Prowess of a Menacing Wolf
Hindi naging maganda ang araw ko. Sa kabila nun, pumasok pa rin ako.
Parang granadang sumabog ang balita kaya hindi na maiiwasang may makasalubong akong mga usisera at usisero.
"Sera, okay ka lang ba?"
"Totoo ba ang balita kanina?"
"Hindi ba anak ka ng alkalde ng Tobias? So, relative mo iyung kriminal sa tv?"
"We're sorry for you, Sera."
Lahat sila nagtatanong kung maayos ba ako. Lahat sila nagtatanong kung totoo nga ba iyon. They act as if they care for what I feel when in fact they care only for that damn news! They're nothing but people sticking their nose on other people's business.
Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin. Kahit sa klase walang humpay ang pangungulit nila.
"Sera, Dilaurentis ka, di'ba? Ibig sabihin tiyuhin mo iyong inaresto ng mga Vernan?"
Napalunok ako. Mga Vernan.
Vernan... Salvani... Ayaw kong naririnig ko ang mga iyon, ngayon! Mas lalo lang sumasalta ang dugo ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.
Pinandilatan ko ang kaklase ko. "Wala akong alam sa pinagbibintang sa kanya at mas lalong walang kasalanan ang tiyuhin ko." Pagtatanggol ko kay Tito Domingo.
Gusto kong magwala. Naging mabigat na rin ang aking paghinga. Halos pumutok na ang puso ko sa sobrang galit.
Mariin akong napapikit. Kalma, Sera! Walang magandang maidudulot ang galit! Wala!
"What just happened, Serafina? Akala ko ba umalis na ang tiyuhin mo!" Galit na bungad ni Dad.
Napaiyak ako at napailing. Napakagat-labi ako, pinipigilan ko ang sarili ko sa paghikbi. "Hindi ko rin po alam." May pag-iingat akong nagsasalita. Ayokong pumiyok at magpahalata na apektado ako sa nangyayari.
Kailangan kong ipalabas na hindi ako apektado. Ito naman kasi palagi kapag nasa angkan ka nang prominente, hindi ba?
Kapag may masamang mangyari, huwag kang mag-astang naaapektuhan. It will only prove that you are really guilty or you are weak.
"Hinatid? At, paano kami ngayon pinapagpipiyestahan dito ng press, ha? Paano naaresto si Domingo?"
"Hinatid ko siya, Dad. I saw him check himself in the airport!" I insisted. "Pinlano nila lahat ng ito, Dad!"
"And, you did nothing?"
"I wasn't there, Dad! Hahayaan ko bang may makulong sa atin?" Sagot ko at napataas ang boses ko.
Nang napagtanto ko iyon ay tinukom ko muli ang aking bibig. Napatingin ako sa doorknob ng toilet room. Siniguro kong lock iyon at walang makakapasok. Ngunit, ang toilet rito ay hindi naman soundproof.
"Visit your Tito Domingo, understand?" Utas ni Daddy. Ang kanyang boses ay galit na galit. "Talk to him about what he told to that Salvani and the Vernans. Tutal ay magkasama kayo ni Leander d'yan, asekasuhin niya ang gusot na ito."
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...