Silence
"Sir Vernan," bungad ng tauhan niya.
We entered Vernan's mansion solemnly. The surrounding is well-guarded the moment we arrived.
"Ma'am Sera," the man acknowledged my presence. I could only greet him with a nod. Ni hindi nga ako direktang makatingin sa mga mata ng tauhan niya. Punumpuno ako ng kahihiyan. Hindi ko alam kung ano na ang pagtingin nila sa akin ngayon.
They might still think I'm a user... Siguro ay sa pagtingin nila ay minamanipula ko lamang si Miguel.
Pinanood ko si Miguel na hinubad ang kanyang jacket at inabot sa kanyang butler.
"Maayos ba kayo rito?" Tanong niya. "Now that Sera is with us, Luiz will definitely try to break in the mansion."
Napasulyap sa akin ang butler. "Paniguradong mapapagalitan ka ni Ma'am Kana kung malalaman niyang kasama ang anak ng pumatay kay Sir Simeon."
"Pumunta ba siya kanina?" Tanong ni Miguel.
"Opo." Tumango ang butler. "Kasama si Ma'am Candice. Hinahanap nila si Ma'am Sera."
"Si Candice..." Without deliberation I stepped forward. "I owe her an explanation."
Liningon ako ni Miguel. Tinitigan niya ako na parang isang katangahan ang "What is left for you to explain to her, Sera?"
"Miguel, kailangan kong ipaliwanag ko sa kanya kung bakit ako naglihim sa kanya," paliwanag ko. "Siya lang ang ang tinuring kong matalik na kaibigan."
Napasinghap siya at tinalikuran lamang ako. Bumaling siya sa kanyang butler. "Handa na ba ang kwarto ni Sera?"
"Yes po, Sir."
"Ihatid niyo si Sera sa kwarto niya," utos niya sa mga maids.
Hinapit ako ng isang kasambahay. "Halika na po, Ma'am."
Hindi na ako tumanggi pa. Gustong-gusto kong makausap ng masinsinan si Miguel ngunit kanina pa siya umiiwas sa akin. Napatingin muli ako sa kanya.
"Sige na, Sera." He smiled assuringly. Hindi ko alam kung paano niya pang nagagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon.
Napalunok ako at humugot ng malalim na hininga. "Miguel, kailangan talaga kitang makausap... In fact, dapat kayong lahat."
"Sera..."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Napaatras ako sa ginawa niya. I immediately averted my eyes to a vintage painting hanging on the wall a few feet behind him. I need to think straight! I can't let him distract me.
"You need to rest first. I'll visit you in your room first thing in the morning," he assured once again.
My sense of urgency heightened. Hindi ko alam kung bakit may pangangamba pa rin sa puso ko. Miguel guaranteed me protection. I know that in the Vernan Mansion, Luiz Divinagracia cannot harm me.
Matapos akong mag-ayos ay napahilata ako sa kama. The soft mattress pressed against my back. My body sunk deep in the bed. I can't help not to sigh in pleasure. Kahit ngayon lang, nakaramdam ako ng kaginhawaan.
I am well-aware that I am the type of person that can never be described as 'deep'. Even if no one is rubbing it on my face, I know I am shallow.
At parang isang timang akong napatawa sa sarili ko. I never thought a soft bed will make me happy.
Ang daming nangyari sa buhay ko. Ilang araw na ba ang nagdaan? Ilang buwan? Gaano na katagal akong laging tumatakbo? Kailan nasira ang buhay ko?
All these days, I never bothered to count. All I cared is to somehow correct the mistakes of the past. All I did was to ease the pain of those whom my parents harmed...
... and all I know is that I stopped studying, left home, faced near-death situations and atone for the crimes of my family.
Pagkatapos ng lahat ng ito, tuluyan na rin ako mawawalan ng direksyon at silbi sa mundo.
Nang gabing iyon, hindi ako makakatulog. Kahit anong pagod ko, hindi ko kayang magpahinga. Sa bawat pagpikit ng mata ko, hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng nangyayari at ang nararamdaman kong pagkabigo dahil sa pamilya ko.
I did not kill Simeon Vernan by firing him the gun. I did not kill Fajardo Salvani by sentencing him to death. I did not kill my own uncle, Domingo de Castro, by urging him to commit suicide.
I killed them with my silence. I killed them with my fake ignorance.
Biglang tumunog ang telepono ng guest room.
Napabangon ako at napatingin sa teleponong nasa side table. Ibinaling ko ang tingin sa orasan. Napataas ako ng isang kilay.
1:07 a.m.
Who would dare call at this unholy hour?
For some reason, I felt no reluctance in answering the phone call.
Naging matapang na ba ang isang Serafina Lysandra Dilaurentis matapos lahat ng pinagdaanan niya?
I slowly moved towards the ringing telephone. It suddenly stopped ringing.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi magtaka. Was that a prank call from a nobody? That might also be an emergency call from who knows who! Baka nagkamali lang ng numerong tinawagan.
My heart almost flipped when it rang again. Dahil sa kaba, napatayo ako.
Mariin akong napapikit ng mata at napabuntong-hininga. Tatakbo na sana ako sa sobrang gulat. Napahawak ako sa aking dibdib habang kinakalma ang nagulantang kong puso.
I quickly answered the called.
"Hello?" I greeted, unsure.
"I see... you're still awake," the familiar voice replied and chuckled coolly.
With his distinct baritone, I knew right away that it is Miguel. I can already imagine his sly smile.
Napakagat ako ng labi upang pigilang ang nagbabadyang ngiti sa labi ko. "How did you know?"
"I'm in the pool."
Pool? Ano'ng ginagawa niya sa pool ng ganitong oras? Napatingin ako sa telepono habang napakurapkurap. Tama ba ang naririnig ko? Ibinalik ko ang telepono sa tainga ko.
Napatingin ako sa bintana. Katapat lang ng guestroom ang pool kaya makikita niyang gising pa ako. I did not turned the lights off though I've already closed the curtains.
"Are you still swimming at this hour?" I asked and laughed. "Nawala na yata ang katinuan ng isang Miguel Alfonso Vernan."
"Tss... Who would swim at this hour, Sera? Just tell me if you want see me half-naked," he responded shamelessly.
"Excuse me?!" My jaw dropped. Pati ba kahihiyan nawala na rin sa kanya? "Have shame, Mister!"
"Hanggang ngayon, hindi pa rin pala nawawala ang kaartehan mo," aniya. "Maganda ang klima ngayon."
"Hindi ko alam," malamig kong sagot.
"If you can't sleep, come here with me," he said.
Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang dibdib ko. My stomach twisted that made me uneasy. I felt shivers down my spine. Ang balahibo ko naman ay nagsitindigan.
I know it was an unusual feeling but I know it was not out of fear or anxiousness.
For a moment, I don't want to think anything else. For a moment, I only wanted to understand my feelings.
For a moment, I felt frozen in place... filled with silence.
☕

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...