Marqueza
I secured my face mask as I entered the laboratory. Napatingin ako sa paligid sakaling may nakakakilala sa akin bukod sa taong gusto kong kausapin ngayon.
I refuse to have any interactions to other people for now. I cannot underestimate the influence and power of the Vernans. Gusto ko munang magkaroon ng malinis na ebidensya bago pa nila ako mahanap. Isa pa, ayaw ko ring mahanap ako ng pamilya ko.
Iyon ay kung may pamilya pa ako. Sa tuwing naiisip ko iyon ay napapailing na lamang ako sa aking sarili.
Biglang may tumapik sa balikat ko. Tila biglaang nalaglag ang puso ko pinaghalong takot at pagkataranta.
"Sera, ikaw nga!"
Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng aking dating propesor. Isa sya sa mga naging malapit sa akin at isa pa, hindi rin naman siguro nagkakalayo ang aming edad. Bata pa naman si Ma'am Areno. Nakakasabay pa sya sa henerasyong mas bata sa kanya kaya siguro sya na rin ang isa sa mga naging malapit sa akin.
"Ma'am Areno..." Halos pabulong kong sinambit iyon. Muntikan nang pumiyok ang boses ko. Napayuko at napakagat-labi. Gusto ko na lang umiyak ngayon. Hindi dahil sa lungkot o takot ngunit dahil nakaramdaman ako ng kapanatagan. Nagsilbing anghel para sa akin si Ma'am Areno ngayon.
"Alam mo bang sobra akong nag-alala sa'yo? Lalo na nang sumabog ang balita tungkol sa pamilya mo at bigla ka na lang nawala-- Naku! Sera, bakit hindi ka na pumapasok, ha? Alam mo bang FA ka na?" Sabi sa akin ni Ma'am.
Sa dami nang pangyayari, ni sarili kong kinabukasan at edukasyon, hindi na sumagi sa utak ko. What matters the most is the now.
"Bakit dito mo naisip makipagkita?" Bulong ni Ma'am Areno.
Napalunok ako bago dinukot ang dalawang ziplock sa bag ko. May mga pangalan na ang supot na iyon. Inabot ko iyon kay Ma'am.
"Gusto ko po ipa-DNA test yang mga yan," sabi ko. "Pero ayaw kong mahanap ako ninuman. Ikaw lang ang tinawagan ko, Ma'am. Sana huwag mong banggitin ang tungkol sa akin kaninuman."
Kinuha ko na rin ang sobre na may lamang pera.
"Itago niyo na lang po kung may sobra sa pera," sabi ko.
"Sera, saan ka ngayon nagtatago?" May pag-aaalalang tanong ni Ma'am Areno.
Bakas sa mukha ng aking propesor ang pag-aaalala sa aking kalagayan. Alam kong totoong nagmamalasakit siya sa akin dahil alam kong likas na iyon sa kanya. Ngunit, sa ngayon, gusto ko lang mag-ingat ng husto. Maaasahan si Ma'am Areno ngunit hindi rin malabong madulas ang dila niya at may makalaman pa tungkol sa akin.
Ayaw ko munang umabot kay Miguel o kaninuman. I can't face them, shamelessly.
"Mas mabuti kung huwag ko na po munang sabihin sa inyo," sabi ko at matipid na ngumiti. "Masyadong kumplikado pa ang sitwasyon."
Napatango si Ma'am Areno. "Naiintindihan ko."
Ipinaubaya ko kay Ma'am Areno ang kapiraso ng buhok nina Mydeva at Kuya Leander. Dahil wala naman akong phone, sinabihan ko lang siyang ako na lang ang tatawag sa kanya tuwing linggo upang malaman ang update. Umaasa lang ako ngayon sa payphone.
"Buti, nakabalik ka na!" Bungad sa akin ni Patpat nang may ngiti pagkabalik ko sa boarding house. "Halika na?"
Napatingin ako kay Patpat at napakurap-kurap. Ano'ng pinagsasabi niya?
Huli na rumehistro sa utak ko.
Makikipagkita pala ako sa amo niya upang magtrabaho. Pupunta pala kami sa mga Marqueza.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Magpapalit ka pa ba?" Tanong niya.
Napatingin ako sa aking sarili. Ayos pa naman ang damit ko. Umiling ako. "Hindi na."
"Okay!"
Habang naglalakad kami ni Patpat, tinuro niya sa akin ang mga dapat gawin pagdating doon.
"Alalahanin mo ha, Lysa. Medyo masungit si Ma'am pero ngumiti ka lang habang bumabati sa kanya. Kung ano'ng tanong niya, iyun lang dapat sasagutin mo. Huwag kang masyadong madaldal, mabilis siyang mairita sa mga bungangera."
Hindi naman ako bungangera. Napaisip tuloy ako.
Walang tigil ang bunganga ni Patpat sa pagpapapaalala sa akin ng paulit-ulit. Halos mapuno na tainga ko habang sumasakay kami sa jeep.
"Huwag kang mag-alala, Pat," sabi ko. I smiled reassuringly. "I'll be fine."
Shit, Sera!
"Inglisera ka na ngayon? Sabihin mo nga, mahilig ka sa teledrama, ano? Parati kong naririnig yang linyahan na iyan sa tv eh," sabi ni Patpat.
Napatango na lang ako kahit hindi naman totoo.
"Manong, para!" Ani Patpat.
Tumigil ang jeep sa harap ng isang puting mansion. Purong puting mansion. Naalala ko tuloy ang mansion sa Tobias Fornier.
Kumusta na kaya si Daddy? I badly want to check on him but I have to refrain myself from doing so.
Pumasok kami sa sa malaking gate. Habang naglalakad ay napatingin ako sa malawak na frontyard ng mansion. Pwedeng-pwede na maglaro ng soccer sa lapad nito. Ang aming nilalakaran naman ay napapaligiran ng mga santans na pula at dilaw. Inilibot ko naman ang tingin ko sa disenyo ng mansion na tila mula pa sa kapanahunan ng mga Espanyol. It just looks regal. Sumisigaw ng estado ng pamilya.
"Patpat."
Napatingin ako sa bumungad sa sa double door.
"Sir," bati ni Patpat.
Napatingin ako sa lalake at napatango. Ito yata ang tinutukoy ni Patpat na mabait niyang boss na lalake. Bahagya akong tumango bilang pagrespeto.
"Magandang hapon po," bati ko.
"Hello," aniya. "So, ikaw yung gustong mamasukan sa amin?"
If my judgements won't fail me, I would say he's a nice guy. Isa palakaibigang tao. Ngunit, mas interesado ako sa maldita niyang kapatid.
"Opo, Lysa de Castro po," pagpapakilala ko.
"Astevan Marqueza," sabi ni Sir Stev at pormal na inabot ang kanyang kamay.
Bago ko pa man ako makipagkamay sa kanya ay biglang sumulpot ang babaeng Marqueza.
"I'm taking her in, Stev," she said with authority and coldness.
Napalingon kami lahat sa kanya. She stared back at us icily, sumisigaw ang pride sa tindig niya.
"Oh? Akala ko mag-iinterview ka pa bago mo pag-iisipan kung tatanggapin mo?" May pagtatakang tiningnan ni Sir Stev ang kanyang kapatid. Bahagyang niyang tinagilid ang kanyang ulo at napamulsa.
Pinandilatang siya ng nakakatandang Marqueza. "Shut up, Stev. I have my ways in judging people."
Ibinaling niya ang malalamig niyang titig sa akin. "I'm Lowella Marqueza. Starting today, you'll work for me." She smiled at me, slyly.
She turned on her heel and went back in the mansion.
"Pasensya ka na sa Ate ko. Ganoon talaga iyon... topakin."
"Okay lang po, Sir," sabi ko.
"Naku, good luck na lang sa'yo, Lysa," bulong naman ni Patpat.
☕
Stay safe, y'all!

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...