Chapter 3

339 10 0
                                    

Expert when It Comes to Faking

"Ate Fajline?" Hindi ako makapaniwala. Bakit siya nandito?

"Nagkausap kami," sabi ni Kuya Leander.

Matalas kong tinitigan ang nakakatanda kong kapatid. "Kinausap ka niya?"

Inangat ni Kuya Leander ang tingin niya sa akin. "Kinausap ko siya."

Mariin akong napapikit at nagtiim-baga. "You could just have avoided her, Kuya! Kung malalaman 'to ng mga magulang natin, pagsasabihan ka talaga."

"I can't help it," Kuya said. "Nag-check in siya sa kabilang resort natin."

Nanlaki ang mata ko. "Sa resort pa natin?"

"Saan sa tingin mo siya tutuloy, Sera?" Tanong ni Kuya. "Ano bang hotel ang hindi nakapangalan sa atin?"

Humalukipkip ako. "Kailan pa?"

Napalunok siya. "Kanina lang."

"Do you think that was just a coincidence?" Tanong ko at pinanliitan siya ng tingin.

Nagkibit-balikat si Kuya. Napaupo ako sa gilid ng kama at umirap. "Alam niyang nandito ka."

"I've had not been using my personal accounts ever since. Kontrolado mo iyon at ni Mommy, hindi ba?"

Napasinghap ako. "Lately, she messaged your account. She asked 'how are you?'"

Kumunot ang noo ni Kuya pero agad din naman itong pinalitan ng tipid na ngiti. "Talaga?"

"Oo. Kaya pinadalhan ko siya ng puting rosas at patay na daga para tumigil na siya," sabi ko.

"Ano'ng ginawa mo, Sera?"

Masyado bang mahaba ang sinabi ko na hindi niya nakuha? Sige! Papasimplehin ko.

"I threatened her," I said, simply.

Ginulo ni Kuya ang buhok niya. "Paano kung malaman niyang sa'yo nanggaling iyon? Hibang ka na ba?"

"Ako? Hibang ako, Kuya? Mas hibang ka dahil naisip mo pang kausapin siya," sagot ko.

"She don't look like she's still into his father's case," ani Kuya.

"But, she is. You're accounts are as dormant as the extinct volcanoes but you're business is a very active one."

Ngumisi si Kuya Leander. "Sa tingin ko, nakakabuti kung kaibiganin natin ulit si Fajline."

"Bibigyan mo siya ng pagkakataong makalapit sa atin? Remember, his father tried to harm our family!" Paalala ko sa kanya.

"The closer she is to us, the more we can see her next move," Kuya Leander said.

"You shouldn't have talked to her out of your own impulse!"

"Save your chastises later. I had invited her for tonight's event," sabi ni Kuya Leander at lumabas ng kwarto ko.

Napairap ako at napabuntong-hininga. My brother's home. Ngunit, sa tuwing umuuwi siya nagkakagulo!

I stomped my way down the stairs that evening. Gusto kong sabihin ang ginawa ng kuya ko pero hindi ako makatyempo.

Kasama namin si Miguel.

"Oh, the Attorney Miguel Vernan is here!" A man at his mid-40 stood in our way down the beach.

"Congressman Ventilacion!" Miguel extended his hand for the congressman.

Bahagyang tinagilid ng congressman ang ulo niya at yumuko bilang pagrespeto sa amin.

"Alkalde Dilaurentis!"

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon