Pintig
"We'll have to confront your father about Luiz and your brother," sabi ni Miguel. "Wala ka ba talagang ideya kung nasaan ang tunay mong kapatid mo?"
"He might have died abroad," sabi ko. "Niloko kami ng ama ko at ni Luiz. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula."
"Ano'ng alam mo sa pagkamatay ng ama ko?"
Napalunok ako. "Masyado pa akong bata nang nangyari iyon, Miguel. It was easy to distort my mind with made-up stories. Alam ko lang may sakit si Kuya."
Pinanliitan ako ng mata ni Miguel. Alam kong ngayon pa lang pinagdududahan niya na ako. Ngunit iyon ang katotohanan. Sa tuwing inaalala ko ang mga pangyayari mahigit isang dekada nang nakalilipas, hindi ko alam kung ano ang katotohanan sa gawa-gawa lang. For those years, my parents made me believe in lies.
Takot akong baka ang masabi ko kay Miguel ay gawa-gawang kwento lamang at hindi katotohanan.
"Uhmm..." Napabuntong-hininga ako. Kinalap ko ang mga salitang dapat gamitin at inisip ko pa kung paano ko iyon sasabihin sa kanya. "Alam ko lang ay noong inatake si Kuya Leander, dinala siya sa ospital. Nang sumunod na araw, gusto ko siyang bisitahin pero ikinulong lang ako ni Mommy sa loob ng bahay. Sabi nila, bawal daw ako sa ospital dahil ang bata ko pa raw at madaling madikitan ng anumang nakahahawang sakit."
"Their excuse for not letting you come to the hospital is pretty legit," Miguel commented.
Nagpatuloy ako sa pagkwento. "Naging madalang na rin ang pag-uwi ni Daddy. Halos hindi ko nakikita sa bahay. Palagi ko na lamang naaabutan sila ni Mommy nagbabangayan. Isang araw, may dumating sa bahay. Ang pangalan niya ay Fenrir Alvia."
Napatango si Miguel. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likod at pabalik-balik habang nakikinig sa akin. Alam kong hindi lang siya nakikinig, nag-iisip din siya. Tila sinusubukan niyang ipagtagpi-tagpi ang impormasyon niya at ang sinasalaysay ko sa kanya. "Ano ang ginagawa ni Fenrir Alvia sa bahay niyo?"
"It was business. That's all I know. I couldn't eavesdrop. Dinala siya ni Daddy sa study room," sabi ko. "Nang sumunod na linggo, hindi na umuuwi si Daddy. Tito Simeon and Tito Fajardo came looking for him in the house. Pagkatapos..."
Out of all memories I am holding onto, the most vivid was when everyone was panicking in the house. Matapos ng ilang linggo, nakita ko si Kuya Leander. Ngunit, mas lumala ang kundisyon niya. Nang dinala siya ospital, alam kong hindi na siya nakakatayo. He was in siezure on his own bed. Nang bumalik siya sa bahay, nakita kong mas naging maliksi na siya. Noong una, inakala ko pang inaatake ulit siya nang siezure ngunit napagtanto kong nagwawala pala siya. Masyadong malakas siya kaya kailangan pa siyang igapos. Pinanood ko lang siyang nagwawala habang nakagapos. Tumitirik ang kanyang mata. He was too pale that his dark circles were very evident even though I'm watching far away from him. Saglit ko lang siya nakita at dali-dali na sina Mommy na umalis kasama ang kapatid ko. Si Daddy naman ay nagpaiwan. Anila ay sa ibang bansa nila susubukang pagalingan ang Kuya.
From that moment, I have felt that it was way too late to cure my brother. Ginawa na nilang halimaw ang sarili kong kapatid.
"Sera, ano'ng nangyari pagkatapos?" Bahagya akong niyugyog ni Miguel na siyang nagpabalik ng aking wisyo.
Hindi ko man lang namalayan na nawala ako sa sarili kakaisip ng nangyari noon.
"Sera?"
My eyes landed on his pair of dark orbs. His eyes were full of desire... desire to know the truth.
"Are you okay? If it's too traumatizing, you don't have to tell it now," aniyang may pag-aalala.
Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pagkatapos ng lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomansaAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...
