Proteksyon ba ang tawag?
"As expected, you're skeptic." I said and sighed.
I looked down on my tiptoe and kicked a little pebble off my path.
"Ikaw nga talaga," ani ni Ate Fajline sa kabilang linya ng telepono.
"Bakit gusto mo akong tumawag sa'yo?" Tanong niya. "If you're in hiding and you're just being childish enough to do this to diss me, then you might as well, find another place to hide. Kaya kong i-trace ang numero mo ngayon."
I gasped at what she said. Napailing ako at halos hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Childish? Ni isang beses hindi iyon dumaan sa isip ko. Ikaw siguro? Ikaw ang nakaisip eh. At saka, hindi naman ako ang habol mo, hindi ba?"
"You're not with your brother?" May bahid ng pagdududa ang kanyang boses.
"No," sabi ko. "Is he even my brother?" I said grimly.
That got her dumbfounded. "Ano'ng pinagsasabi mo, Sera?"
Nagtiim-baga ako at napamulsa. "I'm texting you where I am. Gusto kong kausapin ka nang personal."
Matapos ang tawag ay agad kong tinipa kung nasaan ako upang ipadala sa kanya.
Zone 32
Brgy. Rima
I pray that she could find me first before Luiz Divinagracia. Kung nagkataong mauna akong matagpuan ni Luiz, mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan ko. Binuksan ko muli ang brown folder.
DILAURENTIS, Serafina Lysandra D.
DILAURENTIS, Leander Gael D.
25% DNA MATCHED
Mariin akong napapikit ng mata. Kasabay nito ang pagpatak ng aking luha. Kung hindi si Kuya Leander ang nandito ngayon, nasaan ang kapatid ko? Nasaan si Kuya Leander.
May kumirot sa puso ko. Wala na akong ibang pinanghahawakan kay Kuya, tanging ang mga alaala na lamang.
"You can't die, Kuya." I used to tell him. "Bakit ba kasi kailangan mo pang mag-aral sa school? The doctor said you should stay home. May pera naman tayo para makapag-homeschool ka."
Napatingin lang sa akin si Kuya. He smiled. I flinched. I never wanted to see him smile. Mas lalo lang akong malulungkot... masasaktan... I'd rather not see that forbearing smile. Alam kong nahihirapan din naman siyang ngumiti. Given his situation, I know how hard it is for him to fake happiness.
"Malulungkot si Fajline," he only said. Napairap ako. I'll slowly hate that Salvani from now on.
"Mas mahalaga pa sa'yo ang kalungkutan niya. Paano kung sabihin kong ako ang malulungkot kung hindi mo ako pakikinggan?"
"You must have misunderstood, Sera," seryoso akong tinitigan ni Kuya Leander. "We both know where our money is coming from. Isn't that why we insisted and even asked for Tito Fajardo's help to pursuade Dad to let us in a public school?"
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Still, what about your health?"
"I can't stop our parents for being too greedy for money. After all, they've turned greedy because they want me alive..." Kuya Leander told me. I know he felt the guilt. I know he felt responsible.
Napakagat-labi ako. "Kuya, we'll get through this, okay? Huwag mo na ngang alalahanin ang mga kasalanan ng magulang natin. Alalahanin mo na lang ang kalagayan mo."
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...