Chapter 26

167 5 0
                                    

In Hiding

Fifteen thousand?!

Saan ko iyon kukunin? Aanhin ko ang natititirang dalawang libo sa bag ko? Pupunitpunitin hanggang sa maging labing-limang piraso?

"Ma'am?" Rinig kong sinabi nang kabilang linya. Nang marinig ko kung magkano ang DNA Testing, ilang segundo din ako natahimik.

"Ma'am, nand'yan pa po ba kayo?"

I hung the call and grunted. Napasandal ako sa payphone at napabuntong hininga.

Ang tanga mo talaga, Sera! Wala kang alam sa mga bagay-bagay!

Napahilot na lamang ako ng aking sentido.

Kailangan ko muna sigurong maghanap ng matutuluyan tapos mapagtratrabahuhan.

I admit. I don't really know what kind of is there for me but I'll be fine with anything.

Saka, wala rin ako sa tamang kundisyon para makapag-isip ng maayos. For the last 18 hours, I did not get any decent rest. Mula sa halos sampung oras na byahe hanggang sa halos walong oras na paglalakad sa mga eskinita ng syudad!

Ni hindi ko nga alam kung saan magsisimula sa paghahanap ng matutuluyan eh!

I feel so frustrated for myself! Para akong bibeng ligaw na paikot-ikot dito sa Calle Real.

Napapakagat-labi na lamang ako habang pinipigilan ang sarili na mapamura na lamang at magreklamo.

I'm almost stomping my way out of the crowd. Kasing laki na rin ng butil ng mais ang aking pawis dahil sa init ng panahon. I can feel my lips drying up too.

Sinuyod ko lang ang eskinita ng mataong town proper. Naghalo ang mga ingay sa lugar. May mga boses ng naglalako, may mga businang hindi matigil-tigil sa pagtunog dahil sa kupad ng trapiko.

I was so irritated with myself that I was stomping off my feet in the alleyway!

Dahil hindi ko na nakayanan ang ingay ay nagdesisyon akong lumiko sa makitid na daanan. Walang tao doon at mukhang delikado. Wala naman akong nakitang tao kaya hindi naman siguro ako maho-hold up dito.

Alam ko namang paikot-ikot lang ang daraanan dito. It will just lead me to the next street or something, though.

Nagpalusot-lusot ako sa eskinita sa eskinita hanggang napunta ako sa likurang parte na ng syudad kung saan ang daming squatter sa tabing dagat.

I can already feel the breeze from the coast a few meters away travelling through the narrow alleys of an overpopulated baranggay.

It made each strands of my dark hair dance in different directions. Mabuti na nga lang at may kahabaan at kabigatan ang buhok ko kaya hindi ito masyadong nadadala ng hangin. Kung naging maikli at magaan ang buhok, kanina pa yata ako mukhang bruha.

Nevertheless, I let the wind play with my hair.

However, the air was not fresh, mind you!

I could smell the saltwater and algae in the air mixed with smoke or whatever air pollution the city could offer.

Natigil ako nang nakaamoy ako ng masang-sang na amoy. It was the most smelly odor I've smell in the entire time I was walking down the streets.

Dinala ako ng mga paa ko sa isa bang eskinita. Isang liblib at makitid na eskinitang napagitnaan ng dalawang matatayog na gusali.

Ang baho talaga. Kuryoso kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Hinanap ko kung saan nanggaling ang masangsang na amoy na iyon. Baka may patay na daga sa kung saang sulok.

Saktong paglingon ko ay nanlaki agad ang mata ko.

I saw a man approaching me. Pamilyar na pamilyar ang taong iyon. May edad na siya at malaki ang pangangatawan. Nakatingin lang siya sa akin habang mas bumibilis ang kanyang paghakbang palapit.

Shit!

Namumukhaan ko siya. Isa siya sa mga tauhan ng mga Divinagracia.

Cold licked my spine.

Habang hindi pa siya nakakalapit ng husto, kailangan ko na talagang protektahan ang sarili ko. Dulot ng takot, walang anu-anong tumakbo ako sa kabilang direksyon.

"HOY! BUMALIK KA RITO!"

Nang makita niya akong tumakbo ay napatakbo na rin. Ang mga mabibigat niyang mga hakbang ay naririnig ko mula sa likuran ko.

Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit wala din naman iyung silbi sa maliit na eskinitang napagitnaan ng matatayog na building.

Kasing lakas ng pagkabog ng puso ko ang mga yapak ng humahabol sa akin.

Gusto kong lumingon ngunit nanaig ang tako sa kalooban ko. Isa pa, babagal ang takbo ko kung lilingunin ko pa sya. Baka doon pa ako madali.

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo habang yinayakap ang aking shoulder-bag. Ang luha ko naman ay tumutulo na dahil sa takot.

Brace yourself, Sera! You can't just let yourself get caught! Hindi biro yung pinagdaan for the last hours!

Nabuhayan ako ng makitang naabot ko na ang dulo ng ekinita.

Nakita ko ang dami ng taong naroon.

Pagkakataon ko na 'to.

Mas binilisan ko ang takbo at nakipagsiksikan sa hindi-mahulugan ng karayom na merkado.

Nagpaliko-liko at nagpaikot-ikot hangang sa masiguro kong naiwala ko na ang humahabol sa akin.

Hingal na hingal akong napaupo sa isang hagdan. Pinunasan ko ang pawis kong kasing laki ng butil ng mais. Mahigpit ko pa ring hinawakan ang aking shoulder bag. Doon ko lang naramdaman ang panginginig.

My legs were frigging burning!

I let my adrenaline rush subside while my exhaustion is dramatically subsides. Napairap ako sa sarili dahil umiinit na naman ang gilid ng aking mata.

Naghahalo na ang problema at pagod ko. Napatingala na lang ako sa langit, pinipigilan ang pag-iyak.

Compose yourself, Sera! Huwag kang ganito!

Huminga ako ng malalim. Kalma!

Binaba ko ang tingin ko mula sa asul na kalangitan.

Natapat ang tingin ko sa isang gusali sa harap ko.

Isang boarding house.

Ngunit, ang ideyang dumating sa isipan ko ay iba.

I need a place for hiding.

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon