Chapter 42

179 5 4
                                    

Dilaurentis' Mansion

Mula sa bahay hanggang sa sasakyan, hindi kami nag-imikan. In my peripheral view, I would catch Miguel glancing at me. 

Matapos ang nangyari kagabi... 

Ugh! I don't want to think about it. It's too embarrassing!

Napatikhim siya. Napalingon ako sa kanya at doon nagtama ang aming mga tingin. Ang karaniwang madidilim na mata ay naging kulay kape dahil nasilakan ng araw. Ang kanyang mga tingin naman ay tila... nag-aalala?

Napatikhim ako. "Tumingin ka nga sa daan," paalala ko sa kanya. I shifted uncomfortably.

Ibinaling niya ang kanyang tingin balik sa daan. Umigting ang kanyang panga. The next thing he did is swerve to the side of the road. Doon niya lamang ipinarada ang kalsada.

"Saan ka pupunta? Bakit ka pumarada?" Tanong ko. "Alam mong wala na tayong oras."

He turned his head to face me. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. Ngunit, nakaigting ang kanyang panga. Mas lalong nagdepina ang hugis ng kanyang mukha. 

Napataas ako ng isang kilay habang hinihintay ang kung anumang sasabihin niya. 

"Sera..." Aniya ngunit agad rin ulit itinikom ang bibig. Pinanood ko siyang napatiim-baga. Bahagya niya muling ibinuka ang kanyang bibig ngunit agad niya din itong itinikom.

Napahilot ako ng sentido. Mula pa kagabi, ang sakit niya na sa ulo. Alam niya bang hindi ako nakatulog magdamag dahil sa nangyari sa swimming pool? Bakit pa kasi lagi niyang ginagawa ang mga maling bagay sa maling oras?

I feel dizzy because of the pounding feeling at the back of my head and he's the one to blame!

"Kung wala kang sasabihin, magpatuloy ka sa pagmamaneho," utas ko. I can't even fake calmness! Umaapaw ang iritasyon ko sa kanya! 

Yes. I'm well-aware how obvious it is that I am still damn affected about last night! I felt vulnerable just feeling affected! The best way is to mask it with agitation. That's it!

Mask. With. Agitation!

Miguel let out a huge sigh. He looks more and more problematic as his forehead creased even more. He took something from the inside pocket of his leather jacket. Nanlaki ang mata ko nang inilabas niya ang kanyang baril. 

"Have this," he told me.

Napatingin ako sa baril na hawak niya. Tinitingnan ko pa lang ang baril, nangangatog na ang tuhod ko. I could already hear it firing just by looking at it.

"I can't..."

"This won't harm you, Sera," Miguel assured. "It will protect you."

Hindi ako nakapagsalita. He shifted uncomfortable. He must have noticed my face getting paler and paler. 

"Hindi mo alam kung ano'ng gagawin sa iyo ng kapatid mo," sabi ni Miguel.

I looked at him warningly. Napakurap-kurap siya. Hindi niya pa 'ata nakuha ang gusto kong sabihin kaya pinaningkitan ko siya ng mata. 

"He's still you're brother. You both have the same father," he stated in matter-of-fact tone. 

Napailing na lamang ako sa kanya. "Hindi ko hahawakan iyan."

"Sera..."

"Can you keep it already?! It's scaring the hell out of me!" I snapped.

Napatingin siya sa akin. Halatang hindi siya makapaniwala sa biglaang asal ko. I know it is a gun but it is really scaring the hell out of me!

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon