None of my Business
"Hindi ko alam kung napasarap ba ang timpla ko ng kape pero salamat sa paghatid," sabi ko at napanguso.
"Iyung kliyente ko, on the way lang," sabi niya. "Alangan naman hahayaan ko ang kapatid kong maglakad lang kung madadaanan ko rin pala ang school niya."
Simula nang nagsimula akong mag-aral sa syudad, nagsimula na rin akong matutong mabuhay nang malayo sa mga magulang. Malapit din dito ang bahay ni Daddy sa school. Kaya naging mas madali lang ang pagpunta ko sa school dahil walking distance lang naman. Sa mga gawaing-bahay, pinupuntahan lang ako ng mga kasambahay. Minsan ako na rin ang gumagawa.
"O, bakit hindi? Gawain mo naman talaga iyon ah," pambabara ko.
"Male-late ka na," sabi niya lang. "Baba na."
Binuksan ko ang pinto. Dala-dala ang bag ko at iba kong libro ay bumaba na ako sa sasakyan ni Kuya.
"Mag-ingat ka," sabi ko sa kanya kahit hindi naman ito gaanong bukal sa loob ko.
Tumango lamang siya at matipid at hilaw na ngumiti. Hindi niya pa pinaharurot ang sasakyan niya.
Ang totoo? May dahilan ba siya para siguraduhing sa university ako didiretso?
"Pumasok ka na," sabi niya.
"Okay." Sabi ko at naglakad na papasok sa campus.
Mariin akong napapikit at dahan-dahang naglakad. Pinapakiramdaman ko kung nakaalis na ang si Kuya.
Nakarating na ako sa front building at napalingon sa gate. Nandoon pa rin ang sasakyan.
Sisiguraduhin niya talagang papasok ako ha! All the more he's being suspicious!
Lampas na ako ng front building nang naisipan kong tumakbo pabalik sa gate.
Sa sobrang pagmamadali, hindi ako agad nakaiwas sa estudyante sa harap ko at nabunggo ko siya.
"Sera, okay ka lang? Ano'ng nangyayari?" May pag-aalala at pagtataka niya tanong.
Oh, it was a batchmate. Kilala niya ako ngunit hindi ko siya kilala.
"Oh, I'm sorry!" Sabi ko at nagpatuloy sa pagtakbo.
Binagsak ko ang bag ko sa guardhouse dahil medyo may kabigatan ito at hindi ako makatakbo ng mabilis.
Tumakbo ako palabas ng gate at natigilan nang makitang wala na roon si Kuya. Luminga-linga ako at sa kalsada para sa BMW ni Kuya ngunit wala akong makita.
Bahala na! Humugot ako ng malalim na hininga.
Hoping to catch up with my brother, I sprinted by the sidewalk. Humihingi na lang ako ng pasensya sa mga nabangga kong hindi ko naman sinasadya.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo, bata!"
"Walang karera rito! Hoy, babae!"
Marami pa akong naririnig na ganoon. Ngunit, masyado akong okupado sa paghahabol sa Kuya ko.
Sa huli, naabutan ko sa isang stoplight si Kuya. Nakita ko ang pamilyar na puting BMW sa gitna nang matrapik na kalsada. Unti-unti akong tumigil sa pagtakbo habang namamawis at hinihingal.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...