Sa Tingin Mo
Nagising na lang akong naririnig na ang hampas ng alon.
Nanlalamig ang mukha ko dahil sa simoy ng hangin. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Tila namamanhid dahil sa sobrang pagod.
I felt my heart is still racing.
Kahit gising na gising na ang diwa ko, hindi ko naman maidilat ang mga mata ko. I felt my body got disabled. I felt like my body is too exhausted to obey any command my brain would like to send.
Teka, nasaan ba ako?
Mariin akong napapikit. Maski ang utak ko halos hindi na naiiproproseso ang mga nangyayari.
Napakurap-kurap ako muli. Medyo naninilim pa ang paningin ko. Ngunit, napakapamilyar ng mga nakikita ko. This familiar car scent...
I jerked the moment I felt something on my forehead. It was stinging cold.
"Ano ba?!" Napasigaw ako. Pakiramdam ko tuluyan nang nanigas sa lamig ang bungo ko.
"Oh please, Sera!" I heard his deep baritone voice.
Napatingin ako sa kanya. He looked at me languidly while holding a pack of ice. Mukhang binili niya lang sa isang sari-sari store ang dala niyang ice. He was wearing a blue v-neck shirt at basang-basa pa siya sa pawis. I just realized that I had his jacket for a blanket.
I felt relieved to see him... to know that he is the one who found me.
At, hindi ako magsisinungaling sa sarili ko. I know I felt more than just relief upon seeing him.
Akmang ilalagay niya muli ang yelo sa aking noo. Agad akong umalma. "Miguel, no!"
Sumalpok ang kilay niya at naging iritado. "Can you just stay still like what you did for the past ten hours?" He chastised.
"Ten hours? Masyado ka namang OA!" Mukhang hapon pa naman ah. Sa labas ng sasakyan niya, nakikita ko ang kalangitang pinaghalo ang kulay ng kahel at dilaw. Ito rin ang huling kulay na nakita ko sa kalangitan nang nawalan ako ng malay. "Stop kidding me, Miguel."
"Magdamag kitang binantayan, Sera. Madaling araw na," aniya. "Let me put this ice on your forehead."
He kept on insisting on putting that ice on my forehead while I kept on resisting.
"Please, Sera. Don't make this difficult for me." He sighed, frustrated. "You're burning hot!"
Matapos niyang sabihin iyon, tila may bumisitang anghel sa pagitan namin. Natahimik kaming dalawa. Napataas ako ng kilay habang siya naman ay napaiwas ng tingin. Dahil medyo madilim pa ang kapiligiran I am not quite sure if his ears has turned red.
Napatikhim siya. "Ibig kong sabihin... inaapoy ka sa lagnat."
"You're not doing it correctly, though," I pointed out. "It's too cold."
Tinapunan niya lang ako ng nalilitong mga titig. "Huh?"
"Wala ka bang panyo o tela d'yan? Hindi ba dapat bimpo ang babasain tapos ipupunas sa may sakit?"
Rinig ko ang kaniyang pagsinghap. Binalik niya sa isang supot ang yelo. "Saan ko babasain ang bimpo, Sera? Sa dagat?"
"Nasaan ba tayo?"
"Tobias," aniya.
"Ano?" Nang narinig ko iyon ay nawala lahat ng sakit na dinaramdam ko sa katawan. Napabangon ako. Tiningnan ko ang paligid.
The same coast. The same sea. I am really back in Tobias Fornier.
"You're not safe in Iloilo, Sera."
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...