Makubuluhan
I think I'm set. May ziplock ako. Dalawang ziplock.
Mydeva Divinagracia
Leander Gael Dilaurentis
I have my own evidences. I have my own investigation. May gusto lang akong matuklasan... makumpirma.
Hindi ko iyon magagawa kung hindi ko ito gagawin. Kung hindi ako makakaalis sa puder ng mga Divinagracia...
Nakita ko ang anino ng dalawang tao. Mga tauhan iyon ni Mydeva sa rancho. Napaatras ako upang magtago sa likod ng isang haligi.
"Hoy, umaga ka pa, bukas! Kailangan nating madala ang ilang sako ng bigas sa bayan," sabi ng isa.
"Oo. Alas tres y media pa lang, nandito na ako," sagot naman ng isa.
"O siya, sige!"
"Sige!"
Mula sa mga naririnig ko sa mga tauhan na bihira namang nagpapakita sa akin, tuwing umaga, may pinagdadalhan ng bigas sa bayan para ibenta.
Mabilis akong bumalik sa kwarto ko. Hindi ko naman kailangan ang maraming damit. May cash pa naman akong hindi nagagalaw sa wallet. Allowance ko pa ito mula kay Daddy. I have my cards and all. I can buy my own things when I get to run away from here.
Linagay ko sa isang maliit na bag ang wallet at ang dalawang ziplock.
Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko ang maaaring kahinatnan ng gagawin ko.
Tama ba ang gagawin ko? Paano kung mali pala ang aking haka-haka?
I don't think my brother could forgive me! Marahil ay itatakwil na ako ni Kuya Leander. Hindi na maibabalik ang buhay ko.
Nang mag-alas tres ng gabi ay dahan-dahan akong bumangon. Hinablot ko ang maliit kong Coach sa ilalim ng bag. Lumabas ako sa balkonahe ng aking sarili. My room is not so convenient. Nakapwesto sa harapan ang kwarto ko. Kaya may makakakita talaga kung lalabas ako mula sa bintana. Idagdag pang ang bintana ay may grills. Kahit payat ako, hindi pa rin ako kakasya! Sinubukan kong hilahin ang grills. Masyadong matibay! Ugh!
Napairap ako sa iritasyon.
I walked to and fro trying to think of other ways to get out.
Main Door? No! May alarm dun!
Sala? Halos lahat ng bintana naka-grills! Pati nga pintuan may grills eh!
Kusina? Tama! Kusina!
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto pabukas. I tiptoed towards the kitchen. Kahit paghinga ko ay limitado. Ang puso ko naman ay naghuhurumentado. Panay ang tingin ko at paglingon dahil baka may nakakita sa akin.
Nang makarating ako sa dining area ay bahagyang naibsan ang kaba ko.
Malapit na lang, Serafina!
Nang humakbang ako, biglang nasudsod ang tsinelas ko sa carpet. I grabbed a nearby chair to keep me from falling but I only dragged down the chair with me.
Napatakip ako ng bibig upang maiwasan ang pagsigaw. Mabuti na lang at may carpet sa sahig. Kung wala, maririnig talaga ang pagbagsak ng silya.
Napahawak ako sa aking dibdib. Naging mabibigat ang aking paghinga. Nakakahilo!
I stood up and walked straight to the kitchen. I settled on the closed windows just above the sink. May grills din doon ngunit maaaring buksan. Umakyat ako sa lababo at binuksan ang bintana. Agad bumungad sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin.
Tiningnan ko muna ang maaaring kababagsakan ko.
Shit! Bangin?!
Humugot ako ng hininga. Wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong kayanin ito.
Inilabas ko muna ang aking kanang binti sa bintana. I, then, crouched down to fit my body in that small window. Wala akong makapitan!
Sabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay lumipad kung saan-saan ang aking buhok. Isang binti na lamang ang natitira sa loob. Inangat ko iyon palabas at mariing napapikit na lamang.
