Falling petals

116 16 13
                                    

Nakatitig ako sa isang imbitasyon na hawak ko. Imbitado na naman ako sa isang kasal. Sa dami ng mga kaibigan ko, kokonti na lamang ang mga single at isa na ako doon.

Mukhang nahanap na talaga nila ang para sa kanila at masaya naman ako doon. May mag aalaga na sa kanila. Habang ako? Waiting pa rin sa taong darating para sa akin.

Sa isang linggo na ang kasal nila Mc Muah at ng fiance nya na si Joross, sa kanila yung invitation na hawak ko. Tinabi ko na rin agad yun bago ko nagpunta sa kwarto ko.

Tinuloy ko muna ang aking trabaho. Chinecheck ko ang mga papeles na hawak ko na pinadala sa akin ng secretary ko, tumaas ang sales ng brand ko sa perfume at maging sa cosmetics.

After that, nag asikaso na ako at nahiga na.

Hanggang sa dumating na ang araw ng kasal nina Mc at Joross. Nag asikaso na ako at pinili ko ang isang damit na babagay sakin. Gawa ito ng isa sa mga sikat na designer sa Pilipinas. Hindi lang naman dito sya sa pinas kilala maging sa ibang bansa man.

I will always be unkabogable, at walang makakapantay sa akin.

Garden wedding ang naging tema ng kasal nila. Isang private property ang nirent nila. May dalawang rest house na malaki na nasa gitna ng isang malawak na lupain, at tanaw rin ang dagat.

Kahit sa civil, pinaghandaan talaga nila ang mga ito. Nagandahan ako sa ayos ng paligid.

Pansin ko na parang may nakatitig sa akin, ramdam ko yon kanina pa pero hinahayaan ko. Hanggang sa mag reception na, alam kong nag nanakaw syang tingin sa akin. Kaya naman humanap ako ng oportunidad upang matyempohan ko syang nakatingin sa akin.

Ngumiti sya pero agad din syang nag iwas tingin. Marahil ay nahiya rin sya. Pansin kong napakamot rin sya ng kanyang nape ngunit agad din syang kumaway sa akin kaya naman ngumiti na lamang ako.

Habang nag kakasiyahan, tumabi sya sa akin at may hawak syang glass of wine.

"Hi," ngumiti pa sya sa akin at nilahad nya ang kanyang kamay. "I'm vhong." Habol niya na agad ko naman din yon na tinanggap.

"I'm vice." Sabi ko sa kanya habang magkahawak kami ng kamay.

Todo kwento sya sa akin. Tila hindi sya napapagod magsalita habang ako nakatitig lamang sa kanya.

Friend nya si joross at ininvite nga daw sya nito kahit na may work sya. As a supportive and true friend, pumunta sya. May ari pala sya ng isang brand ng mga damit. Pinakita nya kasi sakin yung mga styles ng mga ito at nagustuhan ko.

Hindi ko namalayan na marami na pala rin akong naisheshare sa kanya na mga kwento ko tungkol sa aking trabaho.

"Alas dos na pala ng madaling araw." Saad ko habang iniinom ko ang alak na nasa aking baso.

"Pasensya na, napasarap ang kwentuhan natin." Nahihiya na naman sya habang nakatitig sa akin. Nagkakamot na naman sya ng kanyang nape.

"Nah, okay lang. Nabigla lang ako sa oras. Wala namang magagalit." Saad ko sa kanya bago ko ngumiti.

Hindi ko na alam ang mga sumunod pa na mga pangyayari matapos yon. I just woke up na we're both on the same bed and naked.

The hell.

Tumingin ako kay vhong na nakadapa pa. Nakakumot ang kalahati niyang katawan at kita ko ang kanyang likuran. Inabot ko na ang damit ko at sinuot ko na yon. Ang sakit ng buong katawan ko. Ano ba kasing nangyari kagabi at nangyari yon?

Hindi ko na maalala. Ang alam ko lang, nalasing ako.

Fuck.

Tumingin akong muli sa kanya at di ko na sya ginising pa. Tuluyan ko nang nilisan ang kwarto na yon.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon