Chapter 44

214 6 3
                                    

Helpless

I stood frozen when the phone crashed in front of me.

"What are you thinking, Sera!" My father growled.

Nanlilisik at namumula ang kanyang mga mata sa galit. Ang kanyang mga titig ay matatalas.

Kung tunay ngang kutsilyo ang mga tingin, baka kanina pa ako napatay.

"Daddy!" I protested. "Iniisip ko lang ang kalagayan natin ngayon! Hindi tayo ligtas kay Luiz!"

"Saan tayo ligtas, Sera? Sa panig ng mga Vernan? Ng mga Salvani?!" Angil ni Daddy.

He pressed his lips in a grim line. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya ka dismayado. Hindi ko na kailangang maging henyo o mag-aral ng sikolohiya.

Kitang-kita at damang-damang ko naman. Para sa kanya, isa akong kabiguan.

"You are too fond of the Vernan's Sera," Daddy pointed out. "And they are using it as an advantage. Binibilog lang nila ang utak mo."

"Why would they take advantage of me, huh?" I can't help but to answer back. "Simula't sapul tayo ang may atraso sa kanila, Dy. Simula't Sapul, ikaw ang nagpasimuno nito!"

"Sino ang kadugo mo, Sera?! Sila ba? Sa oras na wala na ako o ang kapatid mo, bubuhayin ka ba nila? Sa oras na lunod na lunod ka sa problem, sisisirin ka ba nila kahit ano kalalim?"

Mariin akong napapikit at napakuyom ng kamao. "Huwag mong ibahin ang usapan, Daddy!"

"Hindi mo nakukuha ang punto ko rito, Sera! Wala kang naiintindihan na mga pangyayari!"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi rito, Daddy!" Giit ko. "Kung hindi ka gumawa ng illegal, hindi mamatay si Tito Simeon, si Tito Fajardo at lalong-lalo na si Tito Domingo!"

Bigla akong nakaramdam ng init sa aking pisngi. Napagtanto kong mga luha ko na pala iyon. Kahit ang pagpapalabas ng emosyon sa pamamagitan ng salita ay hindi sapat. Hindi ko kayang ilabas lang lahat ng hindi iiyak.

Matagal akong nagtimpi.
Mula pa noon ay nagbubulag-bulagan, kinakali-kalimutan at nagpapanggap akong walang alam tungkol sa mga ginagawang kamalian ng pamilya ko. Pilit kong kinukunsinti at linulunok lahat ng katiwalian nila. Dahil ganoon ako pinalaki. Itinanim sa utak at puso kong ang pamilya ang pinakamahalaga. Ang pamilya ang dapat unahin higit sa lahat.

Ngunit, ang labis na pagpapahalaga sa isang bagay o isang tao ay labis na nakakabulag.

Just because we value something so much that we lose judgement on what is right and wrong.

"Ako ang hindi nyo naiintindihan, Serafina!" Tila isang malakas na kulog ang boses ni Daddy na umalingawngaw sa buong silid.

Kahit ako nabigla. Ni hindi ako pinagtaasan ni Daddy ng boses noon. Ngunit, lubusang kumalabog ang dibdib ko dahil sa nangyari. Katahimikan ang sumunod sa pagkulog. Ang aming hininga ay mabibigat dahil sa emosyon sa kalooban namin.

While I can't stop crying, my father is trembling out of anguish.

Napaupo siya sa leather sofa malapit sa kanya.

"Hindi mo ako naiintindihan..." Napailing siya at pinagsalikop ang kanyang mga daliri. "Hindi nila ako naiintindihan..."

Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Daddy. Alam kong kanina pa siya nagpipigil.

"Bilang isang ama, gusto ko lang dugtungan ang buhay ni Leander..." Pumiyok ang kanyang boses ng binanggit niya ang pangalan nito. "...ng kapatid mo."

Inangat niya ulo niya at malungkot akong tiningnan. Ang kanyang mata ay basa dahil sa kanyang luha.

"Leander has it all. Leander has a lot of potential. The world is just too cruel for him that his life too short."

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon