Strands
Iniisip ko ngayon si Mommy at Daddy. Kumusta na kaya sila? Hanggang ngayon hindi ko na alam kung paano na sila. Wala akong natanggap na tawag sa kanila. Hindi ko rin sila matawagan.
Salamat kay Kuya! He brought us to a a very isolated place with only nature to interact with!
At, sa tuwing sinusubukan kong tumawag sa mga magulang namin, palagi niya naman akong pinipigilan.
"Sera, ano 'yan?" Bigla lang siyang pumasok sa kwarto ko. Hindi niya man lang rinispeto ang privacy ko!
"Tatawag sa mga magulang natin," sabi ko.
Bigla niyang hinablot ang phone ko. "Alam mo bang kapag tumawag ka sa kanila, baka masundan tayo rito? Utak naman, Sera!"
I gasped when he said that. "Hindi ko naman sasabihin ang kalokohan mo sa kanila kaya pwede ba? Ano bang ikinatatakot mo? If you're scared of being traced then buy me a new sim card!"
Mariin siyang pumikit. Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.
Kinuha niya ang sim card ko saka hinati sa gitna.
"Kuya!" Protesta ko.
Ang phone ko naman? Tinapon niya sa bintana.
Wala akong nagawa. Sinubukan kong masalo iyon ngunit nadulas lamang ito sa aking daliri. Nang bumagsak sa mula sa ikalawang palapag, wasak na ang phone ko.
Kinuyom ko ang aking kamao. "Kuya!" Angil ko. "Bakit mo ginawa iyon?!"
"Security purposes, Sera," he responded tiredly and left.
Tapos nandito naman si Kuya Leander nakikipaglokohan sa akin. Kinuntsaba pa si Mydeva!
Parang masisira ang bait ko nito eh!
Dapat ba mas lalo kong sinaktan ang damdamin nilang dalawa kanina? Dapat ba minura ko silang minura? Baka kulang pa ang ginawa ko dahil hindi ko sila napaamin?
Bumalik ako sa likod ng bahay kung daan ako namalagi at narinig ko si Kuya tumatawag kay Mommy.
Kailangan kong mag-isip. Tumayo ako sa damuhan at tinatanaw ang bundok ng Madja-as. Sa sobrang taas nito, hinahalikan na nito ang ulap. It was stretching itself upwards higher and higher. Berdeng-berde pa ito. Narinig ko ring may nakakubling mga talon doon.
Napabuntong-hininga ako. Naging madali siguro ang buhay kung naging isang bundok na lang ako o isang ulap.
Napanguso ako. Walang kakwentang-kwentang bagay na ang iniisip ko. Kaunti na lang baka magiging baliw na ako.
Pagtatawanan ako ni Miguel panigurado!
I could still remember his snicker and smirk.
Napailing ako. Bakit ba iniisip ko siya? Sa lahat ng oras, bakit ngayon pa siya dumaan sa utak ko?
May ideyang biglang pumasok sa utak ko.
Paano kung tawagan ko siya?
Shit! Naalala ko! Tinapon pala ni Kuya ang sim card ko! Kahit nandito pa ang number ni Miguel, hindi ko rin naman siya matatawagan.
Internet? Hindi ko nga alam kung mayroon dito eh!
Gusto kong mapairap!
Isa pa, bakit ko naman tatawagan si Miguel? Ano'ng sasabihin ko? Na may Medical Record si Mommy sa isang Psychiatrist? Na nandito kami sa mga Divinagracia?
BINABASA MO ANG
Cutthroat
عاطفيةAn Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya... nasaksihan niya lahat ng nangyayari at pasikotsikot sa politika sa murang edad. She learned how...
