A Long Time Ago
I can swallow my jealousy and anger as long as I could stay by your side, Sera. Not even the thing of the past can make me hate you.
Halos mabaliw na ako dahil parang sirang plaka ang utak ko. Paulit-ulit na!
Si Miguel? Sa lahat ng ugok at bugok sa mundo, si Miguel talaga?
He was ruthless and he dislikes the likes of me kaya bakit? Paano nangyari?
"Sera?" Kumatok si Kuya Leander sa pinto.
Napabalikwas ako sa kama. Agad kong pinagbuksan ang kapatid ko.
Nang makita ako ni Kuya ay kumunot ang noo niya. Agad niyang inalagay ang likod ng palad niya sa aking noo.
"You're flushing, Sera!" Medyo may pagtataranta sa boses niya. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Tinapik ko ang kamay niya. Napayuko ako. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng init sa mukha at tainga.
Pinandilatan ko si Kuya Leander. "Bakit ba?"
"Baka ngayon na sisentensyahan si Tito." Napatiim-baga si Kuya at napamulsa. "Papunta na sa Hall of Justice sina Mommy at Daddy."
Umikot ako para talikuran siya. "May klase ako," sabi ko.
I don't want to go there. Sasama lang ang pakiramdam ko. Wala akong nagawa para kay Tito Domingo. Kaya, mas lalo lang akong masasaktan kung pupunta ako roon at walang ginagawa kung hindi ang umupo at manood na binibigyang sentensya ang isang inosenteng tao.
"Lumiban ka," sabi niya. "For one last time, please be there. Mas kailangan ni Tito Domingo ngayon ang suporta."
Sumalpok ang kilay ko sa sinabi niya. "Suporta?" Natawa ako ng pasarkastiko. "Ano bang suporta ang ibinigay natin sa kanya? Hindi ba mas hinila natin siya pababa para masalba tayo?"
Kinuyom ni Kuya Leander ang kanyang panga. "Sera, stop acting like a fucking brat!"
"Then, stop being such a coward!" I snapped back. "I'm sick of this, Kuya! Sukang-suka na ako!"
Napalunok siya at malamig akong tingnan. "Hindi kita pipilitin, Sera. But, our parents will be there."
It took me a while to decide. Labag man sa kalooban ko ay sumama ako kay Kuya Leander. Walang espesyal sa hearing. Habang tinatapunan ng tanong ang tiyuhin ko ay wala siyang itinanggi sa mga pang-aakusa.
Napatingin ako kay Ate Fajline sa kabilang sulok ng silid. Ang mga mata niya mapanuri. Buong-buo ang atensyon niya kay Tito Domingo ngunit halata sa mga mata niya ang pagdududa.
Hindi ko alam kung paano tumakbo ang isip ni Ate Fajline. Ngunit, pakiramdam ko ay hindi pa rin siya kumbinsido.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya ngunit hindi niya yata napapansin ang mga tingin ko sa kanya.
Why pursue this case if she's not sure about this? Bakit pilit niya ring sinusuplong si Tito Domingo kung mayroon pa siyang pag-aalinlangan.
Napayuko ako at napailing.
Ang hirap iproseso lahat ng nangyayari. Ang hirap ding paniwalaan!
Tinaas ko muli ang mga tingin kay Ate Fajline ngunit imbes sa kanya pumunta ang titig ko ay napunta iyon kay Miguel.
Nagtagpo ang aming tingin. Nakatingin din ba siya sa akin?
Ang mga mata niya ay tila pinag-aaraalan ako. Ano'ng iniisip niya? Kuryoso akong napatanong sa sarili.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa biglaang pag-amin niya kahapon.
Pero, totoo ba?
I think it is a common knowledge to never trust all of Miguel's words. Lalong-lalo na at hindi mo alam ang takbo ng isip niya o kung ano ang intensyon niya.

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...