The Nightmare

224 15 2
                                    

Nandito ako sa bahay at hinihintay ko lang ang pagdating ni vhong. Aalis kasi ako ngayong gabi dahil may pupuntahan pa ako na party kasama ko ang mga bakla. Birthday kasi ni Chad, ininvite nya ako tska ang ibang beks squad. Syempre susuportahan ko ang friend ko na yun no. Lagi rin naman siya naka suporta sa akin. Isa pa para makapag bonding na rin kaming mga bakla.

"Mine," napalingon ako sa tumawag sa akin at si vhong yun. Kadarating lamang nya.

"Mine!" Yumakap ako sa kaniya bago ko sya halikan sa labi. Smack lang naman.

"Ayos na ayos ka ha, saan ka pupunta?" Nakangiti niyang tanong bago pa ako hapitin at mas idikit sa kanya.

"Sa party ni Chad kasama ibang beks squad. Diba naipaalam ko na sayo yun?" Sabi ko sa kaniya habang sumusunod sa kaniya sa kwarto.

"Oo nga pala no. Muntik ko na makalimutan. Sige mine punta ka na. Basta imessage or call mo lang ako kapag pauwi ka na ha? Iuupdate mo ko." Vhong. Tumango ako sa kaniya at muli ako nag smack. Ito ang gusto ko rito e, hindi niya ako hinihigpitan masyado. Tska kilala naman niya kung sino ang mga kasama ko.

After ko magpaalam sa kaniya ay lumabas na ako ng bahay namin at sumakay na ako sa sasakyan.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe pero nag hinto ang sasakyan ko. Ano ba naman to.

Tinignan ko ang phone ko pero walang signal.

"Dito pa talaga sa gitna ng kalsada?" Saad ko sa sarili ko at muling tinignan ang phone ko. Wala talagang signal. Isa pa, bakit ang weirdo? Walang masyadong dumadaan na sasakyan ngayon?

"Ugh!" Naiinis kong saad at bumaba ako ng sasakyan. Tinignan ko ang harap ng sasakyan ko pero ayos naman. Inikutan ko rin ang sasakyan ko para matignan ang mga gulong, at kapag minamalas ka nga naman... na flat pa. Flat talaga.

Hanggang sa may dumaan na sasakyan, hindi ko sana papansinin iyon pero huminto sila sa tapat ko.

"Si vice ganda pala to e. Hi vice!" Bati nung nasa shotgun seat na lalaki sa akin, may kaputian rin at matangos ang ilong.

Ngumiti ako sa kanila at nag wave ako.

"May problema ba sa sasakyan mo?" Tanong nung nasa driver seat. May bigote rin sya at balbas, kayumanggi.

Marahan akong tumango sa kaniya, "oo eh, na flat kasi ang gulong."

Maya maya pa ay bumukas rin ang bintana ng nasa backseat. Tatlong lalaki rin ang nandoon. Bale lima sila sa isang sasakyan.

"Gusto mo tulungan ka na namin dyan? May extra naman kaming dalang gulong dito sa sasakyan" saad nung isang lalaki na may bigote .Bumaba rin siya habang may hawak syang toolbox.

Hindi ko alam pero parang hindi ako komportable sa kaniya. Nagsibabaan na rin ang apat at tumapat sa sasakyan ko.

"Salamat, pero hindi na lang din. Tinawagan ko na rin naman yung kukuha ng sasakyan ko." Pag aalibi ko at tumingin sa phone ko para makita kung may signal na ba. Unti unti na rin akong lumalayo sa kanila habang parang tinatahip naman ang dibdib ko sa kaba.

"Huwag ka ng mahiya, vice. Tutulungan ka na namin." Sabi naman ng isang lalaki na mahaba ang kaniyang buhok.

Pinalibutan na nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hindi! Hindi, okay na ako. Hihintayin ko na lang yung susundo sakin."

Hinawakan ako ng isa sa braso. Yung pang limang lalaki sa kanila.

"Tutulungan ka namin. Huwag kang maarte." Natatakot ako sa kaniya. Sya yung kalbo na medyo malaki ang katawan.

Nag pumiglas ako, ngunit isang suntok ang natanggap ko sa aking sikmura habang ang isa naman ay sinipa ako sa binti. Napaupo na ako sa kalsada dahil namilipit na ako sa sakit.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon