Riprap
Sigawan dito, takbuhan doon.
Dahil sa pagsabog, nag-alsa-balutan na ang mga tao. This is all Luiz's fault. Although, partly, I am the reason for the explosion. Ako ang dahilan kung bakit tuluyang natumba ang nabubulok nang poste.
Heat radiated in my body as I ran faster. I turned a deaf ear around the people crying and screaming.
Ayaw kong magpahuli kay Luiz.
The whole area was in confusion, shock and panic.
Kailangan kong makalabas dito. I dashed for a way out of Rima.
Kailangan kong makatakas. Kailangan kong makatakas. Iyon lamang ang paulit-ulit na nasa utak.
Kung mamamatay man ako, huwag ngayon. Atleast, let me see the Salvani or the Vernans first. Let me give this proof to them.
Sa sobrang yakap ko sa brown envelope, kung saan malalaman ang katotohanan --kung saan matatagpuan ang mga katanungang hindi nasagot-- halos lamukusin ko na ito. Dahil sa ang sikip ng daanan, kailangan ko pang isiksik at itulak ang iba makalabas lang.
All of us in the area are only thinking of our lives, afraid of getting incinerated alive.
Kumakapal na ang usok at halos hindi na ako makahinga dahil doon. Idagdag mo pang hindi na halos mapasukan ng hangin ang lugar dahil bukod doon ay labis ng masikip. Tila hindi na mahulugan ng karayom ang lugar. Halos hindi na nga gumagalaw ang mga tao.
We are all stuck in our places.
Paano ko na makikita si Ate Fajline?
Just like how the small houses of illegal settlers crumbled to ashes, I feel like I am also about to dramatically crumble due to frustration.
Gusto ko na lang mapasinghap ngunit wala namang sapat na hanging pwede singhapin. Mauubo lang ako sa usok.
I raised the brown envelope up to my nose. Hindi na kakayanin ng ilong ko ang pinaghalong amoy ng usok at imburnal. Mahihimatay na lang talaga ako. Basang-basa na rin ang aking damit dahil sa pawis. Ang puso ko naman ay hindi matigil sa pagkalabog. Naninigas na ang dulo ng daliri ko dahil sa lamig na dala ng kaba. Ang mga tuhod ko naman ay nangangatog at gusto ng sumuko.
... and my heel...
I felt it burn against the rough concrete. Ngayon ko lang unti-unting nararamdaman ang hapdi nito dahil sa palpak kong pagbagsak mula sa apartment. Napangiwi na lamang ako. Wala akong ibang pagpipilian ngayong kung hindi ang tiisin na lamang ito.
I'm still stuck in place and this is a hopeless case scenario. Kailangan kong makahanap ng ibang daan.
Pumapait na ang mata ko dahil sa usok. Napakurap-kurap ako habang tinitingnan ang paligid. Good thing I'm tall enough to still see the surrounding.
I looked behind me and I saw the straight path to the bay.
Yes, the bay.
It's hopeless to see a bay as an alternative route other than a stampede path to the city road.
Pero alam kong kahit papaano may daan doon.
Walang pag-aatubili akong tumakbo papunta doon. Malabo na talaga ang paningin ko dahil sinakop na yata ng usok ang buong lugar. Ngunit, kahit pa ganoon, nahahagip pa rin ng mga mata ko ang ibang litong pinapanood na lang ako.
Instead of running away from danger, I was actually running in close proximate to danger.
Wala na akong pakialam kung bobo na ako sa paningin nila. Desperada na talaga ako. Kung mananatili ako roon at mahanap ako ni Luiz, wala na akong takas doon.
Hindi ko alam kung gaano kabilis ang takbo ko ngunit natigil na lamang ako nang naramdaman kong wala nang maaapakan ang isa kong paa. I wobbled backwards to prevent myself from falling. Napatingin ako sa hampas ng maliliit na alon sa riprap.
Mabato... Oo.
Madulas... Oo.
Delikado... Oo.
Pero wala na akong choice!
Dahan-dahan akong bumaba sa riprap. Napangiwi na lang ako nang nakatapak na ako sa bato.
I slowly walked sidewards. Mukha akong alimango na nakadikit sa riprap. Before I take another step, I make sure I'm stepping on a stable rock.
Kailangan kong bilisan!
Nang medyo nasasanay ako sa ganitong paraan ng paglalakad at binibilisan ko na ang kilos ko. Puro gasgas sa binti at braso ang natamo ko dahil sa mga matutulis na batong naroon.
Kanina pa ako nakatamo ng samu't saring sakit, nasanay na yata ang katawan. Idagdag pang mas nananaig ang takot at kaba ko kaysa sa sarili ko. I only have one hand to hold onto something whenever I am about to go off-balance. Ang isa ko namang kamay at nakahawak sa envelop at pinanatili itong nakaangat dahil baka matalsikan ng tubig-dagat.
Kung kanina, singlaki lang ng butil ng mais ang pawis ko, ngayon, hindi na matigil ang pagpatak. Idagdag pang walang humpay din ang paghampas ng alon sa bandang tulatod ko.
It felt like I was doing it forever but I was immediately relieved when I reached the end of it, when I finally had my way up.
Napadpad ako sa katabing baranggay ng Rima. Walang katao-tao roon dahil siguro lahat ay tumakbo na sa mas ligtas na lugar. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ko at kinakaya ko pang tumakbo palabas doon.
I reached the road. Doon na ako lubos na naginhawaan.
Ligtas na ako sa sunog. Malayo na ako kay Luiz.
I walked a slower pace. Sa bawat hakbang ko ay ang mabibigat kong paghinga.
Sumasakit ang bawat parte ng katawan ko. Ang tyan ko naman ay umuungol at nanlalamig. Gusto kong masuka pero wala naman akong maisusuka kung hindi hangin.
Pagod... Gutom... Lamig... Iyon lang ang naramdaman ko.
Kailangan kong makita si Ate Fajline.
At kung saan nakaramdam ako ng kaligtasan, nandoon pala nakaabang ang panganib.
I felt someone blocked my way and pulled my arms. I wasn't able to counter or runaway.
Nawalan na lang ako ng malay.
☕
Tapos na Miss U, hindi pa tapos Cutthroat lol!
Hope you enjoy this Chap. Ano sa tingin niyo sunod na mangyayari?
Read | Vote | Comment | Share
![](https://img.wattpad.com/cover/184400226-288-k688374.jpg)
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...