Napakagat-labi ako at napayakap sa aking sarili. Hindi rin ako nagtangkang imulat ang aking mga mata. Hinintay ko na lang ang susunod na kahihinatnan ko.
Pwera mabalian lang! Iyon lang ang hinihingi ko!
Unang bumagsak sa lupa ang pwet ko. Napangiwi ako sa sakit. The cliff was too steep that I rolled down even more! Mabuti na lang at damuhan ito, hindi kakahuyan. Ang tanging gumasgas lang sa akin ay ang mga makahiya! Kinamot ko ang mga gasgas ko sa braso. Bukod sa mahapdi ay makati!
Letseng, damo!
Hinilot ko ang aking balakang at baywang. Akala ko ay mabalian na ako.
I ain't born for this!
Mabuti na lang at may mahabang stick akong nakita. Inabot ko iyon. Matapos itinukod ko sa lupa upang makatayo ako.
I walked at the foot of the cliff finding an easier path to climb up. If only I could drag myself upwards!
Kailangan kong bilisan kung hindi, hindi ko maaabutan ang delivery truck!
Tiningnan ko ang aking relo.
3:07 a.m
Gosh! Bwiset!
Mas binilisan ko ang kilos ko. Pilit kong kinakalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon.
Ilang minuto rin ay nakaabot uli ako sa taas. Tila mga butil ng bigas na ang pawis ko. Kahit papilay-pilay ako, pinilit ko pa ring makatakbo. Nakikita ko na ang arusera.
Kaunting-kaunti na lang, Sera! I looked like an idiot cheering for myself!
Pagdating ko roon ay nakaandar na ang huling delivery truck at nakaalis na.
Shit! Shit! Shit!
Natataranta, binilisan ko ang takbo. Kailangan kong makaabot kahit sa huling truck na lang.
I ain't born for this but I was force to doing this!
Nang isang metro na lamang ang layo ko sa hinahabol na truck ay inabot ko na ang kamay ko habang tumatakbo. Naabot ko nga ang truck.
I was able to grasped at its back but it suddenly accelerated. I winced in pain. I twisted my ankle.
Pakiramdam ko inunat and braso ko ng isa pang metro! Kahit sumasakit na ang kasu-kasuan ko, kinaya kong buhatin ang sarili ko upang makasampa lang ang mga paa ko sa truck.
Mabigat ang aking hininga. Napasandal na lamang ako sa isang sako ng palay habang napapapikit. Unti-unti ko na lang naramdaman ang pinaghalong antok, pagod, sakit sa katawan... at pagkatakot.
Ilang beses na akong iniwan at pinabayaan ng pamilya ko ng ako lang. Ngunit, nila ako iniwang walang-wala. They left me in a safe place. Kahit iwan nila ako sa bahay, hindi ako matatakot kung magugutuman man ako o mapepeligro. I know I am safe where I am. I know I'm comfortable. I don't have to think about my life. I just have to act my part in the family and my life is guaranteed.
Ngunit, ibang-iba ang sitwasyon ngayon. Ako ang kusa umalis. Sinuway ko ang kagustuhan nila.
I left a guaranteed life. I left on my own accord. Starting this moment, I take full responsibility of my life.
Hindi ko alam kung kakayanin ko. Ngunit, kung pagtitimbangin ang mga pagpipilian ko... mas hindi ko yata kayang manahimik na lang habang buhay. Hindi kakayanin ng konsensya ko.
The whole time I was in the truck, I was contemplating. Did I even made any crucial decision in my life?
Luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko na ang plaza ng bayan.
Sa oras na tumalon ako trak, masasabi ko ngang may ginawa akong isang makabuluhang desisyon.
Makabuluhan... dahil ang desisyong ito ay hindi para sa akin.
Para kay Miguel... at kina Phil ang Gab... kay Ate Fajline... kay Tito Fajardo at Tito Simeon...
☕
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...
