Chapter 5

264 11 2
                                    

Inauthenticity

"Selos ka 'no?" Pang-aasar ni Miguel.

"Ano bang espesyal sa akin na palagi mo akong inaasar, ha?" Tanong ko sa kanya nang walang ano-ano.

Nandito ako lang ako sa kabilang gazebo. Nakaupo sa cleopatra yari sa narra. Nanonood kay Phil at Ate Fajline na nagyayakapan sa sarili naming balkonahe!

Pumunta lang ba sila rito para makipagharutan? Gusto kong mairap!

Ate Fajline is born rich. It's not just her father but also her mother. Her mother's family has the biggest hacienda in Negros.

But, she was born from a family already tainted and entitled shameful.

Ang akala ko pa naman ang tipo ni Phil ay iyung mga conservative, elegante at tinitingala.

I did not really expect that he's more attracted to women who likes to show more of their skin.

I've worked hard for his attention until now. Ate Fajline was a kind person. She was almost a sister to me. But, now, she's... how should I say this? I bit wild, I guess? Masyadong matapang. Prideful.

Something, I'm really not.

"You've been born a normal person, Sera." Miguel snickered. "Atleast, be thankful for that."

I threw him a sharp stare.

Loko-loko! Alam ko namang hindi ako special child!

"Kailan ka seseryoso, Miguel?" Tanong ko. "Kailan ka mapapagod sa pagiging sarkastiko mo?"

"Kung titigil ako sa ugali ko, hindi na ako si Miguel," sabi niya. Napaupo siya sa tabi ko. "I might be as quiet as Phil or as polite as Gab."

"So, kahit hindi na nakakatuwa, ipapatuloy mo pa rin?" Tanong ko ulit.

"Sera, hindi naman ako tulad mo. Nagpapakatotoo lang ako," aniya.

Napaawang ako ng bibig. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Aba! Aba!

Was that an indirect insult?

"Are you saying I'm being fake?" I glared at him.

"You're used to manipulating people's impression of you. I'm not saying you're fake." Napakamot ng batok si Miguel. "Sa tingin ko lang, hindi ka na nagiging totoo."

Now, he's telling me that he doesn't mean to call me fake. He just finds me inauthentic.

Ano'ng pinagkaiba 'nun, aber?

Nagtiim-baga ako at napahalukipkip. Hindi na ako umimik pa. Kaysa sa hayaan ang sarili kong ipakitang kinaiinisan ko siya, minabuti kong huwag na lang pansinin ang presensya niya.

Ngunit, hindi siya tumigil. Ngumisi siya at mas lalo akong inasar.

He nudged at me. "Natahimik ka. Natamaan ka sa sinabi ko?"

Malalim akong napahinga. "I'm sick of you," I said, blandly.

Humalakhak siya. I was hoping I could leave a tiny scratch on his freaking ego but I did not expect it to happen, either.

Maski ako, hindi alam kung ano ang makakasakit sa damdamin ng isang Miguel Alfonso Vernan.

He's not just a bully. Hindi rin siya manhid lang na hindi nakakaramdam.

I've always thought he was born a demon.

Demonyo.

Malayo sa pangalang niyang mula sa arkanghel.

"Alam ko naman kung halos pa lang, isusuka mo na ako, Sera," aniya. "Pero, siguro, may pagkakapareho tayo. Kaya sa huli, tayo pa rin ang magkasama."

Nilingon ko siya at inirapan. Mas lalo lamang lumapad ang ngiti niya.

Siguro, pareho kami. Pinangalanganan akong Serafina. Named after the Seraphs but only acted like one. Truthfully speaking, I can never be like them.

I will admit to myself that I'm a flawed human being.

But, Miguel? Oh my god? He's not even just a flawed human being. He's a devil!

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Nakalagay lang iyon sa gitna namin ni Miguel.

He cocked his brows at me... questioningly.

Hindi ko man pinahalata ngunit naramdaman ko ang pagkalat ng lamig sa aking sistema.

Kukunin ko na sana iyon ngunit nauna iyong kinuha ni Miguel.

"Who's this? Your Boyfriend?" He intrigued.

Minsan nakakabwiset itong si Miguel eh! Ay mali! Palagi pala. Palaging nambibwiset!

Argh!

He shoved my phone on my face para mai-unlock ito. I think I'll stop using the face detection function to unlock my phone next time!

Binasa niya ang message.

The message was from one of our hotel staff in the other resort.

"Natapos ko na po, Ma'am," binasa ni Miguel. Kumunot ang noo niya. "Tapos na ang ano?"

Tila nalaglag ang puso ko. Shit!
Napalunok ako. Kalma, Sera...

Sinigurado kong nakatingin ako direkta sa kanyang mga mata. "It's for the charity, Miguel."

"Charity? May nangyari bang delubyong hindi ko nalalaman na kailangan mong mag-abot ng tulong?" Tanong ni Miguel. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko.

"It's for one of the island barangays we are fostering, Miguel. Doon ko na sa kabilang hotel pinalagay para mas madali sa transportasyon. Mas malapit ang mga sakayan doon,"  paliwanag ko.

Pinanliitan niya ako ng tingin.

Huwag mo akong paniwalaan kung ayaw mo, Miguel. Choice mo iyon!

Hindi naman ako nagsisinungaling. What I said was true... partly.

"Sige," aniya at habang binalik ang phone ko. Napanguso siya. Sa tono ng pananalita niya parang pinapakita niya pa sa aking nahihirapan talaga siyang maniwala. Tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. "Pero, panindigan mo ang sinabi mo, ha."

Napakuyom ako ng panga. He's not buying it!

Agad akong nagreply sa staff namin.

Nakokonsensya ako pero ayaw ko ring madehado ang pamilya ko.

Saglit akong sumulyap sa kaisa-isang Salvani na nasa aming baluarte.

Pasensya na. Mayroon akong pinoprotektahan. If threatening your life will scare you away, why won't I give it a shot?



CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon