Chapter 7

193 9 0
                                    

Realidad

"Sera," ngumiti si Tito Domingo sa akin nang makita ako.

Saglit ko siyang yinakap. "Sorry, po. Hindi man lang tayo nakapag-usap nang huli kong uwi sa Tobias." Matipid akong ngumiti.

Tapos na ang leave niya ng dalawang linggo at kakailanganin niya nang bumalik sa Dubai para sa kanyang trabaho.

"It felt rather weird, Sera." He tilted his head. "Ikaw ang nagpakiusap sa aking kunin ang leave ko ngayong taon para samahan ang Kuya mo. Bakit?"

Hindi ako umimik. Pero matipid pa rin akong nakangiti.

"I'm really sorry, if I acted a bit indifferent when I was in Tobias," I said, again.

"I understand." Tumango-tango si Tito. "Nandoon ang mga Vernan at ang anak ni Fajardo. Alam ko namang nasira na ang araw mo nang makita sila."

Minabuti kong hindi na magsalita ukol dito. Pinanatili ko na lang ang hilaw na ngiti sa aking labi.

"When you saw that Salvani and that Vernan together, what did you feel, Sera? Guilt or anger?"

Can I say both?

I gritted my teeth. "Anger."

Ngumiti si Tito. "I thought you'd answer jealousy." He laughed after that.

Napailing lamang ako sa kanya.

"Iyung anak ni Fajardo, she's unconservative for a divorceé."

"She was never married, Tito. It was all a bluff." I said and crossed my arms.

Tito looked at me. His eyes are full of amusement. "Hindi bumenta sa iyo ang kasinungalingan niya."

"Mukhang hindi rin sa'yo, Tito," sagot ko naman.

"I had my doubts, Sera. You just confirmed it. Pinapaimbestigahan mo rin ba siya gaya ng pag-iimbestiga sa inyo?" Tanong ni Tito Domingo.

Napalunok ako. Itinuwid ko ang aking upo at uminom ng kaunti ng aking juice. "Kuya Leander has been always the star between the both of us. Palaging siya ang bida. Ako naman parating nasa anino nilang lahat nakatago."

Ngunit, hindi porket nagtatago lamang ako sa anino nila. Hindi porket halos hindi nila ako mapansin ay wala na akong gagawin. I'm not some insecure person, thirsty for the limelight. I still believe I have something they don't. My family don't.

Kung napapalibutan ka ng ilaw. Halos wala ka nang makita. Pero kung nakatayo ka sa dilim, marami kang mapapansin.

I always take notice of something they don't. In the end, they'll thank me in saving their asses.

"I see..." Uminom si Tito Domingo ng kanyang kape at tumawa. "You don't want to expose your brother's true colors, right? Kaya pinakiusapan mo akong samahan siya sa kanyang pag-uwi."

"Nag-aalala lang ako sa kapatid ko. Ngayong nakauwi na siya, may mga mata na si Fajline na nakabantay sa kanya," sabi ko. "Baka pinapaimbestigahan ka rin niya?"

May panlalamig sa mga tingin ni Tito Domingo. Matama niya akong tiningnan. Ipinatong niya ang kanyang braso sa mesa at pinagsalikop ang kanyang mga daliri.

"Is this on purpose, Sera?" His face hardened.

Napayuko ako. I slowly stirred my drink using my straw. "Huwag kang mag-alala, Tito. Wala kang ginawa kaya kung paiimbestigahan ka nila, wala pa rin silang makukuha."

"Pero, paano ang kuya mo?"

I just shrugged. I stared at him languidly. "You don't have to worry about Kuya because you have  nothing to do with this, Tito. Besides, mananatili naman si Kuya rito kaya ako na ang bahala sa kanya."

"Nakapagbilin naman ako kay Leander," sabi ni Tito. "Ganoon din kay Alaine. Alam na ng ina mo kung ano ang gagawin."

Napangiti ako sa kanya. Walang ginawa si Tito Domingo kung hindi ang tulungan kami. Sabi niya habambuhay siyang may utang na loob sa pamilya dahil tinulungan siya ni Mom and Dad ngunit minsan, pakiramdam ko masyadong sobra naman ang pabor na hinihingi namin sa kanya.

Matapos nang pag-uusap namin ay minabuti ko nang ihatid siya sa airport.

"Thank you, Sera!"

I smiled and hugged him one last time. "Thank you rin, Tito."

Ngayong nagawa ni Ate Fajline na dumikit hindi lang sa pamilya namin kung hindi pati na rin sa mga Vernan, hindi malabong magkakagulo rin ang pamilya. My parents underestimated her. Like she was still a kid. Ngunit, malaki na si Ate Fajline at abogado pa!

Kitang-kita ko rin sa mga mata niya ang buong determinasyon niyang maghiganti.

Anger is really a capital sin. Maraming magagawa dahil sa galit.

Ayokong madawit si Tito Domingo, lalo na't wala dapat siyang kinalaman dito.

Wala siyang kinalaman.

Ngunit, huli na yata ako.

Kinaumagahan, mabilis kumalat ang balitang naaresto na si Tito Domingo.

Kahapon, alas onse ng umaga, naaresto si Dr. Domingo de Castro sa salang pagpatay kay Ex-Vice Mayor Simeon Vernan ng Tobias Fornier, Antique siyam na taon nang nakalilipas. Siya ay ang pinsan ni Mayor Lysandro Dilaurentis, kasalukuyang alkalde ng nasabing munisipilidad.

Iyon ang lamang ng balita. At, hindi ako makapaniwala.

Kahapon lang, ako mismo ang naghatid sa kanya sa airport.

Napailing ako sa sarili. Pinisil ko pa magkabila kong braso upang masigurong nasa realidad ako ngayon.

Nanaginip ba ako? Sana.

Napaaray ako at napangiwi nang nakaramdam ako ng sakit. Namula ang aking mga braso. Nagmarka pa nga ang kuko.

Realidad nga ito.

Paano nangyaring nadakip nila si Tito Domingo? I made sure he was able to check-in. Hindi naman kahina-hinala ang paligid kahapon.

Paano?

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon