Chapter 17

162 8 1
                                    

Fine

Pakiramdam ko ay mas lalong gumugulo nang gumugulo ang buhay ko.

"Parang ang lalim ng iniisip mo, Sera?" Tanong ni Kuya Leander sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Nakaputing t-shirt siya at sweatshirt. Nakatayo siya malapit sa pinto habang pinupunasan ang mukha niya ng tuwalya.

I stared at him, languidly. "Naghihintay ako ng isa pang atake mula kay Fajline Salvani."

Natawa lamang ang nakakatanda kong kapatid. "Tapos na, Sera. Nakulong na si Tito."

Pinanliitan ko siya ng tingin. Ang aking magkabilang kilay ay nagkatagpo. Hindi ako makapaniwalang napailing sa kanya.

"May gana ka pang tumawa matapos mangyari lahat ng ito, ano?" May pandidiri ko siyang tiningnan.

Bumagsak ang mukha niya nang makita niya kung paano ko siyang tingnan. "Ano bang gusto mong gawin ko? Umiyak?"

I want you to atleast show grief for the situation. Hindi iyung tinitingnan mo ito bilang isang malaking biro! Gusto ko sanang sabihin ngunit hindi na ako nagsayang pa ng laway. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik iyon sa labas ng bintana.

Will I ever fit in this family? Mas mabuti pa siguro kong nanatili akong bilang isang bata. Walang kamuwang-muwang. Inosente. Hindi alam ang tama o mali.

Dahil nakakasakal na at nakakabingi ang konsensya.

Sabado na naman bukas. Kaya mamayang hapon, plano namin ni Leander ang umuwi. Kaarawan ni Kuya kaya gusto ni Mommy na ipagdiwang ito roon sa Antique.

"Kuya..." I trailed off.

Hindi ko pa kasi natatanong ang nakita ko sa restawran nang isang araw.

Tumingin siya sa akin. Inangat niya ang isang kilay. "Bakit?"

"Si Mydeva Divinagracia iyong kasama mo noong nakaraang araw, hindi ba?" Tanong ko. It felt like a forbidden question when it escaped my mouth. "At saka, bakit ka nakikipagkita sa ina ng bastardo ni Daddy?"

Hindi sa mali ang pagtanong ngunit pakiramdam ko parang bawal iyong itanong. It's like a taboo.

Noong bata pa ako, kulang nga ako sa pag-intindi sa mundo. Masyado pang mura ang isip ko upang iangat ko ang utak ko sa lebel ng mga matatanda.

Ngunit, kahit naging masyado pa akong bata, alam ko naman ang ibig sabihin ng kabit at bastardo.

Both words can ruin a reputation... a credibility... most especially, relations.

Isa sa mga rason kung bakit umalis si Mommy para sa U.S. kasama si Kuya at iniwan ako kasama si Daddy. They didn't break off marriage but they did went separate ways for a long time.

Ngunit, sa huli, sila pa rin ay mag-asawa. Hindi ko lang alam kung ano ang nagpanatili sa kanila... ang pagmamahal ba o ang kahihiyang maaari nilang kahantungan.

"Luiz is not a bastard, Sera," umiling si Leander. "Hindi ba't isa siyang Divinagracia." Dinipensahan pa ng kapatid ko ang kaibigan niya.

"You're mistaken as twins, hindi pa ba halata iyon?" Sabi ko.

"Rumors are rumors," sabi ni Kuya. "At, bata ka pa nang nangyari iyon kaya huwag kang umastang marami kang alam."

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"You know what? There are competent specialists in the Philippines but why United States?" Tanong ko. "Hindi ka naman kriminal sa kaso ni Simeon Vernan para umalis kinabukasan ng insidente, hindi ba?"

Matalim akong tinitigan ni Kuya Leander. "I was sick. My mother just thought about the best for my condition."

"I don't understand why you were with Mydeva!" I said and rolled my eyes.

"For business," matipid namang sagot ni Kuya.

"Para sa negosyo kaya kaya mong makihalubilo sa naging kabit ni Daddy?" Tanong ko. Halos lumabas ang mata ko dahil sa pandidilat sa kanya. "Nalulugi na ba tayo?"

"You don't understand," Kuya Leander snapped. "Wala ka namang alam sa negosyo. It's better for you if you find a rich husband and marry young to save your status."

Mas lalong lumaki ang mga mata ko sa kanya. Bumagsak ang panga ko sa kanya.

Nakakainsulto ang sinabi niya ha!

Agad niya akong tinalikuran. Wala man lang akong maisip sabihin para makaganti?

Napabaling ako sa biglaang pagtunog ng phone ko. Umilaw ito sa center table.

Lumabas ang pangalang Miguel Vernan sa screen.

Bakit tumatawag ang mokong na 'to?

"What does he want?" I grumbled.

Kinuha ko iyon at pinatay.

Akala niya ba hahayaan ko siyang guluhin ako? Hindi pa nawawala ang galit ko sa kanila sa pag-aresto nila sa inosente kong tiyuhin!

I was expecting he'd call again as what he always do when he pesters someone.

Ngunit, limang minuto ang lumipas hindi na siya tumawag muli.

Tila may dumagan sa puso ko nang wala na akong natanggap na tawag mula sa kanya.

Gago! Nang-aasar ba siya?

Biglang tumunog ang phone ko. Pangalan pa rin ni Miguel ang lumalabas. Ngunit ngayon, isang text message na lang. Hindi na tawag.

Parang kusa na lamang gumalaw ang aking kamay upang abutin ang tumunog na phone.

Binasa ko iyon.

From Miguel Vernan:

You're not answering. How are you?

Napairap ako at napanguso. Ano'ng nakain nito? Bakit biglang nangamusta?

When I tap reply and proceeded to composing a message, I stopped and thought. Napanguso na lamang ako nang wala akong maisip na isasagot.

Tatarayan ko ba? Wala namang pagkakataon na hindi ko siya tinarayan? Ngunit, ngayon parang labag na sa kalooban kong tarayan siya? Kung hindi ko siya tatarayan, ano na naman ang sasabihin ko?

Napabuntong-hininga ako at napahiga sa sofa.

I dare not reply.

Doon siya tumawag muli. Sinagot ko naman iyon agad.

"Hello?" I was unsure. I don't know if my voice was even audible!

O, ngayong agad mong sinagot ang tawag niya, ano naman ang susunod mong gawin, Sera?

Naging tahimik na rin siya sa kabilang linya. Alam kong hindi niya pa rin binababa ang phone niya ngunit hindi rin siya sumasagot.

Ugh! Pagdidiskitahan niya naman ba ako?

"Hoy, Miguel! Tatawag-tawag ka tapos hindi ka magsasalita?" Pagtataray ko.

"You look fine," he responded. I heard him chuckle.

Napairap ako. Ano ba, Sera? Alam mo namang mahilig kang pagdiskitahan ni Miguel, hinahayaan mo naman!

Napairap ako sa kinauupuan ko.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko.

But, he dropped the call.

What the hell?

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon