Fajline is Here
"Serafina," bati sa akin ni Daddy, pagbaba at pagbaba namin sa sasakyan. "Miguel."
Isang beso ang iginawad ko sa aking ama at ina. Habang si Miguel naman ay isang simpleng kamayan ang ibinungad kay Daddy.
"Mabuti at nakadalo ka, Miguel. It will be a big event for Leander," sabi ni Daddy.
Napatingin muna sa Miguel sa paligid. Lahat ng tao ay abalang-abala para sa event sa gabi. Napamulsa si Miguel at napatingin sa aking nakakatandang kapatid.
"Mabuti at naisip niyong buksan muli ang mga resort niyo," sabi ni Miguel. "In no time, this might be the talk of the town once again."
Napatingin ako kay Leander na hindi man lang makatingin sa akin sa mata. Kay Miguel lamang siya nakatingin at matipid na ngumiti. "It's almost nine years, Migz. Simula noong pumunta kami sa States, madalang na ang mga pumupuntang turista hanggang sa isinara na lang namin ang dalawa sa resort namin. Pero, ngayon, gusto kong ibalik lahat sa dati."
"Good luck on that, Leander," sabi ni Miguel.
Tinapik ni Mommy ang balikat ni Kuya Leander. "I'm very proud of our Leander."
Napalunok ako. Hindi man lang sila tumingin ng ganoong katagal sa akin. After what happened to Fajardo Salvani, our family faced threats. Mommy and Kuya fled the country. Habang si Daddy naiwan upang asekasuhin lahat ng negosyo at obligasyon niya sa Tobias. Ako? Iniwan ako ni Mommy rito. I was left in our house where I could barely meet my father. Hanggang sa nagdalaga na lang ako at pinaaral sa syudad ng Iloilo.
My brother is being praised as if he never committed any sin. They're proud of him.
And, I? I was only a back-up. I never did something to ruin our reputation but my parents were never proud of me. Lalo na noong nalaman nila na Social Works ang kursong kinuha ko.
It's a human-oriented course and not that political-oriented one. Much to their disappointment!
Pero si Kuya Leander, he pursued Photography and it's all right!
"How about your brothers?" Tanong ni Daddy kay Miguel.
"Gab is a very busy man. But, Phil said he might be able to make it," sabi ni Miguel.
"Oh, right. Raphael was here the other day and he will come," sabi ni Daddy.
Nakita kong bahagyang nagulat si Miguel sa sinabi ni Daddy. Kahit ako, nagulat nang malamang pumunta siya rito. "My brother was here?" Miguel asked.
"Hindi niya nabanggit sa akin," sabi ni Miguel. "Pero mabuting pupunta siya."
"It is, hijo," ngumiti si Mommy.
"I'm sure you had a very long trip, Miguel. Halika muna sa loob upang makapagpahinga ka naman at makapag-usap din tayo," sabi naman ni Daddy.
"Sera," tawag sa akin ni Mommy.
Nanatili akong nakatayo habang nauna na sina Miguel, Leander at Daddy sa pagpasok sa mansion.
Lumapit siya sa akin at inipit ang magulo kong buhok. "Alam kong pagod ka. Magpahinga ka muna at mamaya siguraduhin mong presentable ka. We will have a lot of guests, later."
"Yes, My," sabi ko.
Nakailang buntong-hininga ako habang nakaupo sa harap ng salamin at sinusuklay ang aking buhok.
Hay, naku, Sera! Atleast, you're mother was able to come up with a nice way to ask you to go to your room!
Tumayo ako at umupo sa harap ng salamin. Napatingin muna ako sa mga gamit sa mesa ko bago kinuha ang aking suklay.
Wala ka namang pakinabang sa usapang politika kaya mas mabuting dito ka na lang muna, sabi ko sa sarili habang sinusuklay ang aking buhok.
Biglang nakarinig ako ng katok.
Napairap ako. It's either Leander, my Dad or my Mom or Miguel!
Kahit sino sa kanila, wala ako sa mood na kumausap sa kanila.
Hindi ko sinagot ang kung sinumang kumatok. Kung magalit sila, magdadahilan lang naman ako. Pwede kong sabihing nakatulog ako, hindi ba?
"Sera?" Alam kong si Leander iyon.
Patuloy lang ako sa pagsuklay ng buhok. Nagbibingi-bingihan sa kanyang pagkatok.
"Sera, alam kong nagbibingi-bingihan ka lang," ani Leander.
Kapatid nga kita. Gawain niya rin eh!
"Sera, bubuksan ko ang pinto," aniya.
Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. The door clicked and I saw him standing through the mirror.
"Sera," sabi ni Leander.
"Hindi kita na-miss," diretsahan kong sinaad.
Napailing siya at isinara ang pinto. If my brother closes the door, it may be something our visitor should not know.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya.
Napatayo ako at humalukipkip. "Ano sa tingin mo?"
Ngumisi si Kuya Leander. "Gabriel's alive. Rinig ko ring pinagpalit ka niya sa ex niyang bumalik sa buhay niya."
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"Hindi ba sumagi sa isip mong sana natuluyan na lang siya, noon?" Tanong niya.
Pinandilatan ko siya. "Kuya?!" Napahalukipkip ako. He's unbelievable!
Napahilig siya sa pader at natawa sa reaksyon ko.
"Shouldn't you feel angry at the Vernans for playing with your feelings? Phil rejected you, pinaasa ka naman ni Gabriel and Miguel? You'd tell me he bullies you."
"I never liked Gabriel the way I liked Raphael, Kuya," I told him. "Alam mo bang naginhawaan ako nang malaman kong hindi niya ako gusto? That means I won't be with him, often! Atleast, I will not keep lying to his face!"
"Hindi ka nagsinungaling, Sera. Wala kang ginawa," sabi ni Kuya.
"But, I never told the truth either," I replied. I pursed my lips before speaking once again. "Hindi na kinakaya ang pananahimik lang tunkol sa aksidente niya halos tatlong taon na ang nakalilipas."
"Listen, Sera!" Hinawakan ako ni Kuya sa magkabilang balikat. "You were in the woods. Malakas ang ulan at hinintay mo iyong tumila bago kaya hindi ka nakauwi agad. Nag-alala ang lahat. Ginamit ni Gabriel and motor niya para hanapin ka pero naaksidente siya. Gabriel could not even remember how that happened so just shut up!"
"Paano naman ang nangyari kay-"
"Don't even drop his name, Sera! I swear-!" Napapikit ako nang makitang inangat niya na ang kamao sa akin.
"Malaking gulo ito kapag sinaktan mo ako. I'm not important but you're image is!" I warned him. Gosh! Parang may karera ang puso ko at hinihingal na ako.
Kinuyom niya ang panga niya at dahan-dahan iyong ibinaba.
Umiwas siya ng tingin sa akin.
Itinago niya ang kanyang kamo sa kanyang bulsa.
"Fajline is here."
☕

BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...