Chapter 22

200 6 1
                                    

Nalilito

Parang babaliwin talaga ako ng mga pangyayari.

Pagulong-gulong ako sa kama, hindi makapag-isip ng maayos. Pinagtatagpi-tagpi ko ang mga pangyayari at ang mga posibleng mangyari.

In the end, it just don't make any sense at all!

Binigyan ko nang malisya ang pagiging malapit ni Leander at Mydeva sa isa't isa. Natuklasan ko na lang na ina't anak na pala ang turingan nila.

It just felt off. Mas ina niya pa kung ituring si Mydeva kaysa kay Mommy. Hindi niya lang alam ngunit inoobserbahan ko ang bawat galaw niya.

Kuya Leander...

Mariin akong napapikit.

Dalawang taong nakalilipas gumaling siya. Ngunit, noong may sakit siya, he was so skinny and all. He would spiral down causing all of us to panic and worry.

Lahat para sa kanya ay sinubukan ni Mommy at Daddy. Ilegal man o legal, basta mapagaling siya, ginawa nila mo. Ako naman kinukunsinti ang bawat desisyon nila. Pinapasalamatan ko kung tama ang kanilang desisyon. Nagbubulag-bulagan naman kapag mali.

They love my brother more than me. They cared for my brother more than me. I understand why and that's because he needed it. Kailangan niya kaya inintindi ko. Pinalawak ko ang isipan ko at linaliman ko ang pag-uunawa ko.

Kahit mali sa pananaw ko, iniintindi ko pa rin. Sometimes, emotions gets uncontrollable. You would lose sight to what is right and wrong.

"Sera, ano bang iniisip mo?" Halos tumalon ako sa gulat. Ang pagala-gala kong isipan ay tila bumalik sa katawan ko.

Napatingin ako sa kanya.

Mydeva

Minsan, may mga tao talagang kahit wala pang ginagawang masama, pinapainit na ang ulo mo. At, nand'yan ka nakaabang sa maaaring masamang gawin niya.

Iyon ang ang nararamdaman ko sa babaeng ito!

She did nothing wrong to me. It just felt like her good acts are like poison that can kill me... her words like temptations that intends to manipulate me.

Mydeva stood just a meter beside me. She clasped her hands together and smiled. "You're staring at my son's portrait for too long."

Napayuko ako sa hiya. Baka kung ano na ang isipin niya tungkol sa akin!

To be honest, I did not even know that my eyes were directed to that large portrait!

"I knew him... atleast I'm familiar with him. I was too young. I just barely remembered his face," I said.

Kung titingnan ang mukha ni Luiz Divinagracia, may pagkakahawig sila ni Kuya Leander. Bahagyang maputi siya kumpara kay Kuya at mas matipuno, siguro, noong kinunan ito.

Napatikhim si Mydeva. "Is that it?"

Tumaas ang kanyang kilay.

Does she think I have other thoughts in mind?

Of course, I have!

Siguro ito na rin ang tamang tyempo para itanong sa kanya ito.

"With all honestly, I'm wondering," I started. "Nagtataka lang ako kung ano siya sa personal."

"He's a kind man and a bit adventurous," she replied and smiled. "Palagi siyang may peklat, gasgas at minsan naman nababalian. He likes to try extreme things."

Kita ko ngang may peklat siya sa leeg niya. Hindi lubusang natago ng kanyang bahagyang mahabang buhok.

Nilingon siya. "Parang si Kuya Leander ngayon?"

CutthroatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon