Bentley.
"Gusto mo magkape?" Tanong sa akin ni Lowella Marqueza.
Tiningnan ko siya ng maigi. This seems very odd. Akala ko ba maldita itong babaeng ito? I don't think someone that should be harsh would offer a coffee to a maid or something?
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Tatango ba ako o hindi? Should I accept it to acknowledge her kindness or should I not to stay in the character I should be playing, right now?
"Hindi ka yata nagkakape," ani Lowella. "Siguro, tsaa na lang?"
"Stop mocking her, Ate," saway ni Astevan Marqueza.
Napairap si Lowella Marqueza. Napatayo siya sa Cleopatra at inayos niya ang kanyang Gucci belt. She flipped her hair and raised a brow at me. "Would you mind if I take you to my house? Mas madali ang trabaho doon kaysa sa trabaho mo sa ancestral house na ito."
"O-okay lang po," sabi ko.
"Good." Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. "Halika na... Ano nga ulit ang pangalan mo?"
Napalunok ako. For some reason, I don't like looking at her eyes while telling my lies. Nangingilatis ang kanyang mga titig. Parang isang pagkakamali ko lang ay malalaman niya agad. Parang, basang-basa niya ako.
"Lysa De--"
"Okay, Lysa," pagputol niya sa akin. "Halika na."
Tumango ako. Napatingin muli ako kay Patpat at Sir Stev. Matipid akong ngumiti sa kanila bilang isang senyales na aalis na ako kasama si Ma'am Lowella.
Sumunod ako sa bago kong ama. Hindi ko alam kung ano talaga ang ugali niya. Sinabi ni Patpat na may pagkamaldita itong si Lowella Marqueza, I think she's just apathetically cold. Hindi naman siya suplada o ano. I don't have any prejudice on her, honestly.
Awtamatikong pumarada ang isang luxury car sa harap namin. I do not often see this car nor am I know about a lot about cars. However, I know this car. Napatingin ako sa hitsura nito na pamilyar na pamilyar sa akin.
Bentley. I know the brand is Bentley.
Bumaba ang driver upang pagbuksan si Ma'am Lowella ng pinto. Ako naman ay hindi nakaalis sa aking kinatatayuan. Ano ba ang dapat kong gawin?
"Get in the car, Lysa," iritadong saad ni Ma'am Lowella. "Sa front seat."
I looked at her and immediately obeyed her orders. Hindi ako sanay na inuutos-utusan lang. Unless, that's my late Mamita, si Mommy o si Daddy. Ngunit, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko dahil ito na ang magiging buhay ko... for the meantime...
Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari, parang hindi malayong ito talaga ang kahihinatnan ko.
Kung nasa facility si Mommy at sina Kuya Leander at Daddy naman ay makukulong, ano'ng mangyayari sa akin? It's not like we have infinite wealth. Palubog ang resort business namin at kapag makakasuhan si Daddy, maaaring mapatungan siya ng kaso sa pangungurakot niya. We'll have to pay for the damage and nothing will be left of me.
Napatingin ako sa front mirror kung saan kitang-kita ko si Ma'am Lowella. She sat with elegance and poise. Her hair is jet black and sleek. Bagsak na bagsak at mahaba ito. She wears a long pencil skirt and corset with a checkered, cropped jacket (obviously from Gucci). I used to wear that too, ngunit hindi na ngayon. She put on a very bold make-up on her face. Her eyeliner lined her eyes like that of a cat and her lips, brick red.
Napayuko na lamang ako.
"Lysa, will you tell me about your family?" Tanong ni Ma'am Lowella.
I felt my heart dropped. My breathing stopped. My brain froze. For a short time, my body was in shock. I felt cold from the tip of my fingers.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...