The Angel and Devil
"Good morning!"
Ang aga-aga pa nandito na ang asungot para sirain ang araw ko.
"Sabado ngayon, Mr. Vernan." Napahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Akala mo naman teacher din."
"You're sweet and gentle when it comes to my brothers. Bakit sa akin, hindi mo magawa?" Tanong niya.
"How could I be nice to my bully, huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa dugo niyo na rin ang impression management, ano?" Sabi niya at may sinabi siyang hindi ko maintindihan.
Liningon ko siya at kinunot ang noo. "Ano?"
Napamulsa si Miguel at napailing. Direkta niya akong tinitigan. Hindi ako kumportable sa mga titig niya kaya bahagya akong umiwas. "Sabihin mo nga. Mas malala ba ang pang-aasar ko sa pagsakit nila ng damdamin mo?"
Nagtiim-baga ako.
"Mas masakit pala ang pambu-bully kaysa sa pamba-basted ha!" Sarkastiko niyang sinaad.
Naku! Ang sarap-sarap batukan ng asungot na ito!
"I shouldn't have listened to you!" I said. Bakit kailangan niya bang ipaalala sa akin iyon? Nakaraan na iyon!
"Kasalanan ko pang binasted ka? Sino ba ang nambasted sa'yo ha?!" Pagsinghal ni Miguel. "Ako?"
"Kung hindi ako nakinig sa'yo, hindi sana ako masasaktan!" Panunumbat ko sa kanya.
"Ikaw may kasalanan ng nangyayari sa'yo, Sera," sagot niya at ginulo ang buhok ko.
Tinapik ko iyon at matalim siyang tiningnan.
"Huwag kang umastang bigo ka sa ginawa ni Gabriel," aniya. "Alam naman natin pride mo lang naman ang nasaktan."
Tinaas ko ang kilay sa kanya.
"You are a daughter of an elite family pero naging kapalit-palit ka," dagdag niya. "Masakit sa pride nang pinagpalit ka sa isang mababa pa sa mid-class na tao, ano?"
"Sige pa! Ipamukha mo pa sa akin," sabi ko at nagtiim-baga.
He suddenly took my duffel bag.
"Miguel, if this is another prank, I swear-!" Sigaw ko sa kanya.
"Don't talk to your school's co-owner like that," aniya. "Saka 'di pa I swear ka d'yan, hindi ka naman marunong magmura."
Nanlaki ang mata ko at napaawang ng bibig. Nakuyom ako ng kamay at pinandilatan siya. "You're a jerk!"
Napatingin siya sa akin. Gumuhit ang nakakasuyang ngiti sa kanyang labi. "Ano sabi mo?"
"Jerk!" Ulit ko kahit hiyang-hiya na ako. Tama siya! Hindi naman talaga ako sanay magmura.
"Ayos ka rin ah," aniya at napahalakhak. "May mas intense pa ba d'yan?"
Grabe siya!
"Halika na!" Aniya at dumiretso sa kotse niyang nakaparada sa harap.
"Saan?"
"Uuwi ka rin, di'ba?" Aniya at napataas ng kilay. Tiningnan niya ako na para ba akong isang tanga. "Sabay na raw tayo sabi ni Tita Alaine."
Tahimik kami buong byahe. I just sat still looking outside. Everything is a blur, though. Thanks to the reckless and fast driver! Hindi ko man lang maee-enjoy ang view sa labas.
"You should be happy," aniya.
Paano ako magiging masaya kung mukha niya lang ang makikita ko? Gusto ko sanang singhalan siya pero minabuti ko na lang na hindi na. Sa halip ay hindi ko siya pinansin.
"Hindi ka ba magiging masaya dahil nakauwi na ang kuya mo?" Tanong niya.
"It's not like I would miss him or something," I said, coldly. I don't know why. But starting that day, I can't help myself but to treat my own brother coldly.
Minsan may mga nangyayari talagang magbubunga nang panlalamig mo sa isang tao.
"Para kang anghel, pero malamig ka naman sa yelo," sabi ni Miguel.
"Huwag mo ngang ipamukha sa aking ako ang pinakamasamang taong nakilala mo, Migz," sabi ko.
Ngumisi siya at mapanuya akong sinulyapan. "Hindi ko naman ipinapamukha eh. Pinapaalala ko lang."
Serafina Lysandra Dilaurentis. I never like my name in the first place.
It sounded so pure and so fake, at the same time. I never think that that name was suited for me.
Dahil isa kaming pamilyang prominente, palagi akong tinuturuang ngumiti, maging pasensyosa, mabait at mapagbigay. I lived with it for how many years? Twenty three years? At habang tumatagal, nararamdaman kong parang ang lahat ng ginagawa ko ay scripted. Dahil iyon ang paulit-ulit kong ginagawa. Dahil iyon ang itinuturo sa aking gagawin.
Marahil tama nga si Miguel. All those lessons did not develop myself. It only thought me to manage myself and manipulate an image that will be most convenient to my family.
Siguro noon... inosente at ignorante ako. Tila isang cherubim na walang alam na kasamaan. I was pampered, close to the religious people in our place and was thought with all those righteous and virtuous life.
Pero, simula nang nangyari ang isang araw na iyon, doon ko rin napagtanto kung gaano kapeke ang pagkatao ko.
What I had experience from Gabriel? Raphael? Miguel? I badly wanted to call them jerks and assholes! Pero may bahagi rin sa aking nagsasabing baka nga deserving ako roon.
Gabriel. I was faking my feelings for him all this time! At, noong lumabas na bumalik pala ang kinabaliwan niyang ex niya, it wasn't my heart that was shattered. It was my ego. Parang pinamukha lang sa aking hindi ako karapatdapat na mahalin.
Raphael. Maybe, he saw through me that I could never pass his standards. Maybe, he did found me too pampered or something.
And, Miguel? I had a lot to owe him. He's my bully but I'm also he's bully. Bukod pa roon, wala naman talaga akong ginawa kung hindi awayin siya. Siya ang taong hindi ko kayang sakyan. I can't apply my impression management on him because he knows how to bring out the worst o me and I hated it.
Plus, I owe the triplets with something actually.
Biglang tumunog ang phone niya. Sinulyapan ko siyang kinuha ang phone niya at may binasa roon. Hindi ko na iyong tiningnan. Hindi ko iyon gawain at hindi rin iyon tama.
"By the way, Phil will be there," Miguel told me that made me shock.
"Stop kidding, I know he's a busy man," I told him.
"I'm not joking. For some reason, he will be there," Miguel smirked.
I stiffened.
Hindi ko na halos makayanan ang isang Vernan, dalawa pa kaya?
"I wish Gabriel can make it there, too," Miguel smirked.
"Para saan pa? Your brother's busy," ani ko.
The car stopped in the midst of a congested road. Mukhang may construction na nagaganap dito.
"Para maalala mo kung paano ka na-reject," pang-aasar niya.
Napairap ako.
This devil...
☕

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...