Chapter 12

193 9 1
                                    

Coffee

"Sera..." Tawag ni Kuya na nagpabalik sa akin sa sariling ulirat. "You're not touching your french toast. Male-late ka sa klase mo."

Napabuntong-hininga ako. "You look like you're in a hurry, today."

"I have to meet clients, Sera," he answered, grimly.

"Kliyente lang ba? Have you attempted to meet with your first love, Kuya?" I said as I sip my tea.

I have nothing to accuse him that. Sadyang malakas lang kutob ko.

Natigil siya sa pagkain at malamig akong tinitigan. "Ano'ng pinagsasabi mo, Sera?"

Napanguso ako. "Sabihin nating nagpunta ka sa doctor mo noong isang araw. Let's say, you met with your doctor for an hour or who-knows-how-long." I shrugged. "Saan ka naman nagpunta matapos 'nun? Kay Ate Fajline?"

I know my big brother. Behind his friendly smiles and tender eyes, he can be secretive.

Hindi lang siya masikreto. Marunong din siyang magsinungaling. Ngunit, hindi ganoon kagaling.

"I met with her." He admitted and went back to eating.

Napataas ako ng kilay. Hindi niya man lang sinubukang itanggi iyon. "Para saan pa?"

"Ano naman sa'yo?" Pagsusungit niya.

"Para saan pa, Kuya?" Pag-uulit ko. Sa kalagitnaan pa talaga ng kaso ni Tito Domingo?

"Bakit gusto mo pang makipagkita sa kanya?" Iritado kong tanong. That woman is a dangerous woman.

Hindi siya sumagot. Umiba ang awra niya. Nagmukha lang siyang may tinatago.

"Kuya!" Tumaas ang tono ng boses ko. I am demanding an answer. At, nakakairita dahil hindi niya mabigay-bigay!

"Bakit nga ba ako makikipagkita kay Fajline kung hindi ko siya gustong makita?" Sagot niya at napataas na rin ng boses.

Nanlaki ang mga mata ko sa naging reaksyon niya. At, bumilis ang tibok ng puso ko sa kanya.

Ilang taon nga ulit kami ni Kuya nagkasama ng ganito katagal sa isang bahay? Halos siyam na taon? Ngayon lang kami nagtagal ulit sa isang bubong ng ganito.

Alam ko namang maraming naging pagbabago sa aming dalawa. I grew apart from him. Kapatid ko siya. Kadugo kami. Ngunit, kahit makaramdam ka siguro ng lukso ng dugo, hindi mo lubusang makikilala ang isang tao hangga't hindi mo siya kasama sa isang bubong.

And, everytime, I talked about the past he burst out. Everytime, I question him, he terminates our discourse. Everytime I try to bring out  the name of Salvani, he shuts me down with his unmanageable temper.

Kumuyom ang kamay ko sa kamao. "Bakit pa? Alam mo–"

"May ginawa man tayong mali o wala, ano'ng magagawa ng pag-iwas nang iwas sa isang Salvani? Nangyari ang dapat mangyari? Ano ba ang magagawa natin?" Sabi niya. "Kung tutuusin, tayo ang may atraso? Pero kung makaasta ka, parang ikaw ang naagrabyado?"

Natahimik ako. Kinuha ko ang kubyertos ko at nagpatuloy sa pagkain. Oo nga. Bakit sa akin, may issue pa? Why does her name leaves a bitter taste on my tongue? Why does her presence burn something inside me?

"Could it be..." Kuya sniggered. "Could it be because Raphael Vernan is crazy in-love with her?"

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "It was years ago, Kuya. It was years ago."

Limang taon nang nakalipas nang ni-reject ako ni Phil. Apat na taon na ang nakalipas nang inamin naman ni Gabriel na hindi talaga ako ang gusto niya.

Kaya bakit ba paulit-ulit itong si Kuya Leander at Miguel? Ilang taon na iyon. Por dios! Hindi na lang ba nila pwedeng iwaksi iyon sa utak nila?

"Hindi lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo, Sera," aniya. He's countenance changed. Now, he's smirking. "Tingnan mo ako."

Alam ko namang hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo. Hindi niya ako kailangang pangaralan. Hindi na ako batang nasa elementarya. Nasa kolehiyo na ako. Pinandilatan ko si Kuya Leander.

"Pareho lang tayo, Sera," matama niyang sinaad. "Hindi ko nakuha si Fajline. Hindi mo nakuha si Raphael Vernan. Ngunit, may ginagawa ako. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo?"

Umirap ako. "Can you just—"

"You're only a whining," he pointed out.

I felt something prick me somewhere. Sa unang mga segundo, hindi ko mawari kung ano'ng klaseng sakit iyon o saan ako nasaktan sa binitawan niyang salita. Sa huli, napagtanto kong iyon ay ang pagkatao ko... ang ego ko.

Ngayon, ang hirap ng lunukin ang tinapay!

Tama nga si Kuya Leander.

All I did was whine and wonder, why can't Raphael look at me more than just a little sister?

"While I'm trying to pursue Fajline. What are you doing to get that young Vernan, huh?" He raised his brows.

Binaba ko ang kutsara't tinidor ko. I almost fell to that.

"Stop using my feelings to manipulate my mind, Kuya. Simply changing the topic won't be effective," I told her. "Sagutin mo ako–"

"I think I answered your question before we opened up this subject, sister," he cutted me off. I watched him lift his cup of coffee.

He sipped his coffee.

"You can brew a coffee, nicely," he commented while I was fuming mad at him! Nagtiim ako ng baga. Kailangang pigilan ko ang aking sarili.

Napatikhim siya at umiba ang kanyang ekspresyon. Alam ko kaagad na seryoso ang mga susunod niya sasabihin.

"One more thing, Sera," he said. "I'm planning to..."

Alam ko ang susunod niyang sasabihin kaya agad ko na itong pinutol.

"No." I don't want him to say it.

Dammit!

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon