Truth Will Make Him Hate
"Baliw ka ba, Sera?!" Angil ni Kuya Leander.
Sumunod siya sa syudad dahil may mga transaksyon siya ritong dapat atupagin.
Anu-anong mga transaction?
Well, it's nothing of my concern, anymore!
"Mas lalo niya tayong paghihinalaan dahil sa ginawa mo," sabi niya.
Pinagkrus ko ang aking mga braso at mata siyang matitigan. "Ano'ng magagawa niya sa hinala? Wala naman siyang ebidensya?"
Marahas na hinawakan ni Kuya ang aking braso. Mahigpit niya itong hinawakan kaya napaaray ako.
"Paano kung matuluyan iyon?" Angil niya.
"End of problem," I answered, casually.
"And, the Vernans will be after you," Kuya said. "Akala mo ba agad-agad na maniniwala si Raphael na aksidente lang ang mangyayari sa girlfriend niya? Are you willing to kill Phil if he tried to sue you?"
Pinandilatan ko siya. "Ano'ng pinagkaiba ng lahat ng ito, Leander? Phil is not an issue. In fact, nagawa nga-"
Isang sampal ang natanggap ko mula sa nakakatanda kong kapatid.
"You dropped 'Kuya'," sabi niya at tumalikod. "Sana hindi mo pa rin iwinawala ang respeto sa kapatid mo."
Umigting ang panga ko at nagtiim-baga. "Ang Kuya Leander na nakilala ko noon, hindi ako pinagbubuhatan ng kamay."
Liningon niya ako. "Nagbabago rin ang tao, Sera. You provoked me."
Napalunok ako. I needed to keep my head high and directly look at his eyes. "Ikaw na rin nagsabing nagbago ka na. Sino ka ngayon, Kuya?"
He did not answer. He just walked away.
I'm fed up. I know he is, too. We're both trying to live up with expectations and impressions. And, sometimes, it felt like we're faking our own identity.
Minsan sa kalagitnaan ng lahat, nagsisimula na rin akong kwestyunin ang sarili ko.
Para saan...? Para saan ko ginagawa lahat ng ito?
"We gave you food, we gave you shelter, we gave you education. Lahat ng kailangan at luho mo, ibinigay namin, Sera! Atleast, show you gratitude!"
I can almost hear my mother's voice in the back of my mind.
Oo. Pinakain nila ako. Pinatulog sa kumportableng bahay. Pinatuloy sa malaking bahay. Pinaaral sa isang prestihiyosong paaralan. I was born and raised as a Dilaurentis. Bali-baliktarin man ang mundo, ipinanganak akong may pribilehiyo. Kaya, nararapat lang na magkautang na loob ako.
Ngunit, anak naman nila ako. Anak din naman nila ako ah.
I'm their daughter. I'm not an investment!
Hindi ako isa sa mga tauhan nila. I have my decision of my own.
Napabuntong-hininga ako.
At, napagdesisyunan kong kampihan parati ang pamilya ko.
Makakapagdesisyon nga ako pero kulang naman ako sa paninindigan.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, Sera?" Tanong ni Candice. "Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo."
Tila bumalik ang lumilipad kong kaluluwa sa aking katawan. Hindi ko nga namalayang natitigilan na pala ako sa kalagitnaan ng lunchbreak.
Napailing ako. "Iniisip ko lang ang long test kanina, Candice." Pagsisinungaling ko.
"Nag-aral tayo, hindi ba? Malabo namang bababa ang grades mo," sabi ni Candice.
"Hindi naman ako kasing talino mo, Candice," sabi ko. "Vernan ka."
"Bakit? Bilang isang Dilaurentis, matalino ka rin naman," sabi niya.
Matipid lamang akong napangiti. Dilaurentis, huh?
"Bakit, Sera? Gusto mo rin bang maging isang Vernan?" May panunuksong itinaas-baba ni Candice ang kanyang kilay.
Nakaramdam agad ako ng pang-iinit ng pisngi. Nang makita ang gulantang kong ekspresyon ay humagalpak sa tawa ang tanging matalik kong kaibigan.
"Candelaria Patrice!" Ani ko at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Oh!" She clasped her hands together with delight sparkling in her eyes. "Serafina Lysandra Dilaurentis Vernan. It sounds great! Bagay sa'yo!" Panunukso niya na siyang lalong ikinapula ng morena kong balat.
"Just shut up!" I said and covered my flustered face. I bet I look like a tomato, now!
Worst! Sa morena kong balat, baka magmukha akong na-sunburn!
"You know what? I really think Miguel and you suited each other, perfectly," said Candice. She giggled seeing my sour face.
"Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan?" Sabi ko.
"Look! Raphael never liked you, romantically. Gabriel fell out of love for you or his feelings was just not genuine. But, Miguel? He may be the worst person you ever met but he's the person you spend most of the time with besides me and your family," she pointed out.
Napainom ako ng juice.
"Siguro ang pang-aasar niya sa'yo... paraan niya iyon para mapansin mo siya."
Halos ibuga ko ang juice kay Candice.
"You're mind is too creative, Candelaria!" I told her.
She just giggled.
Miguel will never like me. May mga kuro-kuro ako patungkol sa kanya at kung bakit dikit nang dikit siya sa akin.
If he finds some truth from me. That truth will make him hate me.
☕
![](https://img.wattpad.com/cover/184400226-288-k688374.jpg)
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...