Her Letter

484 18 6
                                    

Loving you was the best, but losing you is the worst.

"Magandang umaga, kuya pogi!" Bati sa akin ng isang waitress bago niya ilapag ang order kong lomi. Tumingin lang ako sa kaniya bago ko tignan ang lomi na kakainin ko.

"Kuya pogi. Psst." pag tawag na naman niya sakin kaya napa kunot noo ako. Tinignan ko siya pero naka ngiti lang sya sakin.

"Kuya, picture tayo?" sabi niya bago kunin ang phone nya sa kaniyang pocket. Naiiling na lang ako at iniwasan ko siya. Ang kulit kulit naman kasi. Hindi ako maka kain ng maayos dahil sa kaniya.

"Ang sungit naman nito talaga. Pag nag pa picture ka sakin, titigilan na kita." umupo siya sa tabi ko bago niya iready ang camera.

Tumitig pa siya sakin bago siya tumawa, "ito naman. Alam kong maganda ako. Pero tumingin ka muna sa camera ha? Dali na kuya crush."

Tsk. Marami pa akong gagawin. Ito namang babaeng to, masyadong istorbo.

"Sige na. Sige na." Saad ko at humarap na ko sa kaniyang camera. Nakita ko naman ang ngiti niya na siguro kinikilig dahil sa akin. Napilitan akong ngumiti sa picture na yon.

"Bbye kuya. Bukas ulit. See you!"

Tumakbo na siya papasok ng kitchen, nabunggo pa nga yung isang waitress. Ayun, natapon tuloy yung lomi. Nakagalitan pa siya. Tinignan ko siya, nakatingin naman siya sakin pero pinilit pa rin niyang ngumiti. Nasaktan siguro sa init ng lomi na yon.


Papunta ako ngayon sa trabaho ko, nakasakay ako ng LRT ng may babaeng yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Hi kuya." nilingon ko ang babae at siya na naman?

"ikaw na naman? Lagi mo na lang akong sinusundan." saad ko.

Araw araw ko siyang nakikita kung nasaan ako. Iniistalk na nga yata ako, nakakatakot na rin minsan itong babaeng to.

Minsan nag basketball ako kasama mga kaibigan ko, nandoon din siya. Sumisigaw at chine-cheer pa ako. Yung mga kaibigan ko, inaasar na rin ako. Girlfriend ko daw ang babaeng to.

Minsan naman, pumunta ako ng clinic kase mag papa check up ako. Medyo may ubo ubo pa ako noon dahil sa nilagnat ako, trangkaso. Nakita ko na lang sya yung assistant ng doctor doon. Muntik na akong umatras dahil mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.

Noong nakaraan lang, nag punta akong bar para mag inom. Pero siya na naman yung waitress doon, nag serve pa sa akin ng alak. Muntik na naman siyang mapa away, pinipilit kasi siya nung lalaki na i-table siya. Tinulungan ko pa tuloy siya. Sinusungitan ko siya pero alam ko naman na rumespeto ng babae. Ayaw kong may nababastos na mga babae.

Sa bawat pag kikita namin.. hindi! Sa bawat pag sunod niya sa akin, humihingi siya ng picture ko. Pinipicturan nya ako o kaya dalawa kaming magkasama sa isang picture.

"Ayaw kase kitang mawala sa paningin ko." ngumiti siya sakin at mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

Inaalis ko naman ang yakap niya gamit ang isa kong kamay. Pag hinto ng LRT para may bumaba, mas lalo naman siyang nadikit sa akin dahil sa impact. Nahalikan na niya ako sa pisngi.

Kitang kita ko kung paano mag blush yung mukha nya. Nag iwas tuloy sya ng tingin sa akin.  Tinago ko yung ngiti na dapat susupil sa labi ko. Ayoko ngang ngumiti, baka masanay sya tapos lalo na akong ayaw layuan nito.

"Mmm.. ano, pwedeng ano.." nahihiya pa rin siya sakin at di siya makatingin ng diretso. Kinuha ko na mismo sa kaniya ang phone niya at tinapat ko na sa aming dalawa.

"Picture na tayo." sabi ko. Inakbayan ko na siya at mas dinikit ko ang sarili ko sa kaniya.

Ngumiti ako sa picture na yon. Isang totoong ngiti na dapat kanina ko pa ipapakita sa kaniya.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon