Chapter 25

188 7 1
                                    

No Establish Plans

Nakarating ako sa Iloilo. At kahit papaano, naibsan ang tinik sa lalamunan ko. I transferred from terminal to terminal... clueless... lost...

Napahilot ako ng sentido. Sa sobrang pagkataranta, imbes na papuntang Iloilo ang una kong nasakyang bus tungong Aklan pala iyon. I have to ride another bus from Kalibo to Iloilo.

Almost ten hours in the road... It was damn tiring!

Napahawak ako sa body bag ko, ang tanging dala ko nang umalis ako sa Antique. I have some remaining cash with me but I don't think it can sustain me for long. Mahigpit ko iyong hinawakan.

"Leganes! Leganes kayo d'yan!"

"Jaro! Jaro!"

Mariin akong napapikit. Kanina pa ako nakatayo rito. Saan naman ako didiretso?

Of course, I can't go back to our house in the city! Hindi naman ako tanga para magpahanap pa kay Kuya!

Naghalo-halo na ang ingay. The voices in the area are not even in harmony. Mas lalo lang sumakit ang ulo. Dumagdag ang mga maiingay na barker at busina ng jeep. Pumapatak na ang aking pawis dahil sa init. Halos hindi rin mahulugan ng karayom ang terminal. Halos magkiskisan na ang mga siko sa lugar.

Napakagat ako ng labi.

Was leaving too soon?

I acted on impulse without any definite plan.

Ano na ngayon, Sera?

Pupunta ako sa laboratoryo? Tapos ano, magpapa-test? Tapos ano?

Gusto ko na lang mapairap.

Kahit tirik na tirik ang araw, nakipagsiksikan ako sa gilid ng kalsada para makasakay. Any jeepney will do!

Uh... I think?

Ugh! Naiinis ako sa sarili ko!

May nakita akong jeep na medyo maluwang kaya iyon na lamang ang sinakyan. Importante makaalis sa terminal!

Who knows nasundan pala ako ng mga tauhan ni Mydeva. Who knows they realized I left so soon that they already have the people to look after me?

I can always go back home to our ancestral house. Ngunit, paano naman kung naroon na pala si Kuya–

Napasapo ako ng noo. Hindi ko na alam kung ano ang itatawag ko sa kanya...

Mariin akong napapikit.

You have not proven anything, Sera. Kaya hangga't wala kang napapatunayan, tatawagin mo siyang Kuya Leander.

Should I ask someone for help? Pero sino naman?

Malalim akong huminga. Iniisip ko pa lang parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

Miguel...

Hindi ko alam kung isang maganda iyong ideya.

Ngunit, siya lang sa tingin ko ang madali kong malalapitan. Gusto ko mang itanggi, kahit siya ang pinakahindi ko nakakasundo, siya lang ang pinakamalapit sa akin.

Miguel...

Ngunit, hindi iyon maniniwala sa akin. Hindi iyon agad na maniniwala sa akin.

Miguel has always been skeptic towards me and whenever he doubted me, it felt like he could read me well to know I'm faking!

Ngunit, mababasa niya rin ba kung nagpapakatotoo na ako?

Argh! Serafina! Can't you just decide at this instant? Hindi iyung puro ko Miguel! I can hear my own voice chastising me!

Kung lalapit ako sa kanila, kailangan ko ng pruweba, hindi ba?

Ang tanging pinanghahawakan ko lamang ngayon ay ang hibla ng buhok ni Kuya Leander at Mydeva.

Nakita ko ang pamilyar na building nang makarating ang jeep sa mismong City Proper.

Parang may sariling isip ang paa ko. Nang makita ko ang law firm ng mga Vernan parang gusto ko na lang bumaba.

No, Sera. You just can't do it, now.

Tumigil ang jeep doon ng saglit. Napatingin na lang ako sa modernong disenyo ng firm. It looked so pure and white just like the Vernan's. Labis nilang pinahalagahan ang integridad, katotohanan at hustisya na umabot pa sa pagkawala ni Tito Simeon Vernan.

Bagay din si Ate Fajline na maging parte ng firm nila. Pare-pareho sila mag-isip. Pare-pareho silang may prinsipyo.

However, Ate Fajline's father, Tito Fajardo, did not die as pure as Tito Simeon.

Masyado pa akong bata upang maintindihan ang mga bagay-bagay nang nangyari iyon ngunit hindi ko rin iyon maiwaksi sa utak ko.

Nanatili iyon sa utak ko at habang lumalaki ako, unti-unti ko ring naintindihan.

It has never been a secret from me. Wala silang pakialam kung mabahiran man ang inosente kong utak noon sa mga naririnig ko.

Hindi lang dahil gusto nilang masanay ako sa mga katiwalian nila ngunit dahil inisip nilang hindi ko maiintindihan.

And, the worst choice I made was not choosing to understand...

... dahil ayaw ko ng gulo.

Hinayaan ko na lamang lumagpas ang firm ng mga Vernan sa mga mata ko nang umandar muli ang jeep.

I hated Miguel... I hated Ate Fajline... I learned to hate them all because they're trying to juice out the truth from us.

I hated them because I think it's better if they stop. It's better to let it pass...

... dahil ayaw ko ng gulo.

I never had the courage. I never established my own sets of principles.

At, iniisip ko pa lang iyon, mas lalo kong naramdaman kung gaano ako kawalang-kwenta. I live a life under the shadows of my family without saying anything to correct them.

Mas lalo lang bumigat ang dinadala ko sa puso ko.

I was drowned in my own thoughts. The next thing I knew, I the jeepney is approaching my school.

Paano kung may sumakay na nakikilala ako? Shit! Lagot na!

"Para!" Bulalas ko.

Napatakip ako ng bibig nang tumingin lahat ng pasahero sa akin.

Napalakas yata ang pagpara ko...

"Salamat po," sabi ko at dali-daling bumaba sa jeep. Pumunta ako sa kabilang direksyon. Tinanggal ko ang tali ng aking buhok, umaasa na matatakpan ng mahaba at maitim kong buhok ang aking mukha. Yumuko ako, pilit na iniiwasang makita ng iba ang kabuoan ng mukha ko. Parang akong baliw sinuyod ang kalye na tangin sariling mga paa at daan lamang ang nakikita ko.

Sera, fucking establish your plans, alright?! I thought, frustated with myself.

Fucking. Establish. Your. Plan!

Sorry sa kakuparan ko mag-update!

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon