Chapter 4

344 9 0
                                        

Katotohanan

Napahalukipkip ako sa Kuya kong bihis na bihis.

"Alam kong may kaunting salo-salo ang pamilya natin kasama ang mga Vernan at kay Ate Fajline. Mukhang excited ka ah," pagpuna ko.

"Susunduin ko si Fajline," sagot niya habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan niya.

Napanguso ako. "Susunduin? Akala ko ba si Phil ang nobyo?" Ano bang balak ni Kuya Leander?

"So what, Sera? Eh 'di aagawin," sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko inaasahang ganoon ang isasagot niya.

I know he's twisted but this is just unfathomable!

Seryoso? Aagawin? Hibang na ba 'to?

Napailing ako. "Agawin mo man siya kay Phil, kasado ang tao."

"She'll get annulled soon. Bakit sa States, hindi naman bawal magpakasal ulit," sabi niya.

Iba naman ang States? Gusto kong umirap sa kapatid ko!

"You're out of your mind! Magpa-rehab ka na!" Sabi ko at pinandilatan siya.

"You always think I'm crazy, Sera." Natawa siya. "Ayaw mo 'nun? If I get Fajline, I can show her that our family meant no harm to her ever since! At, sa'yong-sa'yo si Phil."

Pinandilatan ko si Kuya Leander na abot-tainga ang ngisi. "Baliw!"

"Acting so indifferent towards Raphael, fakely towards Gabriel and rudely towards Miguel won't do you good, sister," Leander said. "Kaya hindi mo napapaibig ni isa sa kanila eh. Wala kang karisma."

I tsked and left him.

"O, saan ka pupunta? Pikon ka na ba, Sera!" Rinig ko si Kuya Leander pero padabog akong pumasok sa mansion.

Fake? Indifferent? Rude?

I tried to be kind but they're pushing my buttons!

Kaya hindi naging maganda ang araw ko. Ugh!

Sharing the damned table with Phil and Ate Fajline during the luncheon did not help in making my day!

"Ikaw, Miguel, umuwi ka pala rito kasama si Sera. Sana dinala mo na lang pati si Candice," ani Tita Kana sa kanyang pamangkin.

"She said she's attending a party this weekend," sabi ni Miguel.

"Hay naku! Ang unica hija ko talaga!" Napahilot si Tita Kana ng sentido.

"She's a teenager, Kana. She's living her life since she's already a kolehiyala," sabi naman ni Mommy.

"Lumaki si Candice sa isang probinsya. City life is something she only heard from her cousins kaya nang mag-college, ang saya-saya niya," sabi ni Tita Kana. "But, Sera here is a bit restrained."

I've always been restrained. I'd choose not to do it when its risky. I'm strict with my rules. I don't go beyond my limitation. I'm not wild to go to the extremes.

Yes. I'm restrained. I sulk in my cage of comfort zone. My hands are chained with the thoughts of unlimited possible consequences. My throat is against the cold, sharp blade of anxiety and fear.

Ayokong bumagsak ang kinabibilangan ko ngayon. Kaya ginagawa ko lahat ng bagay upang mapanatiling nakatayo ito. Gusto ko bawat galaw ko kalkulado.

I'm restrained. If my castle falls on me, I cannot escape. I can die.

Napatingin sila sa akin. Patuloy lang ako sa tahimik ng pagkain. Totoong gusto kong mapansin din nila ako pero hindi ganitong klase nang pagpansin ang gusto ko. Para silang nakabantay sa magiging reaksyon ko.

"Parties... the life in the city... Those aren't Sera's thing," sabi ni Kuya Leander. "She would rather live here, peacefully."

Minabuti kong hindi umimik. Less words, less mistake. Baka may masabi pa akong hindi kaaya-aya!

Gayunpaman, nakatingin sila pa rin sila sa akin. Hinihintay nilang magsalita ako.

Can't they just let me enjoy my freaking food in silence?!

"If I were to choose between chaos and peace, I'd choose peace, too," Ate Fajline spoke.

Hindi siya nakatingin kaninuman. Nakatingin lang siya sa pagkain niyang nasa puting plato.

Nakuha niya na ang atensyon ng lahat nang magsalita siya.

I sip my glass of water. Kung tumingin siya kay Daddy, iisipin kong totoo ngang nagpaparinig siya. Ngunit, kung ganito siya...

... marahil nga nagpaparinig siya o nagsasabi siya ng kanyang sariling opinyon...

She's just giving off vague signals.

"Nadaanan kong mabulabog ang payapa kong buhay. Alam niyo iyon. After that, hindi na naging payapa ang buhay ko lalo na nang naging abogada ako," sabi ni Ate Fajline at inangat ang kanyang tingin. Itinirekta niya ang kanyang mga mapanuring titig sa akin. "If Sera prefers peace, there's no problem with that."

Makahulugan ang mga titig ni Ate Fajline. Parang may pinapahiwatig siya sa akin ngunit hindi ko mawari kung ano!

Ate Fajline smirked. Hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin, 'nun!

"Fajline." Boses naman ni Miguel ang lumitaw sa tahimik at tensyonadong silid-kainan. Ipinatong ni Miguel ang kanyang kamay sa mesa at pinagsalikop ito. "Are you saying you've never had the peace since you resolved to fight for justice?"

Napatingin ako kay Miguel sa tabi ko. As usual, he was having his sinister smile and mischievous eyes. Si Ate Fajline naman ay matuwid ang pagkakaupo at napatikhim. Kalmado lamang siya habang nakatingin kay Miguel.

Si Raphael naman... He sat darkly beside Ate Fajline. His chiseled jaw hardened as his dark eyes seem to pierce through his older twin's soul.

I can sense Ate Fajline had influenced Phil so much. Ganoon ba talaga ang magagawa ng pag-ibig?

However, Miguel...I never saw him in love! Pero siguro kahit magmahal 'to susundin niya pa rin ang kung ano ang gusto niya gawin.

Pasalin-salin ang aming mga tingin kay Ate Fajline at Miguel.

Ate Fajline shrugged and suppressed a smile. "If you want Justice, you'll have to fight for it. Peace will come second to it after you get that Justice. Ngunit, may ibang tao lang talagang..."

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong hindi magpahalata. Kahit parang mauubusan na ako ng hininga pinanatili ko pa rin ang mabagal na paghinga. Napahigpit ang hawak ko ng kutsara at tinidor.

Lumingon ako kay Tita Kana... kay Kuya Leander... Tito Domingo... kay Mommy at Daddy... They were all attentive. They were all anticipating for whatever Ate Fajline has to say.

"... may ibang tao lang talagang mas pinipili ang katahimikan... walang imik... Minsan pa nga ay pinipiling magpakalayo-layo. They don't fight for  what is just... which is, hindi rin naman tama."

"Ano ang tama sa'yo, Fajline?" Si Daddy na ang nagtanong.

For a sec, there was furry that glinted in the eyes of the only Salvani in the room. Bumaling ang tingin niya kay Daddy.

"Katotohanan." May tutalidad niyang sagot.

Napalunok ako sa aking upuan.

Miguel laughed. "Well said."





CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon