Fan Gay

521 14 14
                                    

Nakatitig ako sa twitter pati na rin sa Instagram ko, I saw his post. O my gosh! May concert na naman si Vhong!!

"Makikita na naman kita!! Nakakaloka!! Ang pogi pogi mo!" nagpagulong gulong ako sa higaan ko at tumingin ako sa poster na nasa pader ng aking kwarto.

"Bakit mo naman binihag ang puso ko? Paano mo naman nagawa yon ha?" pagkausap ko sa poster ni vhong.

"See you, loves!" humalik pa ako sa poster nya bago ako nag asikaso. Naligo na ako at kumain na. Marami pa pala kaong gagawin today.

Two weeks before his concert nagkaroon na ako ng ticket! Yie! Excited na akong makita sya. Pakiramdam ko ngayon pa lang nag iinit na ang aking mukha kapag tinitigan nya ako.

"kumalma ka nga! Parang may sili yang pwet mo dahil hindi ka mapakali dyan."Anne. Tumabi ako sa kaniya habang nag de-dayream ako na yakap ko si vhong at kini-kiss nya ako. Shocks! Shocks!

Dumating yung araw na concert nya. Sinama ko si anne, ang bestfriend ko. Sinama ko manuod ng concert ni vhong.

Ang daming tao. Napuno na naman nya itong araneta.

Hanggang sa nag simula na ang kaniyang concert. Maraming pailaw, maraming may hawak banners, maraming gusto syang malapit habang ako, nandito sa unahan, madali lamang siyang hagkan.

Pagkalabas nya, nagtilian yung mga tao. Ang pogi pogi ng vhong navarro na to!

"Napaka supportive mo naman!"

"Syempre, crush ko yan eh!"

Ang lakas ng palakpak ko habang nakatitig kay vhong na nag sasayaw na.

"Go vhong!! Ang gwapo gwapo mo!"

Lumingon siya sa akin bago kumindat. Ack! Pwede na akong mamatay! Charot.

"Holy shet! Tingen mong malagket! Ako sayong naaaket. Halikan mo na lang ako at iyon ay aking bet na bet!" sigaw ko ng biglang hablutin ni Anne ang buhok ko. Kahit kailan talaga to, kontra itong babaeng to!

Bumaba naman si vhong at lumapit sa akin.

"Hoy pota! Bakit sa kaniya?! Vhong pwede naman sakin! Ako na lang halikan mo!" sigaw noong balyena na nasa itaas ng upuan ko.

"Anakan mo lang ako vhong! Kahit di mo ko panagutan!"

"Handa kong isuko ang aking pagka birhen para lang sayo vhong! Iuwi mo na ako!"

Ang daming sumisigaw makuha lang ang atesyon nya, subalit patuloy lang siyang nakatitig sakin. Ngumiti ako sa kaniya dahilan para bigyan nya ako ng halik sa labi.

Halos mahimatay naman ang mga kababaihan na nainggit sa akin. Habang ako mahihimatay dahil sa kilig.

Natapos ang kaniyang unang pag perform ng icheck ko ang phone ko. Nakita kong may dm sakin.

Salamat sa pagpunta, my ultimate fan, my girlfriend. After ng concert ko, iuuwi na kita. I love you. - Vhong.

Hindi pa pala ako pwede mamatay, madam bertud. Lalandiin at haharutin ko muna ang jowa ko pag uwi namin sa kaniyang bahay.
















A/N:
Short update muna! Hahaha
Hello, it's been a month!
You can follow me on my social media accounts, just check my profile here in wattpad. Thank you!

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon