Sakali...
"Lysa," ani Fatima. "Ayusin mo na sarili mo. Dapat maging presentable ka," paalala niya pa.
Tumango-tango ako habang sinusuklay ang aking mahabang buhok. Tiningnan ko muli ang aking sarili sa isang basag-basag na salaming nasa isang sulok ng silid. I could not fully see how I look but I think I am presentable enough.
"Mabait naman si Sir at Ma'am eh," sabi ni Fatima.
"Sir at Ma'am?" Napakunot ako ng noo. Mag-asawa ba ang pinagtratrabahuhan ni Patpat?
Tila agad na nakuha ni Patpat ang iniisip ko. "Hindi iyung magulang nila ang tinutukoy ko, ha? Iyung magkapatid na Marqueza," sabi ni Patpat. "Nabanggit kasi sa akin ni Sir na naghahanap din yung kapatid niya kaya depende na lang mamaya kung sino sa magkapatid ang kukuha sa'yo."
I've heard of that last name. Kung hindi ako nagkakamali, isa sila sa mga aristokratikong pamilya sa bansa ngunit masyado rin silang pribado para sa politika. Wala rin akong nakilalang Marqueza sa personal.
Siguro ay ligtas pa ako. Ipapanalangin ko na lang na hindi nila ako mamukhaan o makilala bilang Serafina Dilaurentis.
"O? Handa ka na ba Lysa?" Tanong ni Patpat. "Halika na. Trapik pa ngayon kaya baka ma-late pa tayo. Medyo strikta kasi si Ma'am eh lalo na sa oras."
"May edad na ba ang mga amo mo?" Kuryoso kong tanong. Kasi kung may mga edad na, maiintindihan kong masyado silang metikuloso sa mga bagay-bagay.
Napanguso si Patpat. "May edad? Hindi ano! Ang bata-bata pa nina Ma'am at Sir. Siguro mga trenta pa lang si Ma'am tapos halos magkaedad kami ni Sir. Kaya magkasundo kami ni Sir. Si Ma'am yung medyo maldita."
Napatango-tango ako. Okay lang, Sera. Para saan pa ang mga workshop mo kung may isang tao kang hindi mapapaamo. You've always been trained for this... to please people...
"Slight lang naman ang pagkamaldita ni Ma'am," sabi ni Patpat. She smiled with reassurance. "Kinakabahan ka ba?"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.Mas nag-aalala akong mahanap ako ng kapatid ko o ng mga Vernan o kahit si Ate Fajline. Wala akong oras para alalahanin pa ang impresyon sa akin ng malditang amo ni Patpat. Kung hindi man nila ako kukunin, makakahanap pa rin naman ako ng ibang pagtratrabahuhan.
If anything will turn out for the worse today, I still have a necklace to pawn. I thought.
Napailing ako kay Patpat. I forced a reassuring smile. Ayaw ko ring mag-alala siya sa akin. I know for myself that I'll be fine. Kung interview lang naman sa pagiging kasambahay, what will be my impression management for?
Biglang tumunog ang telepono ni Fatima. Agad niya iyong dinukot mula sa kanyang bulsa. The ringtone wasn't too lengthy for a call. Kaya alam kong text iyon. At, hindi ko na rin kailangan pang magpakahenyo para masabing mula yon sa kanyang amo.
"Ay..." Napangiwi si Fatima. Napanguso siya sa akin. "Sorry, Lysa."
Kumunot ang aking noo. Sa tono pa lamang ng kanyang pananalita at expresyon ay may ideya na akong mahihinuha. "Bakit, Pat?"
"Sorry, minadali kita," sabi niya. "Nag-text si, Sir. Mamaya pa palang alas singko. Sorry talaga. Hindi kasi available ang ate niya ngayon kaya mamaya na lang daw."
Akala ko pa naman kung ano. I was half-hoping her bosses would change their mind and decide to not take me. Iniisip ko pa lang na aristokratiko ang pamilyang pagdadalhan sa akin ni Fatima, hindi na mapalagay ang kalooban ko.
Aristokratiko... maipluwensya... politika... mayaman... makapangyarihan... Ayaw ko lang marinig ang mga iyon. Parang ang delikado pakinggan. Lagi kong nararamdaman na may kaugnayan iyon sa mga Vernan.
My family caused series of unforgiveable damages towards the family. Punumpuno na ng hiya ang katawan ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Lalong-lalo na kay sa ina ng mga Vernan. Tita Mercedes Arcella-Vernan has been good and caring towards me. Ngunit, wala akong mukhang maipakita sa kanya. I felt like I have also broken the trust. I kept my mouth shut despite the knowledge that I have. I kept silent to protect my family and letting her heart be broken for a very long time.
I never carry out the act of killing Simeon Vernan. I wasn't part of it. Ngunit, hindi pa rin iyon sapat na dahilan para sabihing malinis ang pangalan ko. Even at a minimum participation for the act of tolerating injustice, I felt guilty.
"Baka may lakad ka pa, Lysa?" Napabalik ako sa aking wisyo nang bigla akong tinapik ni Patpat. "Alas onse pa lang naman. May oras ka pa sakaling may transaksyon ka ngayong araw."
Matipid akong ngumiti. "Sige. Babalik lang ako agad."
"Okay. Sige, sige. Mag-iingat ka ha!" Sabi niya.
Dali-dali kong kinuha ang aking bag at lumabas na sa boarding house. Wala akong mukhang maihaharap sa mga Vernan. Ngunit, kung matutulungan ko sila sa paghahanap ng hustisyang matagal na nilang gusto, siguro ay makakayanan kong harapin sila.
I just don't want to see Miguel's anger towards me. Iniisip ko pa lang ay napapailing na ako sa aking sarili. Iniisip ko palang ang mukha niya at ang kanyang nagpupuyos na galit, gusto ko nang magtago sa isang liblib na lugar. I don't want to show up to him and tell him what I know without evidence. He will only see me as a good-for-nothing and too pampered daughter of a politician. Gusto kong may gawin ako nang sa gayon...
Ugh! Ano bang iniisip mo Serafina?
Kinurot ko ang sarili kong pisngi sa inis. Bakit ba iyon naisip mo bigla? DNA test lang kung sakali ang ibibigay mo sa kanya, ano'ng nakakaimpres doon?
He probably doesn't want to see you again.
Mabilis akong nakapagpara at nakasakay sa jeep. Didiretso ako sa Beareau of Investigation. I'm sure someone could help me with the laboratory testing.
☕
Hey!!! I hope you are all safe despite the typhoon! Lagi lang kayong lahat mag-ingat! <3 Salamat din pala sa 1.4k read for this book. I really love to hear from you kaya don't hesitate to comment or send me message :). Also, if you like to book, vote din and share... hehe...
All Soul's Day na pala! Use this time or day to pray for your loved ones in heaven.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...