Gawin mo, Sera!
I've lived by the seas. I've stayed in the city. Now, I'm hiding by the foot of the mountain!
Ngunit kahit saan ako magpunta, hindi ako nakakaramdam ng kapalagayan.
Parang lagi akong nag-aalala. Hindi matahi-tahimik ang kalooban ko. Hawak ko pa ang ticket na ibinili sa amin ni Daddy.
ILO-MNL
MNL-USA
"Wala nang kwenta ang mga iyan, Sera," sabi ni Kuya Leander. "Itapon mo na 'yan."
Ngunit, hindi ko magawa.
"Sinunod na lang kaya natin ang sinabi ni Daddy?" Sabi ko. "Bakit ba tayo pumunta pa sa dating kabit ni Daddy?"
Nakapag-impake na kami at lahat-lahat. Inayos na rin ni Daddy ang mga papeles para mabilis kaming makaalis ng bansa. Pinangako sa akin ni Daddy na kapag naayos niya na ang kaso ni Mommy at mapatunayang inosente siya ay doon na kami sa ibang bansa maninirahan... magbabagong buhay...
Ngunit, nang inakala kong sa airport kami didiretso ay tumulak kami para sa Norte, papunta sa mga bayan sa hilaga ng Antique.
Now, I'm here under the care of the Divinagracias with my brother.
Darn that Hold Departure Order! Kung hindi kami sinabihan ng tauhan ni Daddy, baka nahuli kami sa airport!
Sa ilang araw na pananatili namin dito, hindi na iba sa akin ang pinapakita ni Mydevang kabaitan. Isa siyang ina siya kaya alam niya kung paano kami asekasuhan na parang anak niya. She's more than just enthusiastic especially when cooking.
At, hindi naman ako tanga para hindi magduda. Ang mga tingin ni Mydeva kay Kuya Leander... Hindi ako sigurado kung ano ngunit hindi maganda tingnan sa mga mata ko.
Simula noong una naming pagkikita ni Mydeva, nakahawak siya sa braso ni Kuya Leander. Tapos dito kami dumiretso ni Kuya nang malaman naming naunahan kami ni Fajline. The airport was guarded and my brother can't leave the country. Dumiretso kami rito at tinanggap naman kami ni Mydeva.
Kaninang umaga naman...
Napasinghap ako.
Kaninang umaga naman, nakita ko silang dalawa sa kusina. Nadatnan ko si Kuyang hinalikan si Mydeva sa noo at yinakap ito.
Hindi ko nga siya nakitang ginawa iyon sa sariling naming ina, tapos ginagawa niya iyon kay Mydeva?
Sa gitna ng krisis ng pamilya, nagawa niya pang magloko?
I was fuming mad as I slammed myself in the sofa!
Malalim na humugot ako ng hininga. Kailangan ko pang pakalmahin ang sarili ko.
Napatingin ako sa mga malalaking paintings and pictures. Ang bahay ay may pagkakahawig sa mansion namin. Mas maliit lang at bungalow ngunit, malalaman mo naman sa mga muwebles na mamahalin kung ano ang mga Divinagracia.
The goan house has a front porch and vintage furnitures. Malalaki rin ang bintana at ang hardin, maberde at malinis.
Walang dagat na maingay sa tuwing malakas nitong hinahampas ang sarili sa mga bato. Walang sasakyang busina nang busina o mataong mga kalye.
All you can hear is silence with no neighbors in sight. Malayo ang ibang pamamahay mula rito at lahat naman ng makikita ko ay pag-aari ng mga Divinagracia.
Buong araw akong nakaupo sa tapat ng bintana. Nakatingin lamang ako sa mataas na bukid ng Madjaas. Sa sobrang taas nito ay naabot na nito ang nga ulap.
"Hindi siya kabit ni Dad," sabi ni Kuya, pinagtatanggol pa si Mydeva.
"Oo nga," pasarkastiko akong sumagot. "Hindi na siya kabit ni Daddy."
Napatiim-baga si Kuya Leander. Kahit ano'ng gawin niya, mabibigo lang siya. Kahit kailan hindi naman ako nagpasweto sa kanya.
Minsan, kapag may alam ka tungkol sa isang tao bigla na lamang bababa ang respeto mo sa kanya. Ganoon lang ang nangyari kay Kuya Leander.
"Can you just stop this, Sera? Tinutulungan tayo ng tao. Kaunting utang na loob naman," aniya.
Malamig ko siyang tinapunan ng mga tingin. "Kung sinabi mo na lang ang katotohanan sa kanila... Kung tinanggap mo na lang iyon... Sana walang problema."
Kuya Leander tsked and shook his head. "Bakit hindi mo gawin, Sera? Alam mo rin naman ang katotohanan, hindi ba?"
Umiwas ako ng tingin. I won't let myself dragged in a stressful situation if not for my family. I won't go against my principles if not for them!
"Dapat sa'yo manggaling iyon," sabi ko sa mababang tono. Hindi ko maaatim na hilahin ang sarili kong kapatid pababa... tama man iyon o mali.
"You hated me ever since, Sera. Kung gusto mo, ikaw ang magsabi!" Paghahamon ni Kuya Leander.
Hindi ako nagsalita. Pinanatili kong tikom ang nga bibig ko.
Hindi pa rin tumigil si Kuya.
"Gawin mo, Sera!"
His childishness is getting into my nerves!
"Tapos, ano?" Sagot ko. "Ako ang sisisihin niyong nagiba ang pamilya natin? I endured so many years just to preserve our family but in the end, it doesn't work. Itago man natin ang katotohanan o hindi, walang magbabago! Hindi pa rin makatutulong sa atin!"
And, he's my brother. Even if I hated him, he's my brother. Even if he angers me, he is my brother. Hindi ko makakayanang ilagay siya sa sitwasyong lubos siyang mahihirapan.
Napatingin ako sa isang malaking painting sa sala. It was a large portrait of Luiz Divinagracia, Mydeva's son. Siguro, nang binatilyo pa siya.
I remember him but I was too young when I last saw him. My memories of him was just vague.
"Hindi ko nga lubos maisip na nagawa mong kumapit sa patalim," sabi ko kay Kuya Leander habang nakatingin sa portrait ni Luiz. "Ano kaya ang sasabihin ni Luiz kung nalaman niyang naging kabit ka ng ina niya."
Umigting ang panga ni Kuya Leander. "Mydeva is helping us. Tapos, ano? Pinag-iisipan mo siya nang masama?"
"Ano pa ba ang iisipin ko, Kuya?" Tanong ko pabalik. "Habang nasa kulungan si Mommy, nandito tayo sa naging kabit ni Dad?"
"Sera." Kuya Leander eyed me... warningly.
Ngunit, hindi ako nagpapigil. Gusto ko talagang sabihin ito sa kanya. Simula nang dumating kami rito.
At, hindi ko masisikmura mas tumagal pa rito kung ito lang araw-araw ang makikita ko!
"O baka, bumaliktad na ang tuluyan ang mundo," sabi ko. "Ikaw na ang kabit niya."
Inangat ni Kuya Leander and kamay niya. Napapikit ako habang hinihintay na humagalpak ang sampal niya sa akin.
Tiningnan ko ang galit na galit kong kapatid. Mariin siyang napapikit at dahan-dahang binaba ang kanyang kamay.
"Magdahan-dahan ka sa iniisip at pananalita mo, Sera," banta ni Kuya Leander.
"Sa sarili nating ina..." Natigilan ako. Bakit pa ba ako magsasayang ng laway? My brother is stubborn. Kahit sumigaw ako at magwala, hindi naman iyon makikinig sa akin.
☕

BINABASA MO ANG
Cutthroat
Roman d'amourAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...