Kahel na T-Shirt
"Kakausapin ko si Fajline. Tito is innocent. I can atleast ask her for reinvestigation," mungkahi ni Kuya Leander.
Napairap ako sa kanya at napasandal sa bintana ng sasakyan.
"We will have to cooperate, Kuya. Sabay nating kakausapin si Tito. Sabay din nating kakausapin si Ate Fajline," sabi ko. Hindi ko hahayaang madala niya si Kuya sa kung anuman ang plano niya.
Napatingin ako kay Kuya. Ang mga mata niya'y bigong-bigo. Even in his age of twenty-seven, he looked like he's already in his early thirties. The lines on his face was visible. Pressure, fear, anxiety and stress was behind this wrinkles on his face.
Mabuti na lang at nakakatulog pa ako ng mahimbing kahit papaano. We've contacted a lot of news agencies for this. We went to the extent of giving 'donations' just to shut them up nang hindi masira pati pangalan ni Daddy at ang apelyidong Dilaurentis. Hindi rin ako nagpakita sa klase mula kahapon hanggang ngayong araw.
I can miss a day or two. The family has always been a priority.
Wait! Let me reiterate. Family's image has always been a priority.
Nahagip ng tingin ni Kuya Leander aking pagsulyap-sulyap sa kanya. At sa tuwing napapasulyap ako sa kanya at napapairap ako.
"What is it Sera?" He asked in his low voice.
Binuksan ko ang bibig ko upang magsalita. Ngunit, dahil may pag-aalinlangan ako ay isinara ko ulit iyon at umiwas ng tingin.
My brother just groaned with annoyance. "Sera, sabihin mo na."
Hinanap ko sa isipan ko kung saan ko makikita ang tamang mga salita na sasabihin sa kanya. My intentions are pure but the words might not even mean what I want to mean.
"Nakakatulog ka pa ba nang maayos sa gabi?" There! Sinabi ko na!
He tsked and glared at me. Sabi ko na nga ba eh. Iba ang dating 'nun sa kanya!
"May gana ka pa talagang mang-asar, sa mga oras na namomroblema tayo?" Iritado niyang saad.
Pinanlakihan ko siya ng mata at napailing. "I'm merely concerned, Kuya!"
Gusto ko lang talaga malaman kung okay pa ba siya? Kung maayos pa ba siyang nakakatulog kung gabi?
I meant as exactly as the words I've said. No more ambiguous meanings hiding in between words.
"Gusto mo malaman?" Saglit siyang napasulyap sa akin. "Hindi."
Napalunok ako. Hindi ko alam ang susunod na sasabihin sa kanya.
"May mga pagkakataon bang nagsisisi ka, Kuya?" Tanong ko.
Nanatili siyang tahimik. Ang kanyang mga mata'y nasa daan lamang nakatuon ngunit alam kong marami ring gumugulo sa kanyang utak.
Marami ring nakadagan sa kanyang puso.
Patuloy pa ring nakabuntot ang nakaraan sa aming kasalukuyan. All we thought we have left all those problems burried for the past to fossilize yet someone has exhumed it to haunt us in the present.
Or, we never realized that it has been tied to us. Na hanggang ngayon pala ay nakasunod pa rin sa amin.
Para itong isang mahabang kadena. Hinahayaan kaming makagalaw at makapunta sa malayo. Ngunit, kapag masyado na kaming nakalayo at nakalimutan na naming hindi pala kami malaya ay sisimula nito kaming hatakin pabalik.

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...