Chapter 27

170 7 0
                                    

Ginto

"Ito magiging pwesto mo. Pasensya ka na ha. Ito na lang kasi natitirang pwesto. Tapos yung kubeta, sa baba. Makipag-usap ka sa kasama mo nang malaman mo 'yung schedule ng ligo niyo. Siyam kayong gagamit doon. Pakilinis na rin tapos niyong maligo roon para hindi palaging madumi. Yung upa dito dahil bedspace lang naman ay sanlibo kada buwan..."  Marami pang sinabi ang landlady na hindi na pumapasok sa utak ko.

Napatingi  ako sa kamang sinasabi niya. Mayroon naman itong manipis na mattress at may desenteng unan naman. May kumot ding manipis. Hindi naman siguro kailangan ng makapal dahil electric fan lang naman ang kwarto.

Nakita kong yari sa dos por dos at plywood lang ang higaan. Ang isang leeg naman nito ay may butas-butas. Halatang naaanay na.

Pero, hindi ko na ginawang problema yun. Parang babagsak na talaga ako kaya kahit hindi maganda ang kundisyon, susunggaban ko na lang.

"Ano ulit pangalan mo, hija?" Tanong ng landlady.

I pursed my lips for a while. Aside from thinking if I should tell my name or not, I'm also exerting some effort to stop myself from yawning at the landlady.

"Hoy, hija! Alam kong inaantok ka na! Kaya sagutin mo na ako."

"Uh... Opo!" Sagot ko agad.

"Ano'ng Opo? Pangalan mo ba ang Opo?" Pasarkastikong lahad ng landlady.

"Lysandra..." I had no enough time and creativity skill to think of an alias for myself. All I can think of is dropping my second name. "de Castro."

Inilahad ng landlady ang kanyang kamay. "At, nga pala, Kailangan pa ng one month advance."

Napakurap-kurap ako. One month? Advance?

"Nakapagbigay na po ako," sabi ko sa landlady.

"Kaya na. Yung binagay mo, para 'yun sa ngayong buwan. Pero kailangan mo rin mag-advance ng para sa isa pang buwan. Gets?"

Napangiwi ako sa sinabi ng landlady. Parang biglang nawala ang antok ko sa narinig ko. Masyado naman itong sigurista! Mukha bang tatakbuhan ko siya?

"Paano po iyon? Kulang po pera ko ngayon," sabi ko. "Dalawang libo lang po talaga ang dala ko at nabawasan na po iyon sa transportasyon ko."

Tumaas ang kilay ng landlady. "Pambihira! So ano ang ginagawa mo rito? Dadagdag sa siksikan dito sa syudad? Saan ka ba nanggaling ha?"

"Antique po," sabi ko at napaiwas ng tingin.

"Ay, Antique?" May biglang nagsalitang babae na nakaupo lang sa isang kama sa silid. Isa yata sa mga umuupa rito. "Hindi ba magulo yung Antique ngayon?"

Pareho kaming napalingon sa babaeng nagsalita.  Isang babaeng may mahabang buhok. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama at kumakain ng chichirya. Rinig-rinig pa nga ang bawat pagnguya niya nito habang nagsasalita. 

Manners, please? Hindi ba siya mabubulunan dahil nagsasalita siya habang may laman pang pagkain ang bunganga niya?

Sa tingin ko ay ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin. She might be in late twenties or early thirties. Mas maputi lang sa akin ngunit hindi naman kaputian. Mukha namang hindi ako mahihirapan makisama sa kanya rito sa kwarto.

"Oo nga, no?" Sabi naman ng landlady. "Kalat na kalat sa balita ngayon yung insidente sa Tobias Fornier. Hindi raw ang mga Salvani ang magnanakaw na politiko at pumatay sa Vice Mayor nitong si Simeon Vernan. Mga Dilaurentis daw talaga."

Nakakahiya. Pati ba naman sa kasuluksulukan ng Iloilo, alam na ang isyu ng pamilya ko. Kilala na ang pamilya ko sa pagiging kriminal.

"Iyung anak nung Dilaurentis na adik daw ang totoong pumatay," sabi naman nung isa.

Napakuyom ako ng kamao. Dahan-dahan ko itong tinago sa aking likuran.

Kalma, Sera! 

Huminga ka ng malalim. Huwag kang magsasalita at baka mabuko ka.

"Taga-saan ka ba?" Tanong nang babae sa akin.

"Flores, Antique," pagsisinungaling ko ulit.

"Bakit ka pumunta ng syudad? Dito?" Tanong niya.

"Naghahanap po ako ng trabaho," sabi ko.

"O?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Paano ka makakahanap niyan eh isang maliit na bag lang ang dala-dala mo. Lalakarin mo pa mga papeles mo at kailangan pera para roon. Kasasabi mo lang, kulang na pera mo. Tanging pagiging kasambahay lang ang magagawa mo niyan."

Lalakad ng papeles ko? Mas lalo lang akong mabubuko niyan.

Napalunok ako. Pero kailangan kong maghanap ng trabaho. I need to sustain myself at kailangan ko pang makapagpa-DNA test sa lalong madaling panahon. 

"Okay lang naman po kahit magtrabaho ako bilang maid," sabi ko. Kahit papaano, may alam naman ako sa gawaing bahay.

"Tamang-tama, stay-out ako sa amo ko kasi doble trabaho ko. Nagtratrabaho ako sa isang hotel bilang on-call waitress. Pero nangangailangan si boss ng stay-in na kasambahay, irerekomenda kita sa kanya," sabi niya. "Ay, ako pala si Fatima. Patpat na lang in short. Ano gusto mo itawag ko sa'yo?"

"Lysa," sabi ko at matipid na ngumiti.

"Sige, sige," aniya. "Sasabihan ko lang si boss tungkol sa'yo. Tapos, sasabihin kita kung okay sa kanya na papapasukin din kita."

"Masyadong malaki ba ang bahay ng boss mo na kailangan pa ng isa?" Sabi ng landlady.

"Manang Maricris, nasa first class village po iyon nakatira kaya malaki talaga bahay 'nun. Pero, baka kasi mahirapan daw ako dahil palipat-lipat din ako ng bahay. Naglilinis din ako sa bahay ng isa niyang kapatid kaya gusto niya may isang tagalinis," sabi ni Fatima.

Cold licked my spine. I almost forgot that I also came from an influential family. Paano kung ang tinutukoy niyang boss ay kilala ko pala? O kilala ako?

Napalunok ako. "Ano sa'yo, Lysa?"

"Naku, okay na okay, iyan kay Lysa." Ang landlady, na Manang Maricris pala ang tawag sa kanya, ang nagsalita.

Napatingin ako sa kanya at pilit na lamang na tumango. Atat na atat itong makapagtrabaho ako dahil natatakot siyang hindi ako makapagbayad.

"Ang ganda ng hikaw mo," puna ni Fatima.

Napahawak ako sa ginto kong hikaw na ibinigay pa sa akin noon ni Mommy. It was a pair of simple earrings with small diamonds in the center of each.

"Salamat. Fake lang 'to," sabi ko at tumawa. I acted the way I used to when facing people, who complements me, whenever there is an event.

Pero, hindi ko sinasabi peke ang alahas ko. Ngayon lang dahil mukhang mainit sa mga mata niya ang hikaw ko.

"Kung totoo iyan, prenda mo na lang iyan para mabayaran mo 'yung kulang mong advance kay Manang Maricris," pagbibiro niya at tumawa.

Prenda?

Bigla akong nagka-ideya roon.

New update na naman after a very long time! Maraming salamat sa 1.3k reads for this book! Hindi niyo lang po alam pero labis-labis ko po iyan naa-appreciate! Stay safe!!!

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon