Masyadong Delikado
Nang makarating kami sa mansion ay nagtaka akong bukas ang gate namin.
"Bukas ang gate," puna ko.
"Maybe, Mommy invited guests over," sabi naman ni Kuya Leander.
"And the doors of the mansion were closed?" Bahagya kong itinagilid ang ulo. "Akala ko ba tayo-tayo lang. Kung ganoon, bakit mukhang wala naman dito ang mga kasambahay?"
Nagkibit-balikat lang si Kuya. "Hindi ko alam."
Nakakapagtaka!
Kuya Leander parked his car and we both went down. Habang si Kuya Leander ay abala pa sa sasakyan niya ay dali-dali akong pumasok sa bahay.
Bakit hindi maganda ang kutob ko? Bumilis ang pintig ng puso ko at saka bumigat ang pakiramdam kong tila may nakadagan dito.
Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang basag na bote sa sahig. Ang mga muwebles ay basag, kung hindi basag ay nakakalat sa sahig.
Isa sa mga vase ay natumba rin at ang mga puting rosas na nakalagay roon ay nahulog sa sahig na rin.
Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ni Mommy at Daddy. Naabutan kong nakatiwangwang ang pinto nito.
"Daddy! Mommy!" Tawag ko. Jusko, ano ba ang nangyayari?
Pumasok ako sa kanilang kwarto. Nakita ko roon si Daddy. He looked very tired as if he hadn't had enough rest. Ang kanyang mga mata ay maga at pula. Mukhang hindi pa nga siya nakabihis. Tila nadagdagan din ang linya at kulubot sa kanyang mukha.
Nakaupo siya sa paanan ng kama habang ginugulo ang buhok.
"Dad!" Agad akong pumunta sa tabi niya at yinakap siya. "Ano ba ang nangyayari?"
"Dad?" Sumunod na rin si Kuya Leander. Halata ring nataranta siya.
Our house was wreck in havoc! Sino ang hindi agad matataranta nang makita ito?
"Si Mommy, nasaan?" Tanong ni Kuya.
"Inaresto," sabi ni Daddy.
Nagkatinginan kami ni Kuya Leander. Hindi ko mapigilang hindi pandilatan ang kapatid ko.
It's all his fault!
Nanlaki ang mga mata ni Kuya. "Bakit?"
"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" Sabi ko. Nasa kulungan na pala ang ina ko bakit ganoon?
"They think Alaine has also something to do with this," Daddy told us.
"Bakit pa?" Sabi ni Kuya. "Pinatunayan na nilang may sala si Tito. Bakit pati si Mommy dinamay?"
Hindi na ako makakapagtimpi. Napatayo ako at direktang tiningnan si Kuya sa mata.
"We all know what they want. Kung pwedeng ipasuka nila ang katotohanan, gagawin nila!" I growled. Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang galit. Sumakit at halos mabiyak ang ulo ko nang sumalta ang dugo ko.
"Sera's right, Leander," sabi ni Daddy. "Kahit si Alaine dadamayin at dadamayin nila para lumabas ang katotohanan."
"Makatarungan pa ba iyon?" Bulalas ni Kuya. "Nandadamay na sila!"
Bakit naging makatarungan ba kami sa kanila? I think this is the karma of everything my family did.
"If you'd only stop immersing yourself with your own version of truth, this would have not happen," I hissed at my brother.
"Sera." Daddy looked at me warningly.
Napaiwas ako ng tingin.
"Gusto kong tumulak na kayo palabas ng bansa. I want the both of you away from the Philippines's jurisdiction," sabi ni Daddy.
"Hindi..." Umiling ako. "Paano si Mommy?"
"Walang mangyayari kay Mommy mo dahil wala siyang ginawa. She never laid a finger on the crime," my father assured.
"Ayaw ko," pagproprotesta ko. Hindi ako basta-bastang aalis na nagkakaganito ang pamilya ko. "Paano naman ang pag-aaral ko?"
"You can study abroad, Sera!" Kuya Leander groaned in frustration.
"Regarding your study, I think it's better if you just stay away from the Vernans," sabi ni Daddy.
Ayaw ko pa rin.
"Sera..." My father cupped my cheeks. Umiiyak na ako dahil labag sa kalooban ko ang pinagagawa niya sa amin. "Susunod kami ni Mommy mo. Your mother will prove her innocence first tapos susunod na kami sa U.S."
"How about your work?"
"I'll step down," my father said without any hesitation.
"Pero... Dad!" Napapailing ako. "Kuya can go first. I'm staying with you!"
"Ayaw kong pati ikaw madadamay lalo na't nagawa nilang idawit ang ina niyo," sabi ni Daddy. "And, letting Miguel Vernan stick around you is very dangerous."
Hindi ako makapagsalita.
"Mag-impake na kayo. Leave the country as soon as you can," sabi ni Daddy.
My father has a point. I need to be far away because I might get myself involve in the situation.
Delikadong malapit ako kay Miguel.
Masyadong delikado.
☕
BINABASA MO ANG
Cutthroat
RomanceAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...