Chapter 21

175 9 0
                                    

Nagbubulag-bulagan

Surely, they have taken me for granted though I don't know if they have underestimated me.

Siguro sa tingin ni Mommy, hindi ako magiging ganito. Hindi ako hahantong sa ganito.

Surely, I was pampered but I'm not naïve. Kahit lumaki akong isang Dilaurentis o sa angkan ng maykaya at maimpluwensya, hindi naman ako ganoon kainosente na pinalaki akong walang sariling utak.

Napahinga ako ng malalim.

Nakailan na kaya akong buntong-hininga? Napapaisip ako ngunit hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong isipin.

Pinulot ko ang maliit na batong nakita ko sa damuhan at ibinato sa puno, ilang metro lamang ang layo sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako mananatili na hindi ko aalahanin ang pangangambala ni Leander o Mydeva.

Napuno na ang tainga ko sa mga kasinungalingan ni Kuya Leander at laging pangangamusta ni Mydeva.

Sa ilang araw na pagiging panauhin sa bahay ni Mydeva Divinagracia, hindi ko siya nakitaan ng kapintasan. Naging mabuti ang pakikitungo niya at isa siyang mabait na tao.

Masyadong mabait na hindi na ako kumportable. Palagi naman akong sinusubukan kausapin ni Mydeva ngunit agad-agad naman akong umiiwas katulad ng kahapon.

Mag-isa akong nagbabasa ng isang libro sa study.

"Mahilig kang magbasa?" Biglang lumapit sa akin si Mydeva. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita siyang nasa tabi ko na at tinitingnan ang binabasa ko.

Agad ko iyong isinara. "Hindi," sagot ko. "Pampalipas oras lang."

"May tv naman," sabi niya sa akin.

Napalunok ako. "Iniiwasan ko ang balita ngayon at hindi ako mahilig manood ng pelikula," diretsahan kong sinabi.

Agad akong tumayo.

"Saan ka pupunta, Sera?"

"Magpapahinga," matipid kong sagot at lumabas sa study.

Napabuntong-hininga muli ako.

I've been passively offensive towards Mydeva. Alam kong hindi nararapat gawin iyon ngunit hindi ko naman mapigilan ang sarili ko.

Objectively, I have options: to be kind or not towards Mydeva. Subjectively, however, I don't. That is why in the end, I'll treat her the way I feel like treating her.

Kumuha ulit ako ng maliit na bato at binato sa katapat na Mahogany. Dahil hindi naman ako ganoon ka galing bumato, hindi ko pa rin natamaan ang puno.

Napabuntong-hininga muli ako. I've been sighing and sighing for endless times today!

Nang wala na akong bato ay ang damo na naman ang napagdiskitahan ko. Minsan, naiisip kong isuko na lang ito. Dahil habang tumatagal, parang nagiging komplikado na.

Ngunit, hindi ko rin naman kayang sumuko kay Ate Fajline. Kapag susuko ako, parang isinusuko ko rin ang pamilya ko. At, tila hindi tamang gawin. Hangga't maaari kailangang kampihan ko ang pamilya ko. Mas matimbang pa rin sila sa puso ko.

Ngunit, tama rin bang kahit mali na, pilit ko pa ring pagtatakpan sila?

Patuloy kong binunot-bunot ang bermudang inuupuan ko. Makati na ang binti ko dahil sa damo ngunit wala na akong pakialam sa ngayon.

"Everything is all right, Mom."

Halos tumalon ang puso ko nang marinig ang boses ni Kuya Leander kung saan.

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon