𝑀𝒾𝑔𝓊𝑒𝓁 𝒜𝓁𝒻𝑜𝓃𝓈𝑜 𝒱𝑒𝓇𝓃𝒶𝓃
Better Not Lie"Sigurado ka bang wala kang alam, Miguel?" Tanong ni Gabriel.
I glanced at the eldest brother. He tilted his head as he cleaned the lenses of his glasses.
"Kung alam ko, sasabihin ko naman sa inyo," sabi ko.
He chuckled as if he thought the idea was ridiculous.
"Kung alam mo..." Ulit ni Gabriel. I heard him chuckle. "Sasabihin?"
"Pinagdududahan mo ba ako, Gabriel?" Matama ko siyang tinanong.
"Just because you're my brother, it doesn't mean that I would not be skeptic towards you," he responded, straightforwardly. "Napansin ko ring hindi kita masyadong mahagilap nitong mga nakaraang linggo."
I clenched my jaw as I sharply gazed at him. Kung may alam siya, bakit hindi niya na lang sabihin?
"May pinagkakaabalahan ka ba?" Tinaas niya ang isang niyang kilay.
"Oo," malamig kong sagot. "Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap si Leander."
"Si Sera? Nahanap mo na ba?" Tanong ulit ni Gabriel.
Napatingin ako sa kanya at nagtiim-baga. Sinusubukan niya ba akong hulihin?
"Hindi rin," sabi ko. "I'll let Fajline and Phil catch her. I'll focus on Leander Dilaurentis."
"If you say so." Gabriel shrugged. Napatayo siya sa couch at napamulsa. "Kina Raphael ko na lang sasabihin ang nakita ko."
Pinanliitan ko siya ng tingin. "Nakita?"
"Nakita ko sa law firm. Isang babaeng nakaputing t-shirt at pantalon. Kapareho ang haba ng buhok at kulay ng balat niya kay Sera," ani Gabriel.
I tilted my head, perplexed. Did she just went out of the house and went against my warning?
"Aalis na ako," paalam ni Gabriel.
Napatango na lang ako.
I waited for Gabriel to close the door behind him. Napaupo ako sa couch ng study at napahilot ng sentido. Hindi ba alam ng babaeng iyon ang pwedeng mangyaring kapahamakan sa kanya?
If my brothers or Fajline can catches her first, things will be better.
But, if Luiz catches her before anyone else... I could only imagine the worst-case scenario.
I quickly took my car keys and headed to my house...
...only to find out that she wasn't there.
"Sera!" Tawag ko sa kanya. Ngunit, walang sumagot bukod sa alingawngaw ng boses ko.
Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto niyo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso ko. Mayroong parte sa kalooban kong nag-aalala para sa kanya.
Damn it, Miguel! Hindi ba dapat magalit ka sa kanya?
"Sera?" Tawag ko muli sabay pihit ng doorknob pabukas.
Wala siya rito.
Tiningnan ko lahat ng sulok ng bahay. Wala pa rin siya.
Napasinghap ako. Gabriel must have really seen her. She must have gone out.
Napasulyap ako sa bintana. Nahagip ng aking ang tingin ang pamilyar na mahabang buhok, balingkinitang pangangatawan at morenang balat. At gaya ng sinabi ni Gabriel, nakasuot siya ng puting t-shirt at pantalon.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...