He Fell Harder

160 13 11
                                    

Napatingin ako sa taas ng pader na pinapaligiran ang isang bahay na malaki. Hindi ko akalain na ngayong young adult na ako, nandito pa rin kami nakatira ng nanay ko. 20 years old na ako ngayon. Hindi naman kasi sa amin ito, dito lang nag trabaho ang nanay ko para pang tustos sa pangangailangan naming dalawa.

Pumasok na rin ako sa gate at tinungo ko ang kwarto namin ng nanay ko.

Wala na akong ama. Namatay sya noong tatlong taon pa lamang ako. Dahil sa wala kaming pang pagamot, hindi na sya naibalik pa sa hospital.

Limang taon ako noong nag trabaho dito si nanay. Masasabi kong maayos makitungo sa amin ang naging amo namin. Sina sir Tonton at ma'am Mylene.

Sila din ang nag offer na paaralin ako. Noong una, tumanggi pa ang nanay ko dahil nahihiya sya pero sabi nila, tulong na nila yun sa akin. Kumbaga scholar nila ako. Sadyang mayaman at mababait silang mag asawa. Isang mayor si sir Tonton at si ma'am Mylene naman ay isang architect.

Pero kung ano ang kinabait nilang mag asawa, di ko alam kung saan binili ng anak nila ang kahambugan nito. Nag iisang anak lamang sya.

Hindi naman sya ganito dati noong mga bata pa kami pero nagbago sya noong naging teenager na kami.

Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko doon si vhong na kumakain ng cupcakes.

"Vhong!" Pagtawag ko sa kanya at lumapit ako. Tumango lang naman sya sa akin at muli na syang kumain.

"Hindi ka sumabay sa akin pauwi?" Tanong ko sa kanya. Tinignan lamang nya ako at umiling sya. "May pinuntahan pa ako."

Kung dati, kahit na sunduin sya gamit ang sasakyan nila mas gusto nya akong kasabay maglakad. O kaya naman kapag tinatamad sya, ako ang pipilitin syang sumakay sa sasakyan nila.

"Nakagawa ka na ba ng projects?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko pa humaba ang pag uusap naming dalawa.

"Hindi pa. Kailan ba ipapasa yon?" tanging tanong nya sa akin.

"Sa Monday na. Gagawa ako mamaya, sasabay ka ba? Magpuyat tayong dalawa para tapusin yon?" Pag aalok ko. Nakakatamad din kasi na gumawa ng project mag isa.

Isa pa, nasanay ako na kasama sya.

"Hindi na, vice. Ako na sa project ko. Thanks." Tumayo na sya mula sa pagkakaupo at umalis na sa dining.

Para akong nawalan ng kaibigan.

"Sino ka? Bakit ka nandito sa bahay ko ha?" Sabi niya sa akin habang nakatitig at may hawak pa syang baril- barilan.

"Anak ako ng isang kasambahay nyo. Ako si vice, ikaw anong pangalan mo?" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at inabot naman din nya yon.

"Ako si vhong. Naglalaro ka ba nito?" Pinakita nya sa akin ang hawak nyang laruang baril. Umiling ako sa kanya at bahagya akong ngumiti.

"Bakit? Pang boy kaya to! Dali, kunwari ikaw yung magnanakaw tapos ako yung pulis!" Sabi niya sa akin. Gusto ko magalit kasi bakit naman magnanakaw ang role ko? Pwede namang secretary na lang ng isang pulis?!

"Hindi yan ang gusto kong nilalaro eh. Mermaid o kaya barbie. Wala ka ba noon?" Pagtatanong ko ulit sa kanya. Humagalpak sya ng tawa sa akin kaya naman napasimangot ako.

"Are you gayyyy?" Nagpipigil syang tawa habang sinasabi niya yun. Gusto ko na maiyak habang nakatitig sa kanya pero agad syang lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko.

" I was just joking. Ang cute mo naman, vice. We can be friends by the way." Ngumiti pa sya ng sinsero sa akin at hinawakan ako sa braso bago niya ako inaya na maglaro sa hardin nila.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon