?"

Nagsimula nang manlamig ang dulo ng mga daliri ko. Tila nagkaroon na rin ng kulisap sa aking tyan. Kinakabahan ako.

"May ugnayan ba sila sa mga Arcella?" Kuryoso kong tanong.

Kung may kaugnayan sa Arcella ang amo niya, tiyak kong katapusan ko na iyon.

"Arcella?" Napaismid si Fatima. "Hindi naman."

Bahagya akong nabunutan ng tinik. Ngunit hindi pa rin ako kampante. 

Miguel Vernan... Raphael Vernan... or even Gabriel Vernan... Hindi basta-basta ang pinanggalingan nila. They are associated to every noble and aristocratic family in the city. They could have their eyes anywhere. 

Kailangan ko lang maging maingat.



Hello! Miss U pala tomorrow. Hehe... As you've noticed, it's Rabiya Mateo in the cover. Nagagandahan ako sa kanya ang I've pictured out Sera to be like her. She'll represent Iloilo City in MUP and I'm supporting her. XD

Kaway-kaway sa Ilonggo/Ilongga readers ko kung mayroon!

VOTE. COMMENT. SHARE

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon